Your PovMaaga akong bumangon para maghanda ng lunch box.
"Hmmmm," I hummed a familiar tone na narinig kong sinasayaw ni Dino kahapon.
"Ang aga mo ata nagising?" daddy asked.
Napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si daddy na nakangiti sa akin.
"A-Ah o-opo, n-naghahanda po ako ng lunch box," I answered.
"Gusto mo tulungan na kita?" he offered and walks towards me.
Pero bago pa man ako tulungan ni Daddy ay dumating na si Mama.
"Ano bang ginagawa mo (Y/N) at ang aga aga kumakalampog sa kusina. Maghahanda na ako ng umagahan, gumayak ka na," Mom said.
Matapos maligo at gumayak ay naglakad na ako papuntang school dala ang paperbag na naglalaman ng masarap, siguro? Pwede na, yeah, masarap na tanghalian mamaya.
To my surprised I saw Dino from afar. Dito rin kami unang nagkita kahapon ng umaga!
"Dino!" I wave at him and smiled.
Huminto siya sa paglalakad at tinitigan ako.
"Good morning!" masaya kong bati sabay tumakbo papunta sa kaniya.
Pero, agad siyang umiba ng lingon at naglakad palayo.
Napahinto ako sa paglalakad at nanlumo. Sa pagkakaalala ko, inalok ko siyang maging kaibigan kahapon, pero bakit ganito ang reaksyon niya?
I looked down and sighed.
"Hmmm," I heard him mumbled.
Agad akong napalingon sa direksyon niya, nakahinto siya but he still not looking back.
"Uh?" I muttered.
Slowly, he looked back at me. His eyes are so sharp but it didn't scare me, it made my heart fluttered instead.
"Good morning," he said in low tone. He forged a cough before walking away.
Pakiramdam ako, pansamantalang tumigil ang oras. I held my chest and smile. What a beautiful day!
Nakarating ako sa school at nagsimula na ang klase. 4 hours lang naman ang klase sa umaga pero pakiramdam ko isang libong oras na ang nakalipas. Siguro ay dahil excited ako na magtanghalian.
I looked at my lunch box and smiled. Magugustuhan niya kaya ito?
Kanina noong nagkita kaming umaga napansin ko kung anong section siya dahil sa I.d niya. Iba talaga nagagawa ng mata ko kapag inlove. Inlove?! Did I say inlove?! A-Am I? R-Really? No kidding? Ehhh?
I pouted and think hard. Hanggang sa hindi ko namamalayang nakarating na pala ako sa room 'ata ni Dino?
I looked inside of that room and searched for him. Pero, di ko siya matanaw. Tama ba yung nakita ko kanina o hindi?
Humakbang na akong palayo ngunit, napahinto nalang ako ng makarinig ng tawanan sa loob ng room na iyon.
My eyes widen when I saw Dino on the ground. Hawak hawak ng mga kaklase niya ang bag niya. Binuksan nila ang zipper nito at ibinaligtad.
His things hits Dino's head and it made him looked down.
Napakuyom ang aking mga kamay sa paper bag na hawak ko.
"Wala kang dalang pagkain?" tanong ng mga lalaking nakapaligid sa kaniya.
Pero nakayuko lang siya at dahan dahang pinupulot ang kaniyang mga gamit sa sahig.