Chapter 1.

1K 27 6
                                    

"Ayokong nakikita kang umiiyak, sa t'wing nakikita ko na malungkot ka, doble pa no'n ang sakit sa'kin. Pero sa t'wing nakikita naman kitang masaya, 'yung pakiramdam na hindi ako nagsisising ikaw ang babaeng minahal ko at higit sa lahat sa t’wing kasama kita, sa t’wing yakap yakap kita, ‘yung pakiramdam na tumitigil ang oras ko. Mahal kita, mahal na mahal kita. At yan ang mga salitang panghahawakan mo.” Sa t’wing binabasa ko ang mga linyang yan sa sulat na binigay niya sa’kin, hindi ko maiwasan ang maluha, ang sakit. Lalo na ngayo’t alam kong hindi ko na siya pagmamaayari. Lalo na ngayo’t may iba na siyang minamahal.

“Tanga ba ko? – yan ang laging tinatanong ko sa sarili ko sa t’wing naaalala ko na siya ang minahal ko. Siguro, hindi. Nagmahal lang ako, nagmahal lang ako sa isang lalaki.. sa isang maling lalaki, sa maling  oras at panahon. Ayoko rin namang magmukhang isang tuta na naghahabol, maka-suso lang. Hanggang ngayon mahal ko parin siya, kahit ganto ang ginawa niya sa’kin, kahit na ganto ang nangyari sa’ming dalawa.

Sa t’wing nagpupunta ako dito sa tree house sa tabi ng condo namin malapit sa isang matarik na bundok, kung saan nakikita ko ang buong lungsod ng Tagaytay, naaalala ko ang lahat. Naaalala ko kung paano ko siya nakilala, kung paano ako nahulog sakanya at kung paano ko siya minahal. Gustohin ko mang itapon o sunugin lahat ng binigay niya sa’king sulat, ‘tila may pumipigil sa’kin na gawin ‘to at ‘tila para parin akong tanga na naghihintay sa wala, naghihintay na isang araw babalik siya sa’kin.

Umaambon, ‘tila may isang malakas ng ulan na paparating. Makikita mo sa kinatatayuan ko na ang maiitim an ulap na naghihintay na ilabas ang isang malakas na ulan. Isa pa ang ulan sa nagpapaalala sa’kin kung paano ko siya nakilala, kung paano niya nabihag ang puso ko. Sa t’wing umuulan talaga hindi pwedeng hindi siya ang naiisip ko, hindi pwedeng hindi siya sumasagi sa isip ko. Oo, madalas siyang sumasagi sa isipan ko pero sa t’wing umuulan madaming bagay rin ang nagpapaalala kung gaano kasakit na siya ang taong minahal at pinili ko.

Chloe, ang pangalan na nakuha ng magulang ko sa isang paboritong artista ni Papa sa Hollywood. At ang Lawrence naman ay ang apilido namin na pilit kong sinisiksik na kamag-anak naming si Jennifer Lawrence ng The Hunger Games, pero hindi.  Chloe Lawrence, iniisip ko nga kung bakit ganto lang kaikli ang pangalan ko kasi ako mas gugustuhin ko na pahabain nila ang pangalan ko.

8 years old ako no’ng naulila kami. At ngayong 23 years old ako hindi ko parin maiwasan na hindi sila isipin at pakiramdam ko kung hanggang ngayon kasama parin naming sila, hindi kami magkakaganito, hindi ako magkakaganito. Nakatira kami sa Bataan, pero mas pinili kong lumipat dito sa Manila dahil nandito ang trabaho ko bilang isang consultant sa isang malaking advertising company. Kung saan nakilala ko si Marco.

Napatigil ako sa iniisip ko, hindi dahil kay Marco. Kung hindi dahil sa unti unti ng umuulan. At kailangan kong  umalis na dito sa tree house.

Dali dali akong bumaba ng tree house at dahil sa pagmamadali ko, naiwan ko ang box na puno ng sulat galing kay Marco.

“Shit naman, bakit kung kailan pagbaba ko ng tree house do’n lumakas ang ulan.” Dali daling pagtakbo ko, inalis ko na rin ang heels ko para mapabilis ang takbo ko kung alam ko lang na uulan pala sana nagdala na rin ako ng extra na damit hindi yung nahihirapan akong tumakbo nang dahil sa suot kong dress.

Bago pa ko makarating sa bakanteng lote na malapit sa condo ng kaibigan ko, hindi ko alam kung malas lang ba ako o talagang napakaliit lang ng mundo at bakit kahit mabilis ang pagandar ng sasakyan ay nakita ko si Marco na minamaneho ang sasakyan niya.. biglang naaalala ko nanaman ang lahat, ang sakit at ang mga panahon na nagmamahalan kaming dalawa.. bumalik sa mga panahon kung paano ko siya nakilala at kung paano ko siya minahal at tuluyan akong nahulog sakanya.

“Yes, sir I’m on my way.” April 8, 2011, nagmamadali ako papunta sa meeting ng company namin sa isang coffee shop malapit sa Taft. Gaano ba kaimportante ang meeting na yan at ginanap pa talaga sa labas. Hindi ba pwedeng do’n nalang mismo sa company namin? Nalate tuloy ako. Ang lakas kasi ng ulan sa labas. Buti nalang talaga at naka slacks ako, siguro kung nakapalda ako, mahihirapan ako sa pagkilos ko. Never talaga ako naging fan ng tag-ulan. Nasisira ang araw ko.

Habang naglalakad ako naglalagay din ako ng lipstick, ang tanga ko rin kasi kung bakit hindi nalang ako naglagay sa kotse kanina habang traffic. “Ay puke!” pumaling ang pagkakalagay ng lipstick ko na umabot hanggang sa bandang butas ng ilong ko dahil may bumangga sa’kin. “Hahahahaha! Sorry miss.” isang malakas ng tawa ng isang lalaki. Maputi siya at alam mong anak mayaman, matangkad at nakaformal ang damit niya. Nakashades siya at mapapansin mo talaga kung gaano kaganda ang kutis niya. Basta ang gwapo niya, pero mukhang magaspang ang ugali.

“Bakit ka pa tumatawa!? Nabunggo mo nga ko’t lahat tumatawa ka parin!? Alam mo ba na hindi na nga maganda yung araw ko, sinira mo pa lalo? Sira na nga ang araw ko, sira pa ang beauty ko!” “Hahahaha! Miss, sorry. Okay? It wasn’t my fault at all. Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo.” “Ha! Ako pa talaga? Ikaw sahalit na magsorry ka nalang nakikipagtalo ka pa sa’kin. Bakla ka ba!?” Oo, napatunayan kong magaspang nga ang ugali ng lalaking ‘to.

“What?” tila ‘yun lang ang nasabi niya. “What-watin mo ang mukha mo! Tse!!” sabay walkout, walkout queen talaga ang peg ko kahit noon pa. Habang naglalakad ako ay nililinis ko yung lagpas ng lipstick ko. At habang naglalakad ako, hinabol papala niya ko.

“Hey, excuse me? Alam mo ba yung pinagsasabi mo miss? Ha, kaya siguro mo nasabing bakla ako, kasi type mo ko.” “Hahahaha! Hahahahaha! Ha.” “Oh, bakit? Wala kang masabi? Hahahaha. Kasi totoo.” sabay naglakad na palayo sa’kin. Habang naglalakad siya ay nakatingin lang ako sakanya, galit at inis ang nararamdaman ko no’n.

“Ugggh! Sobrang naiinis ako, ang gaspang ng ugali niya!” at umalis na rin ako habang inaayos ko ang lipstick ko.

Sa wakas, nakarating din. Pagkarating na pagkarating ko ay nagtinginan ang mga kasamahan ko sa trabaho. Napatingin ako ng sadya sa orasan ko at 15 minutes late ako. “Sorry for being late. Ang lakas po kasi ng ulan kaya natraffic po ako.” “It’s fine Ms. Lawrence, you may sit.” ang sagot lang ng CEO ng company namin. Casual talk lang naman pala ang ginagawa nila, pero bakit pinagmamadali ako? “Sir, malapit na daw po siya.” ang sambit ng secretary ng boss ko. “It’s fine.” ang sagot lang ng boss naming. Ngayon ko lang nakita na pinaghintay ang CEO naming at ang staff ng company namin. Almost 30 minutes na pala sila naghihintay, akala ko pa naman late na late na talaga ako.

Pero ano ba? To think na almost 30 minutes na silang naghihintay. Syempre, para sakanila 30 minutes? Seriously? Ang tagal nilang naghihintay ha. Matagal ang trenta minutes na paghihintay na yun. “Oh, Chloe. Kamusta ka?” pangangamusta sa’kin ni Paul. Ang pinakamalapit kong kaibigan sa trabaho. Sa lahat ng katrabaho ko sakanya pinakamalapit ang loob ko. Hindi ko alam kung bakit, parang kapatid na ang trato ko sakanya. Pero madalas, siya, nararamdaman ko na hindi lang kapatid ang turing niya sa’kin. Around 5’11 ang height niya, maganda ang kutis at kapag ngumiti siya, maraming babae ang tila nalalaglag sa kinauupuan niya. Ganyan ka gwapo si Paul.

“Paul, ay. Okay naman ako. Medyo naiinis lang ako kanina sa lalaking nakabunggo sa’kin. Sobra! Alam mo ba lumagpas ang lipstick ko kanina dahil sakanya? Sobrang nakakasira ng araw.” “O, calm down Chloe. Hayaan mo na siya. After neto gusto mo maglunch muna tayo before tayo bumalik sa work?” nakangiting tanong sa’kin ni Paul. Sa totoo lang, kung hindi kami magkaibigan na nagsimula neto, maaari pang nagkagusto ako sakanya. “O, sige. No problem. Treat ko!”, “Ano ba yan? Hindi naman pwedeng ikaw.”, “Hindi rin naman pwedeng ikaw nalang ang nanlilibre sa’kin.” Pabirong sabi ko sakanya. “Hay, okay okay. Basta ngumiti ka na, okay?”, “Yes, I will. Thank you Paul!”

Maya maya pa habang nagkkwentuhan kami ni Paul.

“O, Mr. Sandoval. Finally!” banggit ng boss naming at sabay tumayo siya at siya pa mismo ang lumapit sa lalaking dumating at nagpahintay sakanila ng 30 minutes.

Sabay napatingin din ako sakanya at pagkatingin na pagkatingin ko sakanya ay halos nahulog ang panty ko sa gulat at sa nakita ko.

*end of Chapter 1*

Love, Letters and Rain.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon