Chapter 3.

409 8 8
                                    

Hinawakan niya ang mga kamay ko, nagulat, oo. Sa pagkagulat ko na yo'n ay nakaramdam ako ng mabilis na tibok ng dibdib, yung matagal na panahon ko naramdaman 'yung ganto. Nakakamiss. Pero  bigla kong naisip na, hindi ba masyadong mabilis? O maaari rin namang pinagtritripan niya lang ako? Pero hindi eh, iba 'tong nararamdaman ko.

"Ay, Marco?" napatingin sa kamay namin dalawa na magkahawak habang naglalakad kami papunta sa kotse niya, sabay napatingin ako sakanya.

"Sorry." sabay napatingin siya sa'kin at dagdag niya pa.. "Ngayon nalang ulit ako nagkagusto sa isang babae ng ganto. Pagpasensyahan mo na kung napabilis ata ako." sabay binitawan niya at ngumiti nalang siya sa'kin.

"Ay, sir. Ayos lang naman yun." ngumiti ako sakanya na tila dismayado pero ayos lang din dahil ayokong madaliin. Kailan nga ba ko huling nakaramdam ng gantong kilig at saya sa piling ng isang taong gusto ko?

Naaalala ko, naramdaman ko 'to 5 yrs ago. Si Tristan ang una't huling tao na nagparamdam sa'kin ng kilig, saya at sakit. Si Tristan ang pangalawang ex boyfriend ko. Yung una kasing ex ko, parang wala lang kasi masyado pa kaming bata no'ng naging kami. Pero si Tristan medyo nasa tamang edad na kami nung naging kami. College ako no'ng nakilala ko siya. Pero hindi ko nalang siguro babalikan kung anong meron sa'min no'ng nakaraan. Pero wala naman din akong pinagsisisihan dahil nakilala ko siya.

"Oh, bakit natulala ka ata? Sorry kung medyo nabastusan ka sa ginawa ko ha?" sabi ni Marco, at nung nagsalita siya, dun lang ulit ako nabalik sa ulirat. Lately, ramdam ko madalas akong natutulala at kinakausap ko ang sarili ko. In a way na ako lang ang nakakarinig. Yung mahilig ba kong magisip ng mga nakaraan habang nakatulala ako.

"Sorry, Marco. Hindi, wala yun." ang sagot ko sakanya nang nakangiti.

Binuksan niya ang kotse at ang pintuan kung saan ako uupo, sa tabi niya. Sobrang natuwa ako sa ginawa ni Marco na yun kasi hindi lang siya sweet, gentleman pa siya. Madalang ka nalang makakakilala ng lalaki na katulad niya, pero masyado pang maaga para mahulog ako sakanya at i-judge ko siya. Pero hindi ba't jinudge ko na siya no'ng unang beses na nagkita kami? -- Nagkamali ako no'n kaya ngayon, wala nakong karapatan para ulitin pa yun.

Pagkasakay namin sa kotse ay tinawagan niya agad ang driver niya para ihatid sa talyer ang sasakyan ko.

"Mang Austin, pakidala naman sa talyer 'tong sasakyan ng kaibigan ko. Dito sa parking lot ng building namin.. Yes, okay, okay. Thanks", at sabay baba niya ng phone at sinabi "O, Chloe. Okay na yung sasakyan mo. Maya maya ay darating na rito ang driver ko para dalhin sa talyer yang sasakyan mo.", "Thanks sir.", "Oh, ano bang sinabi ko sa'yo? 'Diba sabi ko naman na 'wag mo na ko tinatawag na sir? Pakiramdam ko tuloy ka-resperespeto ako.", "Hahahaha! Loko ka talaga, Marco."

At nagmaneho na palabas ng parking lot si Marco. Habang nagmamaneho siya, mas nakilala ko si Marco. 

Nakikita ko habang nagkkwento siya ang pagiging masiyahin niya. Makikita mo sa mga mata niya yung saya sa pagkwekwento niya. Graduate pala ng UP si Marco at dalawang beses siyang nagshift ng kurso, dahil hindi parehong gusto ng magulang niya ang napili niyang kurso.

"Alam mo ba, ang laki ng pasasalamat ko ngayon na nagpuntang ibang bansa sila papa, atleast ngayon alam kong masaya ako sa mga ginagawa ko." dagdag niya pa. No'ng sinabi niya ang mga salitang yun, ramdam mo ang sakit na dinadala niya, ang sakit na buti pa siya napagdaanan niya yan, samantalang ako? Alam niyo naman na namatay ang parents ko 8 years old palang kami.

"Ikaw ba? Magkwento ka naman tungkol sa parents mo.", "Ah, ako? 8 years old ako nung namatay yung parents ko.", "Oh.. sorry to hear that.", "No, it's okay. Nakamove on naman na kami eh.", "Ah, so may mga kapatid ka?", "Yes, 2 sila. Yung isa lalaki. No'ng baby palang ako namatay na siya at yung isa naman si Ate Claire.", "Oh, kayong dalawa nalang pala ng ate mo yung magkasama, nasan siya niyan?", "Ah si ate? Nag-lilivein na sila  ng fiance niya.", "Ah, okay. So nagkikita parin kayo?", "Nope, hindi kasi kami close. Bata palang ako ramdam ko na may favoritism sila mama at papa, kaya masakit sa'kin. Siguro, in a way ramdam ko nung bata ako na medyo loner ako. Sana nga hindi nalang namatay si kuya eh, kasi kung hanggang ngayon nandito siya, pakiramdam ko close kami.", "Okay lang yan, tulad nga ng sinabi nila 'Everything happens for a reason', so cheer up. Gusto mo magdinner nalang tayo?", "Ay, thanks. Sure, basta ba libre mo eh", sabay nginitian ko siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love, Letters and Rain.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon