"Mr. Sandoval, finally!" ang masiglang pagsalubong ng CEO ng company namin sa isang tao na hinintay nila ng mahigit kumulang na 30 minutes. "Mr. Sandoval!?" gulat na pagkakasabi ko ng pabulong sa sarili ko. Of all the people, bakit siya? Bullshit, hindi ko alam gagawin ko. Hindi ko alam kung stock holder ba siya, o bagong staff siya sa kompanya o anak anakan siya ng boss namin, hindi ko alam.
"Bakit? Kilala mo ba siya Chloe?" nagtatakang tanong sa'kin ni Paul. "Paul, siya yung nakabunggo sa'kin kanina.", "Hahaha, what a small world for both of you. Siya ang anak anakan ng boss natin. Ang magiging VP Marketing Department natin.", "Paul, hindi ko alam kung anong meron ang ulan at sa t'wing umuulan ay minamalas nalang ako.", "Hindi yan, ikaw lang ang nagsabi niyan."
At napatigil kami sa paguusap ni Paul no'ng pinakilala na sa'min si Mr. Sandoval. Pakiramdam ko, hindi parin niya ako nakikita kaya hindi parin siya nagrereact. "Paul, gora muna ako sa cr. Baka makita niya.." putol na pabulong ko kay Paul dahil biglang may nagsalita. "Oh, so you're the girl who I trash talked with a while ago." banggit ni Mr. Sandoval. "Eh.. sir.." noong mga oras na yo'n hindi ko alam kung anong sasabihin ko, ang panga ko tila nabaon sa lupa, ang mga paa ko ay nanigas ang buong katawan ko ay nanlamig at ang mukha ko ay gustong maglabas ng pawis.
Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung anong ipapaliwanag ko, tila walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko. "Hahahaha! Bakit ngayon hindi ka makapagsalita?" tanong niya sa'kin. "Ninong, who is she? Hahaha!" tanong niya sa boss ko. Shit, hindi ko na talaga alam kung saan at paano ako magsisimula.
"Chloe, what is the meaning of this? Are you guys somehow related to each other?" tanong ni boss sa'kin. "No, ninong. She's quite familiar though. Hahaha! Well, anyway carry on. Let's start the meeting.", tila tulala parin ako sa mga pangyayari. Kung isang masamang panaginip 'to, please lang, sana pakigising ako.
"You guys may now have a sit." banggit ng boss namin.
"Chloe, are you okay?" tanong ni Paul sa'kin. "Mukha ba akong okay Paul? Pakiamin.", "Okay, sorry. Hayaan mo nalang muna. Everything happens for a reason.", "Really, Paul? Really?", "Oh, chil. Gusto mo na ba ng coffee?", "I want a frappe instead. Kape na nga lang ang nagpapatirik sa mga mata ko baka mamaya't tumirik ang mata ko't mandilim mapatay ko pa yang si Mr. Sandoval.", syempre pabulong na sabi ko kay Paul.
Natawa lang si Paul at napatingin ako kay Mr. Sandoval at hindi ko ba alam kung nagkataon lang o may balak siyang manginis pero bigla niya kong kinindatan at ngumisi siya sa'kin.
Sabay inalis ko ang tingin ko sakanya. "Bakit niya ginawa yun?", "Baliw ba siya?" "Para siyang tanga!" "Ayyyyyy!" kung ano anong tanong ang tumatakbo at gumugulo no'n sa isipan ko. Pero no'ng kinindatan niya ko, bakit kahit naiinis ako.. kinikilig parin ako?
At tila gusto kong iuntog ang sarili ko kasi hindi ko dapat nararamdaman 'tong kilig na 'to eh. Malandi rin ako, bwiset.
"So I am Marco Luis Sandoval Jr. ang bagong magiging VP sa Marketing Department. I hope to catch up with you guys espcially kay Ms. Chloe", banggit ni Marco. "Ha!?" tila nagulat ako sa nasabi niya at tila "Ha" lang ang nasabi ko. Lahat ng staff namin ay nagkantsawan at nagsigawan sa sinabi ni Marco. Samantalang si Paul naman ay napatingin lang sa'kin at napangiti. Hindi ko alam kung bakit sinabi ni Marco 'yon. Nahihibang ba siya, o talagang pinagtritripan niya ko? Gusto ko siyang suntukin, kung hindi lang talaga siya anak anakan ng boss namin nakatikim na ng suntok ang taong 'to sa'kin.
Tila dalawang bagay lang ang nararamdaman ko ngayon. Galit at inis. Bakit sa dinami-dami ng tao bakit siya pa ang bagong VP namin?
Habang nagmemeeting ang buong staff. Sa'kin lang nakatitig si Marco, nakangiti at makikita mong mukhang pinagtritripan niyo ko. Pero, sigurado ba kong galit at inis lang ang nararamdaman ko? Wala bang kasamang kilig? "Huy, Chloe!" gulat sa'kin ni Paul. Tila nagising narin ako sa katotohanan na dapat inis at galit lang, wala ng iba. Ewan ko ba sa alter ego ko, parang may pagkamakati ang ego ko. "Oo, ayos lang ako. Bakit mo naman natanong?" sagot ko kay Paul. "Wala naman, nagagalit ka parin ba sakanya?", "Hangga't hindi siya nagsosorry sa'kin, wala akong karapatan para matuwa sakanya.", "Hahahaha! Okay then."
BINABASA MO ANG
Love, Letters and Rain.
RomanceIt tells the story of a typical young woman who fell in love with a man who changed her life forever. With the first part of the story 'Love'; where in they met and fall in love with each other. Then the second part 'Letters'; where in their relat...