"What are you doing here trash? You don't belong here." Sabi ng maarteng si Candy, ang pinakabully sa buong school. Porke't isang anak siya ng Mayor ng lugar namin.
Hindi ko sila pinansin at dumiretso ako sa aking upuan. Lahat ata ng mga masasakit na salita ay natanggap ko na lahat, lahat ng mga pang-aapi ay nakasanayan ko na. Lumaki akong kasama ang buo kong pamilya. Kahit hindi kami ganoon kayaman ay nakakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw at isa akong scholar sa aming paaralan. Si Papa ay nagtatrabaho sa ibang bansa at si Mama naman ang siyang gumagabay sa akin simula pa noong ako ay bata hanggang sa ngayon..
***
I saw Mama crying last night and ngayon sa breakfast naming ay tahimik lang siya at natutulala. Pinagmamasdan ko siya hanggang sa matapos kaming kumain.
Nakapasok pa ako sa school at nakaattend ng mga activities. Nakapag-training pa ako sa Tennis hanggang sa pag-uwi ko, nasa gate pa lang ako ay tanaw ko na si Mama na umiiyak habang may kausap sa cellphone. Sobrang putla niya, magulo ang buhok niya, magulo ang damit niya na napaka-unusual sa kanya. Dahan dahan akong lumapit sa kanya, Nakita niya ako kaya naman niyakap niya ako ng mahigpit.
"Ma, ano pong problema? Kagabi ko pa po kayong nakikitang umiiyak." Nang sabihin ko 'yon ay lalo siyang umiyak kaya naman inaya ko na siya papasok sa loob ng bahay at nagsara na rin ako ng pinto.
"Anak..." umupo siya sa sofa at sobrang lungkot ng mukha niya. "Wala na ang Papa mo." Bigla akong natigilan.
"Anong wala na po si Papa?" Bigla akong kinilabutan ng umiyak pa rin si Mama.
"Naaksidente ang Papa mo sa Qatar anak, death on arrival siya.." ipinakita sa akin ni Mama yung balita mula sa kompanya nina Papa.
Isang buwan akong hindi nakapasok at natanggal ako sa scholarship ko. No choice ako kundi ang tumigil sa pagpasok. Second year highschool pa lang ako pero sanay na sanay na ako sa hirap at heto pa nawala pa si Papa na pinanggagalingan namin ng pera. Si Mama naman ay walang trabaho..
*****
Simula nang mamatay si Papa ay si Mama na ang nagtataguyod sa akin. Nakapasok si Mama sa isang Salon at nagtagal siya doon hanggang sa may costumer siya na nag-aya sa kanya na maging Manager ng isang Restaurant na siya naman niyang tinanggap. Natuloy muli ang pagpasok ko at nakapagtapos ako ng highschool.
Mahilig si Mama na papasukin ako sa mga mahal na eskwelahan na taliwas naman sa akin dahil mahal ang tuition fees kaya rin naman ay nagpupursigi ako sap ag-aaral at paghahanap ng scholarship para makatulong kay Mama. Sa paraan man lamang na 'yon ay makatulong ako sa kanya.
"Ma, gusto kong maging doctor." Nang banggitin ko yon kay Mama ay natigilan siya at isang lingo akong hindi nakarinig na pumayag siya.
YOU ARE READING
MDG: The President's Lady
Adventure"My scars remind me that I did indeed survive my deepest wounds. That in itself is an accomplishment. And they bring to mind something else, too. They remind me that the damage life has inflicted on me has, in many places, left me stronger and more...