Chapter Two

31 0 0
                                    


CHAPTER TWO





AMAYA'S POV



"Doc help my mommy please." Napalingon ako sa batang babae na tinuturo yung Mom niya na kasalukuyang nakaupo sa wheelchair habang ngumingiwing nakahawak sa kanyang tyan.



Nilapitan ko 'yon at iniwan ko muna ang aking pasyente at pinacheck ko sa isang nurse yung buntis at pinadala ko na rin sa delivery room after naming mapermahan yung permit.



"Hindi ba sapat yung bata?" nabubwisit kong tanong dahil hindi nila tanggapin yung permit.



"Yung kalagayan ng mag-ina ay ilalagay natin sa guidance ng isang bata?" balik na tanong sa akin ng isang doctor.



"Ang kalagayan ng mag-ina ay nasa ating mga doctor, kung pare-pareho pa nating pag-aawayan ang about sa permit manganganib na sila! Gusto nang lumabas nung bata sa kanyang sinapupunan, wala ba kayong tiwala sa isa't isa?" sigaw ko na sa kanilang tatlo.



Nagsikilos naman agad sila nang sumigaw yung nurse sa loob ng room na lalabas na yung bata. Napahawak ako sa aking batok at napatingala ako nang magkaroon ng alarm galling sa Emergency room na kelangan nang mga Doctors.



"Anong case nila?" kinuha ko yung stethoscope ko at nilapitan ang isang lalaki na puno ng dugo sa katawan.



"I'm okay. Just treat my brother." Tinuro niya yung kapatid niyang mas malala ang tama kesa sa kanya kaya naman nurse na lang ang pinagamot ko sa kanyang mga sugat.



I checked his vital signs and everything bago siya inilipat sa kung saan desired yung bata at binalkan ko yung lalaki na ngayon ay malinis na at nabendahan na yung kanyang sugat sa balikat. Ano ba 'to? Napaaway? Napagtripan? Nakursunudahan?



"May masakit pa ba sayo Mister?" tanong ko sa kanya habang chinecheck ko yung mga benda niya.



"I feel numb. Can I make a phone call?" tinanguan ko siya at ibinigay ko sa kanya yung hospital phone ko.



Iniwan ko muna siya doon at inasikaso ko naman yung iba pang mga pasyente nang may kumulbit sa akin at nang malingunan ko siya ay ang nakangiting bata ang bumungad sa akin. Lumuhod ako para maging kapantay ko siya.



"Hey lil kid. What is it? May problema ba si Mommy mo?" tanong ko sa kanya nang nakangiti.

MDG: The President's LadyWhere stories live. Discover now