Nagising ako sa sinag ng araw sa labas, habang nakahiga iniisip ko ang mga pinagdaanan at ginawa ko nung isang araw at kahapon.
Pagtapos ng pagkalinis ko sa bangkay ng dalawang magkapatid kahapon ay naisipan kong maghagilap ng pera sa mansyon na to dahil kaunti nalang ang perang nakatago sakin. Hanggang sa matagpuan ko ang isang cabinet na may lamang mga pera at mga alahas na naiwan ng dating may ari ng bahay na ito. Meron pala dito sa kwarto na tinutulugan ko, bat ngayon ko lang nahanap. Sabagay, ngayon lang ako nagkalkal dito.
Bigla ko tuloy naalala si Shelie dahil kahapon nakatulala pa ito at hindi na talaga makausap, balak kopa nga sana syang alukin na sumama sakin na isangla ang mga alahas ng dating may ari ng bahay para magkapera naman ako at makabili ng mga kailangan ko at mga gamit sa bahay pero hindi talaga sya nagsasalita kaya iniwan ko nalang at umalis.
Pagkauwi ko kinagabihan ay ganun pa din ang pwesto at awra ni Shelie. Kakabagot tuloy at sarap patayin pero kakawalang gana kasi hindi naman umiimik at walang thrill.
At ngayon, nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba nako at nakita ko si Shelie na natutulog sa sofa. Natutulog din pala ito kala ko habang buhay na sya nakaupo at nakatulala.
Nagluto ako ng makakain ko at ng maluto na ay sinumulan ko ng kumain. Habang kumakain, napaisip ako na kailangan kong maghanap ng trabaho para hindi naman ako lalong maburyong sa bahay na ito at para hindi ko na madalas makita si Shelie dahil nababadtrip lang ako.
Pagtapos ko kumain ay umakyat na ako sa taas para maligo at magbihis ng damit pang pormal na binili ko kahapon. Tinignan ko ang sarili ko salamin. Nakasuot ako ng Black dress at hanggang tuhod ko lang sya at nagsuot ako ng sandals na black.
Tinigan ko ulit ang sarili ko salamin. Bagay sakin ang suot ko at lumilitaw ang ganda ko. Pero masyadong plain ang muka kaya naglagay ako ng simpleng make up sa muka na binili ko din kahapon.
"Perfect!" Mangha kong sabi sa muka kong kay ganda na nilagyan pa ng make up na bagay na bagay sakin.
Parang may kamuka akong Korean Girl, si Bae Suzy? Oo sya nga. Ang ganda ganda ko talaga.
Matapos kong bolahin ang sarili ko, bumaba na ako at sumakay sa car ko.
Huminto ako sa may security guard na nagsabi sakin noon kung san ako pwede bumili ng bahay.
"Kuyang guard! May alam po ba kayo na pwedeng pag apply-an ng trabaho? Yung maganda po ah" sabi ko
"Opo meron po akong alam Madam, saglit lang po" sabi nya at may kung anong tinignan sa papel na nasa harapan nya
"Madam Craziana nalang" sabi ko at tinignan ako sa muka para matandaan ako
"Ah sige po Madam Craziana, eto na po. Puntahan mopo ulit yang company na yan" sabi nya at may inabot na maliit na papel sakin.
Zachary Company. Yan ang nakasulat sa papel at may nakalagay na address at cellphone/Telephone number.
Cellphone? Oo nga pala kailangan ko bumili nun. Dumiretso muna ako SM para bumili. Bumili ako ng iPhone 7 plus na 28,500. Buti meron akong dala ditong cash. May binigay din syang sim card sakin. Dinemo nya muna sakin kung pano gamitin at binigay na sakin ang new cellphone ko. Kailangan ko din bumili ng relo kasi yung nagdedemo sakin na babae ay may relo kaya naiinggit ako.
May nakasabay akong teenager at mama nya na bumibili din ng cellphone at hindi cash ang binigay nila kundi card. Atm Card? Oo kelangan ko din palang magpagawa nun at malagyan ng pera. At kailangan ko din palang magpagawa ng birth certificate ko para sa pag aaply ko ng trabaho at resume. Hays daming kailangan para mabuhay ka. Katamad pero kailangan talaga.
BINABASA MO ANG
Craziana's Secret (Psychopath)
Mystery / Thriller"Do you wanna die? If you want Come here I am here."