"Ano pong sabi niyo? May balita na po kayo tungkol sa pagkawala ng aking ina?" Inulit lang yung sinabi ko hays
Dahil sa pagkalakas lakas na sinabing iyon ni Shela ay nagising ang dalawa nyang kapatid na nagkukusot pa ng mga mata.
"Totoo yun Ate?" Napangiti ako na talagang naniwala sila sa sinabi ng kapatid nila na si Shela
"Oo totoo yun. Nagpunta yung mama niyo dito kanina at ang sabi sakin na sasama na daw sya sa boyfriend niya sa ibang bansa at hindi niya pinaalam na may mga anak sya kaya ang resulta hindi nya kayo maisasama at pinaalaga niya nalang kayo sakin dahil hindi niya na kayo kayang alagaan kaya sumama na sya sa ibang lalaki."
Galing ko gumawa ng kwento kaya napangiti nalang ako ulit.
Hindi nila alam kung ano ang unang bibigkasin.
Si Lily ay parang hindi naniniwala sa sinabi ko, si Shela at Shelie naman ay parang paniwalang paniwala at konti nalang ay iiyak na sila.
"Kaya lahat ng gusto ko ay susundin niyo. Sakin na kayo ngayon kaya kung hindi niyo masunod ang mga utos ko, mamatay kayo. Understood!?" Tsyaka tumawa ako ng pagkalakas lakas
"BALIW KA! BALIW!" Sigaw sakin ni Lily
"Kaya nga Craziana ang pangalan ko" ngumiti ako sakanila at sa tumalikod na para umalis.
-
Kinabukasan, maaga akong nagising kasi gutom na ako.
Gusto ko na ng makakain kaya pumunta ako sa kwarto nila Lily.
Nang buksan ko na ang pinto ay wala akong nakitang mga tao dun. Asan kaya sila?
Bumababa na ako baka sakaling andun sila. Pero wala pa din. Ginagalit nila ako ah!
May narinig akong tunog ng gate mula sa labas kaya agad ko itong pinuntahan.
Nakita ko ang tatlong magkapatid na balak layasan ako.
"HOY! BUMALIK KAYO DITO!" Sigaw ko sakanila
Napatingin sila sakin na parang nagulat kasi biglang lumaki ang mga mata nila at nakanganga pa.
Bigla silang tumakbo kaya hinabol ko sila.
Ang bilis nila tumakbo, baka hindi ko sila maabutan.
Habang tumatakbo, tinignan ko ang paligid.
Bat wala pang katao tao sa lugar na to? Ganto ba sa subdivision, sobrang tahimik.
Kaboring.
Binilisan ko na ang pagtakbo para mahabol sila.
Nang napunta kami sa dead end ng iskinita ng tinatakbuhan namin ay nahablot ko si Shelie kaya napatili sya bigla.
"Wag na kayo tumakbo! Wala na kayong mapupuntahan pa" hingal na hingal na sabi ko. Titigas kasi ng mga ulo nila! Pinahirapan pa ako.
Hays.
Paglipas ng mga oras ay nakumbinsi ko sila na sumama na sa aking bahay at manilbihan sakin.
Wala naman daw kasi silang magagawa kasi pag hindi pa daw sila pumayag ay magiging pulubi sila sa kalsada at magugutom hanggang sa mamatay.
Sabi ko naman ayaw kong mamatay sila sa lansangan, gusto ko sa mga kamay ko sila mamamatay.
Pagsabi ko nun nagulat sila at bakas sa muka nila ang takot
BINABASA MO ANG
Craziana's Secret (Psychopath)
Misterio / Suspenso"Do you wanna die? If you want Come here I am here."