Chapter 10:
Yurika POV:
Naalimpungatan ako sa sinag ng araw. Pagkatingin ko sa gilid tulog pa si Xyron. Napangiti nalang ako.
Ito talaga ang gusto ko paggising ko sa umaga. Siya ang unang bubungad at makikita ko sa tuwing imumulat ko ang aking mata. Sana laging ganito.
*Vibrate*
Napaupo ako at tinignan ang cellphone ko.
REMINDER: My husband's birthday
Nanlaki ang mata ko ng mabasa iyon. Gosh! Ngayon pala ang birthday niya at anniversary namin. Buti nalang at nagset ako ng reminder.
Tumayo na ako at naligo. Tutal tulog pa naman siya ay magluluto muna ako ng breakfast namin. Nagbihis lang ako ng short at sleeveless.
Pagkababa ko ay pumunta ako sa kusina para magluto ng breakfast niya.
Pagkaluto ko ay tinakpan ko ito para hindi madumihan at nag iwan rin ako ng note.
Pupunta muna ako kay Cherish. Siya lang ang mahilig sa mga surprises. Kaya sa kanya ako magpapatulong.
Di ko kasi nakikitang nag ce-celebrate si Xyron ng birthday. At first time ko rin maghahanda para sa anniversary namin. Kaya sinave ko talaga itong araw na ito para sa kanya, syempre para samin din.
Ginamit ko muna ang kotse niya. Para may magamit ako. Pagkaandar nito ay tinawagan ko si bessy.
Isang ring palang ay sinagot na niya.
"Bessy, asan ka?"
/Nasa bahay. Bakit?/
"Pupunta ako diyan."
/Talaga? Haysss, salamat! May makakasama rin ako./
"Ikaw lang mag isa diyan?"
/Sa tingin mo?/
"Tinatarayan mo na ako ah! Di na kita-----"
/Joke lang, hehehe. Oo, ako lang mag isa dito. Tinatawagan ko kasi yung tatlo na pumunta dito, ayaw naman nila. Busy DAW/
"Hahaha ako nalang tatawag sa kanila."
/Mabuti pa nga./
"Malapit na rin ako sa inyo. Bye bessy!"
/Bye! Take care/
In-end na nito ang tawag. Nang makita ko na ang bahay nila bessy ay pinarada ko ito sa gilid. At bumaba na ako. Tinawagan ko na muna yung tatlo.
Mga ilang ring palang ay sinagot na ni Harold.
/Hello Ikay./
"Hello. Pakisabi naman kanila Dwayne at Jaycee na sabay sabay na kayong pumunta rito kanila Cherish, please? Samahan niyo naman kami."
/Basta't ikaw, nanginginig pa./
Napangiti na lamang ako sa naging sagot nito. Kaya binaba ko na ang tawag at pumasok na sa loob.D
"Good morning bessy."
Nag beso beso kami at umakyat na sa kwarto niya. Pagkapasok ko di ko talaga maiwasang mamangha. Kahit ilang beses na ako pumapasok dito, para sakin parang first time parin.
Ang ganda kasi ng motif niya. Black and white. Nag collage kasi ito kaya maganda tignan.
"Bakit ka pumunta dito bessy?"
Biglang tanong nito. Umupo ako sa kama niya at hinawakan ang kamay niya.
"Tulungan mo naman akong i-surprise si Xyron."
"Di na bata yun para i-surprise."
"Alam ko. Pero gusto ko lang talaga i celebrate ang araw na ito para sa kaniya at samin na din. Kaya sige na bessy."
"Ayoko."
Umiling iling pa ito. Kaya napangisi nalang ako sa naisip ko.
"Kilala mo na ba si Ashley?"
Bigla naman sumama ang timpla ng mukha nito. Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko lang. Dapat seryoso muna ako.
At sa mukha palang nito ay mukhang nakilala niya na. Kaya ito ang gagamitin kong pain para tulungan niya ako.
"Oo. Anong meron naman sa babaitang yun?"
"Dahil bestfriend kita ikaw parin ang unang pinuntahan ko, dahil alam kong sasang ayon ka sa plano. Pero nagkamali ako. Buti pa si Ashley, pumayag ng walang pag aalinlangan kaso may wish nga lang siya sakin."
Ang bad ko na ba kung nagsinungaling ako ngayon? Hayss.
"What wish?"
Interisado siya, gotcha!
"Gusto niyang mapalapit ulit kay bebs. Syempre madali lang yun sakin. Tutal di ka naman pumayag, kay Ashley nalang ako magpapatulong. Sige alis na ako."
Pagkatayo ko ay pinigilan niya ako. Napangiti tuloy ako ng malawak. Kala mo ah!
"Okay. Papayag na ako. Basta wag ka lang lumapit kay Ashley na yun."
"Akala ko ba ayaw mo?"
Nakangisi kong sabi sa kanya. Napa pout lang ito. Hahaha tagumpay ang plano mo, Yurika. Ang talino mo talaga.
"Kanina hindi pero ngayon payag na."
"So, ano nang plano?"
Pagkatanong ko sa kanya ay kumuha siya ng papel at dun sinulat lahat ng kailangan.
Habang pinapaliwanag niya sakin napapangiti ako. Ang ganda kasi ng plano niya eh.
Sana magustuhan niya. Dahil ngayon ko lang talaga ito gagawin. Im so excited!
BINABASA MO ANG
Bad Boy's Wife (COMPLETED)
Teen FictionBad Boy's #01 Xyron Jae Sey- Ang kilalang bad boy. Kahit saan mang lugar o school ay kilala ito. Marinig palang ang pangalan niya aya natatakot na ang lahat. Walang nagsusubbok na kumalaban dito dahil alam nilang wala silang laban. Yurika Laine Rome...