Continuation....
Yurika POV:
Pagkadating ko sa SSG Office ay pumasok agad ako. Kaso pagkapasok ko ay nag me-meeting pala sila. Shit! Bakit di ko sinilip na kung may ginagawa ba sila o wala?! Aish! Tanga mo talaga, Yurika.
"Ahm... Good morning po."
"Anong ginagawa niya dito?"
Maarteng sabi ni Princess sakin. Isa sa mga nambu-bully sakin dito sa school.
Isa siya dun sa mga nag prank samin nang first day of class. At hindi ko yun makakalimutan.
"Ano kasi---"
"I told her to go here. So, any problem with that?"
Biglang sabat ni Hubby. Kaya lahat ay napunta ang atensyon sa kanya.
"Nothing."
"Pumunta ka muna dun sa office ko, Ms. Romero. Stay there."
Ngumiti nalang ako at naglakad na patungo sa office ni Hubby. Pero pagdaan ko sa gilid pinatid ako ni Princess kaya napasubsob ako sa sahig. Shit, magpigil ka Yurika.
"You deserve it."
Sabay ngisi niya sakin. Sinamaan ko ito ng tingin. Napakasama niya talaga! Actually silang tatlo!
"Are you okay?"
Inalalayan ako ni Hubby na makatayo, pero pagkabitaw niya sakin ay napasalampak ulit ako sa sahig.
Shit! Nabalian ata ako ah. Hayss, ang lampa ko talaga kahit kailan!
"Tanga kasi, tsk."
Alam ko naman na tanga ako. Hindi niya na dapat ulit ulitin pa!
"What did you say?"
Ang sama na ng tingin ni Hubby kay Princess. Tumayo si Princess at hinarap si Xyron. Ang sama ng tingin nila sa isa't isa. Okay? War again.
"Bakit di ba totoo na tanga siya? Hindi mangyayari yan kung tumitingin siya sa dinadaanan niya."
Ang angas! Sarap banatan niya!
"I saw in my own eyes! Pinatid mo si Ms. Romero. Kaya ayusin mo yang pananalita mo dahil hindi mo pa ako lubusang kilala."
Napatingin ako sa ibang tao na naririto at halos lahat sila ay nakatingin lang sa kanila. At inaabangan ang susunod na mangyayari.
"Bakit ganyan ka nalang kung ipagtanggol mo siya?! Bakit ano mo ba siya? Girlfriend?!"
"You don't have any rights to asking me like that! Shut your shitty mouth, bitch!"
"Xyron, stop it. Please!"
Pinigilan na siya ni Paul. Maging si Princess pinipigilan ng iba pang SSG na naririto. Dahil muntik na nitong sampalin. Gusto ko rin siyang awatin pero napatigil ako ng marinig ko ang sabi ni Princess sa kanya.
"Kung bitch ako? Ano ka pa kaya? Do you remember on what happened between you and Lecel? Basta basta mo nalang siya hinalikan, napasandal mo pa nga siya sa pader diba?"
Biglang tumulo ang ang luha ko. Ibig sabihin, marami nang nahalikan si Hubby---- Xyron pala. Bukod sakin? Tangina.
"Palabasin mo yung iba, Gerald."
Malamig na utos ni Xyron. Lahat dali daling lumabas. Ngayon, lima nalang kaming natitira sa loob.
"Oh bakit di ka makasagot? Diba totoo yun? And you know what? We already know that you are the King of the Underground. Kaya si Lecel or also known as Pink Princess ay sinugal ang kanyang buhay para lang ikasal sa tulad mo!"
Pagkatapos niyang magsalita ay biglang tumahimik. Mga ilang minuto na ang nagdaan wala paring may ganang magsalita.
Tanging hikbi lang ni Princess ang naririnig namin.
Napakuyom na ang kamay ko. Di ko alam kung bakit gusto kong.. Gusto kong pumatay ngayon. Yan ang gusto kong gawin.
At kapag di ko napigilan ay baka magawa ko na talaga ito.
"Sana kahit bukas lang ay makapunta ka sa libing niya. Dahil yun ang hiniling niya samin bago siya mawalan ng buhay. Excuse me!"
Dali dali itong lumabas ng kwartong ito.
Pinilit kong makatayo at makalakad dama ko ang sakit roon pero hindi ko na ito ininda. Nang pipihitin ko na nang biglang hinawakan ako nito sa braso. Napapikit na lamang ako.
"Let me explain."
"Bitaw."
"Wait. Magpapaliwanag----"
Hindi ko na napigilan ang aking sarili na masampal ito.
"Wag na wag ka munang magpapakita sakin. Baka kung ano lang ang magawa ko sayo. Gerald and Paul, please pigilan niyo yan."
Pagkalabas ko sa kwartong iyon ay pabagsak kong sinara at naglakad na palayo roon kahit iika ika akong maglakad ay pinilit kong makatakbo para malayo lang sa lugar na iyon.
Isa lang ang sumasagi sa isip ko, at yun ang marami pa akong hindi nalalaman tungkol sa kanya.
Ano nanaman kayang araw na mayroon na naman akong matutuklasan na hindi kanais nais na ginagawa niya na hindi ko talaga alam?
Mahal ko siya. Pero hindi sapat na dahilan iyon para magpabulag ako sa mga pinaggagawa niya. Tama na ang pagiging martyr ko nung nakaraan. Ayoko na!
Paglabas ko ng building na yun ay may nagtatakbuhang mga estudyante at papalapit sakin. Kaya nabangga ako. Agad na nandilim ang aking paningin, hinablot ko ang braso nito at hinawakan ng mariin na nagpadaing sa kanya.
"A-ray ko po!"
Tinignan ko ang braso nito at nag violet na iyon. Hindi na halos makadaloy ang dugo nito. Ang mga ibang estudyante na kasama nito ay gusto akong awatin pero hindi nila magawa sapagkat natatakot din sila sa gagawin ko. At yun ang nakikita ko sa mga mata nila at panginginig ng kanilang katawan.
"Bebs!"
Pagkahawak sakin ni Kenneth ay saka lang ako napabitaw. Kita ko pa ang pagkapasa roon, dahilan para mawalan ito ng malay. Agad naman siyang nilapitan ng kasama niya at nagtulong tulong sila para isugod ito sa clinic.
"Ano bang nangyayari sayo?"
"Bitawan mo ko."
Mariin kong sabi. I glare at him that made him stiff.
"Sabihin---- damn!"
Pagkasuntok ko sa kanya ay hirap akong tumakbo palayo.
Ayoko munang pumasok. Ayokong makita siya ayokong madikit muna sa ibang tao baka mangyari na naman ang pananakit ko.
*-----------
(Guys, sa mga hindi nakakaalala. Yung sinasabi po ni Princess na hinalikan ni Xyron si Lecel na sinandal pa sa pader. Yun po yung nasa prologue ko. Yung may biglang lumapit sa kanyang babae, kaya hinalikan agad ni Xyron. Remember?)
BINABASA MO ANG
Bad Boy's Wife (COMPLETED)
Fiksi RemajaBad Boy's #01 Xyron Jae Sey- Ang kilalang bad boy. Kahit saan mang lugar o school ay kilala ito. Marinig palang ang pangalan niya aya natatakot na ang lahat. Walang nagsusubbok na kumalaban dito dahil alam nilang wala silang laban. Yurika Laine Rome...