Chapter 05:
Yurika POV:
Napaupo ako sa sofa nang makauwi na kami sa bahay. Nagpa discharge na rin kasi ako, tutal ayos na rin naman ang kalagayan ko. Haysss... namiss ko tong bahay ko!
At tapos narin ang pagtingin sa paligid na puro kulay puti lang.
"Anak, ayaw namin maulit ang nangyari sa iyo. We decided to hire a bodyguards to protect you. Hindi sa lahat nang oras nandyan si Xyron para protektahan ka. Kaya kung saan ka man pumunta, sa mall pa yan o sa school may body guards ka paring kasama. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Seryosong sabi ni Mama Xyriel (Xyron's mother) Napatingin ako sa kanila at bumusangot. Napaka OA naman kung may body guards lagi akong kasama. Like school or mall? What the hell.
"Ma, di ko po kailangan-----"
"We insist. Magkakaroon ka ng bodyguard sa ayaw at sa gusto mo."
Sabi ni Papa. (Xyron's father) Napatingin ako kanila mama at papa ko pero wala silang kibo. Tumango si Papa sakin kaya napabagsak ang balikat ko.
Ayaw ko nang ideya na may body guards dapat ako. Kaya nakakainis na pumayag sila Mama at Papa sa ganitong set up.
"Aakyat na po ako."
Di ko na hinintay ang sasabihin nila , agad akong umakyat at sinara ang pintuan nang kwarto ko. Sumampa ako sa kama at sumandal sa dashboard.
Ayoko pa naman na may bodyguard. Kasi palagi silang nakabuntot at naiirita ako sa ganun. Pinagbabato ko ang unan dito. Kaya nagkalat na ito sa sahig.
"Nakakainis!"
Bakit kasi nauso pa yang body guards na yan eh! Nakakainis talaga!
"Bakit ka ba nagkakalat? Alam mo namang ayaw ko nang makalat diba?"
Napairap nalang ako kay Jae. Isa pa siya! Dumadagdag pa! Sarap niyang iumpog sa pader!
"Edi pulutin mo!"
Ganitong iritang irita na ako, tapos dadagdag pa siya?! Hayss! Sarap niya talagang sapukin!
"Ayoko. Ikaw ang nagkalat nang mga yan, kaya ikaw ang pumulot."
Sumandal ito sa pader. Feeling model? Tss. Pero pwede na.. mapagti-tiyagaan na din.
Ano ka ba Yurika! Ang sabi mo kakalimutan mo na siya. Kaya dapat sinisimulan mo sa hindi pagsasabi nang compliment sa kanya! Dahil once na mag compliment ka, mas mahihirapan ka lang na kalimutan siya.
"Diba sabi ko walang pakialamanan? Kaya bakit mo pinapakialaman ang pagkakalat ko sa kwartong ito?"
Maging matapang ka, Yurika. Kaya mo namang umarte diba? Kaya galingan mo hangga't kaya mo.
"I remember that. But oh! I just remembered to that you had a crime."
"Anong kaso? Di naman ako nagnakaw ah."
Nasa hospital nga lang ako tapos kumakain at tulog lang ang ginagawa ko. Kaya paano ako magkakakaso? Wala naman akong ninakaw na dextrose, gamot at kung ano man ang gamit sa loob nang hospital na iyon. Wala akong kinuha dun.
"I heard your conversation with your bessy. And I just heard, you killed someone. And it is because of---------"
"H-oy! Pana-ginip lang yun. At hindi sa-yo yun. Ass-uming ka ah!"
Gusto kong itanggi pero takte! Nauutal ako. Nice, Yurika. Ikaw ang da best utal nang Pilipinas! Galeng galeng mo!
"Bakit ka nauutal? Ibig sabihin totoo?"
Nakangisi niyang sabi at humahakbang ito papalapit sakin. Di ko maiwasang kabahan sa paglapit nito sakin, isama mo pa ang ngisi niya na nakakadagdag pa nang kaba sakin.
"Wag ka ngang lu-mapit! MAMA PAPA! SI XYRON OH!"
Sumampa ito sa kama at napaiwas ako nang tingin ng sobrang lapit nito sakin. Pinaggigitnaan pa ako nang dalawang braso niya. Kaya nakakadagdag na naman ng tense.
"Kahit anong sigaw mo, walang makakarinig sayo. Umalis na sila mama at papa. Kaya tayong dalawa nalang ang nandito."
Sabay ngisi nito sakin.
"Wag ka ngang n-gumisi!"
Tinutulak ko ito sa dibdib pero walang effect. Eh ang laki ng mokong na ito! Kaya di kaya ng sexy na tulad ako!
"Why? Kinakabahan ka?"
Mas inilapit pa nito ang kanyang mukha sakin. Ramdam ko ang bawat paghinga nito. Kaya itong puso ko na naman ay sobrang bilis na naman ang tibok nito.
"Anak, nakalimutan----- Hala! Sorry sa istorbo! Itu-loy niyo lang yan!"
Sabay malakas na sinara ni Mama Yuri ang pinto. Kaya napanganga ako. Samantalang si Xyron ay parang wala lang. As always naman eh.
Pero shit! Nakita ako ni mama sa ganung posisyon, utak pa naman ni mama. Kakaiba! Hayss.
Tumayo na si Xyron at lumabas na ng kwarto na walang sabi sabi. Letse kasi yung mokong na yun eh. May nalalaman laman pang ganun. Tsk!
*Vibrate*
Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong lang sa table. Kinuha ko iyon at tinignan kung sino. Si Mama Yuri...
FROM: MAMA YURI
Anak, ituloy niyo lang. Wag niyong iisipin na dumating ako. Basta ituloy niyo lang, support ko naman kayo eh! Love you, nak!
Napakamot nalang ako sa ulo. Sabi na nga ba at ganun ang iisipin ni mama eh. Napaka malisyosa kasi ng utak nun.
*Phone rings*
Napairap nalang ako, at sinagot ang tawag ng di tinitignan kung sino. Baka si mama yuri lang ito.
"Ma!"
/Kailan mo pa ako naging nanay? Bebs?/
Ay! Si Kenneth pala.
"Bebs! Musta kana?"
Shit! Namiss ko siya!
/Ikaw kamusta kana? Sorry kung di ako nakakapunta sayo ng nasa hospital ka ah?/
Napangiti na lamang ako.
"Ayos lang. Mukha naman atang importante yang ginagawa mo."
/Wag ka nang magtampo. Mas importante ka parin sakin, bebs./
Sana lahat nang tao ay mahalaga ako.
"Ikaw talaga. Bakit ka pala napatawag?"
/Gusto ko sanang makabawi sayo. At gusto kong ituloy ang mall natin na naudlot dahil sa gago mong asawa./
"Eh kasi----"
/Di ako nagdahilan ng di natuloy ang mall natin. Nanahimik lang ako. Kaya sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sakin. Sige na, pupunta na ako diyan./
Mas okay na rin sigurong pumayag ako sa pagyaya nito. Para naman malayo layo naman ako sa siraulong Jae na iyon.
"Ah eh... sige! Text mo nalang ako kapag andito kana bebs. Bye!"
/See you and i miss you./
"I miss you too."
*Phone call end*
(Magiging masaya kaya ang bonding ng BEBS LOVETEAM? Abangan....)
VOTE AND COMMENT :*
BINABASA MO ANG
Bad Boy's Wife (COMPLETED)
Ficção AdolescenteBad Boy's #01 Xyron Jae Sey- Ang kilalang bad boy. Kahit saan mang lugar o school ay kilala ito. Marinig palang ang pangalan niya aya natatakot na ang lahat. Walang nagsusubbok na kumalaban dito dahil alam nilang wala silang laban. Yurika Laine Rome...