Dear Kuya

23 0 0
                                        

Dear Kuya,



Masaya akong naging kapatid kita. Kahit minsan hindi ko ramdam ang pagmamahal mo bilang isang kapatid. Hindi ko nga alam kung bakit eh, pero patuloy parin kitang iniintindi kasi kapatid at kuya kita. Kahit ano pa man mangyari ay mahal kita kuya.



Nagmamahal,


Grace



------------------------------

Dear Kuya,



Happy birthday sayo. Binilhan kita ng regalo, sayang nga lang at hindi mo tinangggap. Relo pa naman ito at pinag ipunan ko pa para sa'yo. Pero ayos lang, itatabi ko parin para kapag hindi kana galit sa akin ay magagamit mo na. I love you kuya. Happy birthday ulit.



Nagmamahal,


Grace




-----------------------------

Dear Kuya,



Nabalitaan kong na drop out ka raw sa eskwelahan niyo dahil sa pagsali sa, ano nga ba yun? Fraternity? Nahuli daw kasi kayo nung teacher niyo na nambubugbog ng ka eskwela niyo, at labi na napuruhan naman yung kaklaseng binugbog niyo. dahilan para mapagalitan ka ni nanay at tatay. Naaawa nga ako sayo nang sinuntok ka ni tatay. Bakit mo naman kasi ginawa 'yun? Hay, sana ayos ka lang ngayon. Ingat ka palagi kuya.



Nagmamahal,


Grace




-------------------------------

Dear Kuya,



Ang sakit sa damdamin nung sinabi ni tatay at nanay na ampon lang pala ako at hindi kita tunay na kapatid, dahil napulot lang daw nila ako sa kanto malapit sa tinitirhan ninyo dati. Gayun pa man ay itinuring parin nila ako na parang tunay na anak. Nagpapasalamat nga ako sa pamilya niyo at inampon, inalagaan, pinakain, binihisan, minahal niyo ako. Ngayon alam ko na kung bakit ka madalas na magalit sa akin. Pero mananatiling mahal ko parin kayo  kahit hindi niyo ako tunay na kadugo. Salamat parin at tatanawin ko itong utang na loob sa inyo.



Nagmamahal,


Grace




--------------------------------

Dear Kuya,



Masaya akong nagkaayos na ulit kayo ni nanay at tatay. Alam mo na nung nangyari na sinuntok ka ni tatay at wala kayong kibuan ni tatay ng mga ilang linggo ay iyak nang iyak si nanay, lagi ko nga siyang pinapatahan. Ngayon masaya ako dahil buo na at masaya na ulit ang pamilya natin kahit hindi mo parin ako masiyadong pinapansin. Masaya rin ako para sa'yo dahil nakahanap kana ng bagong paaralan at maayos na nakakapagaral doon. Sana huwag mo nang pabayaan ang pag aaral mo. Alagaan mo ang sarili mo kuya.



Nagmamahal,


Grace




--------------------------------

One shot collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon