NANDITO ako ngayon sa canteen ng school namin at kasama ko ang mga matatalik kong kaibigan.
Si Levin, si Nicki, si Haizelle, si Jafer, at si Justin. Siyempre ako.
"Christine. Ako na oorder ng foods naten? What do you want?" Tanong ni Nicki.
"Ahm, Footlong nalang sa akin at iced tea nalang sa drinks." Nakangiti kong usal at iniabot ko na sa kaniya ang pera ngunit kinuha ito ni Justin.
"Ako na magbabayad sa kaniya. Ganun na rin order ko." Malaking ngiting sabi niya.
"Gago 'to. Wag na." Pigil ko.
"Kunware kapa Tine. Minsan lang manlibre yan si Justin, igrab mo na." Sabi ni Levin at nagtawanan naman kami.
"Naku! Kayo ha? Baka meron kayong di sinasabi?" Singit naman ni Haizelle. Napakaechosera talaga netong babaeng toh.
"Tumigil nga kayo! Friendship lang kami ni Justin, diba jus?" Natatawang baling ko kay Justin.
"Oo nga. Kaltokan ko kayo isa isa eh. Hahahaha!" Nagtawanan kami. "Omorder ka na nga lang Nicki! Dami kong satsat nagugutom nako!" Reklamo pa niya. Natatawang napailing nalang ako sa kanila.
"K, thanks, bye." Paalam niya at maarte na tumalikod sa amin. Kasama naman niya si Haizelle.
Dumating na sila dala dala ang pagkain namin. At masaya namin itong kinakain, muntikan na nga kaming malate sa susunod naming klase dahil lang sa pagkikwentuhan.
Nakilala namin ang isa't isa noong pasukan. Magkakaklase kami, lagi ko silang kasama sa mga kalokohan, kopyahan, kasiyahan, kalungkutan. At sila ang naging mga naging tropa ko dito sa school.
Lagi naman kaming magkakasama, tuwing break time, tuwing may school projects, assignments, lalo na sa galaaan.
Close ko naman silang lahat. Sa mga babae pare-pareho naman kaming close na tatlo. Sa lalaki close ko silang lahat pero ang mas close ko ay si. Justin.
"Okay class dismiss." Sabi ng aming guro nang tumunog na ang bell.
"Tara na guys!" Pauna naman ni Jafer. Isa 'to sa mga makulit at magulo sa room namin eh!
"Anong tara na guys? Gago! Di naman tayo lilipat ng room. Ano ka? College?" Sarkastikong tanong ni Nicki sa kaniya. Ito naman ang mataray sa amin sa girls. Lagi niya ring sinusungitan si Jafer. Ewan ko lang kung di ba magkatuluyan 'tong dalawang 'to.
"Ito naman ang sungit. Ligawan kita diyan eh!" Reklamo naman ni Jafer. Asus kunware pa dodong!
"Cr lang ako guys." Paalam ko.
Grabe parang sasabog na ako kanina. Kanina ko pa kasi pinipigilan umihi. Ayaw kasi ni ma'am nang may gustong mag restroom pag klase niya. Ibang klase.
Hindi ko naman inaasahan na makakasalubong ko si Justin pagkalabas ko galing restroom.
"Oh, Christ. Tara samahan mo muna ako sa canteen?" Nakangiting tanong nito.
"H-ha? Sige. Tara." At inakbayan niya ako. Wala naman sa akin yun.
"Anong gusto mo? My treat." Wow mapera siya ngayon. Minsan kasi kuripot 'to eh. Nakangiti parin siya. Actually ang cute niya pag ngumingiti.
"Ahm, Potato fries nalang at c2 solo. Whahaha thank you ah!" Pabiro kong sabi.
"Tch. Basic." Pagyayabang niya. Minsan talaga ang yabang netong lalaking 'to.
Bumalik na siya dala dala ang binili niyang pagkain. Doon na namin sa canteen kinain at nagkwentuhan pa ng mga bagay bagay. Saglit lang naman, at isa laging late pumasok yung teacher namin ng Science.

BINABASA MO ANG
One shot collection
RandomOne shot collection. Random stories . Random Genres. *inspired by One shot collection of maxinejiji. Wheheh Hope you will like it. Mwa!