Unexpected

13 0 0
                                    

"Mama, kakain na po." Tugon ko sa aking ina na nakatulala na naman.

"Kumain ka na, wala akong gana." Nakatulalang tugon niya.

"Ma sige na please?"

"Kumain ka na dyan ano ba?! Ayoko nga sabing kumain!" Tinapon niya ang platong nilapag ko sa harapan niya.

Tiim bagang kong nilinis iyon. Heto na naman siya.

Nasanay na ako sa ganitong turing ni mama. Mula ng nagkaisip ako, ganito na talaga ang trato niya sa akin. Ganun pa man ay mahal na mahal ko siya. Nanay ko siya eh.

Nagkaganito siya dahil sa pagkawala ng kuya ko. Namamasyal sila noon ng magbanyo lamang si papa at si mama naman ay bumili lang ng ice cream ng kuya ko, paglingon nito at pagbalik ni papa, doon ay nataranta na sila sa paghahanap. Ilang taon na ang nakalipas at hindi pa rin nila nakita ito. Sa hangga't nabuo ako, dahil lang sa sobrang kalungkutan nila. Pero hindi naman nagbago si mama, malamig ang pakikitungo niya sa akin. Halos si papa nalang ang nag aalaga sa akin.

Ngayon at nasa ibang bansa ito at nagtatrabaho.

Kumain nalang ako at nagpaalam kay mama na papasok na. Nang makarating ako sa school ay may nakasabay akong lalaking naglalakad, ningitian niya ako.

"Hi." Nakangiting bati nito. Ningitian ko lang siya.

Gwapo siya, matangos ang ilong, makapal ang kilay at pilik mata.

Ewan, parang kinikiliti ang puso ko.

"Uhm. Una na ako ganda." Tugon nito at pumasok sa isang room.

"Si Reagan yun, crush mo?" Muntik na akong matalon nang biglang magsalita ang kaibigan ko si Venus.

"Gaga ka, nagulat ako sayo." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Asus, kunwari ka pa." Panunukso nito.

"Ewan ko sayo." Inirapan ko lang siya.

Nagtungo na kami sa classroom at nagklase.

Breaktime na at sabay kaming nagtungo ni Venus sa cafeteria. Nagsasalita ako at paglingon ko si Reagan na pala ang katabi ko sa pila.

"Ang daldal mo pala." Nakangiting tugon nito.

"Ahh.." di ko alam ang sasabihin

"By the way I'm Reagan," naglahad ito ng kamay.

"Vir--"

"Virgaux.Yeah, I know you already." He chuckled. Damn he's hot.

Nagorder na kami at sabay nagtungo sa isang table, magkakasabay kaming tatlo.

"Sige mauuna na ako. Salamat sa pagpayag na makasabay ko kayo at sa kwentuhan." Natatawang tugon ni Reagan.

"Sige, ingat." Tipid ngiting tugon ko.

Umalis na siya at bumaling ako ng tingin kay Venus.

"Girl, tingin ko he likes you." Kinikilig na tugon nito.

"Gaga."

"Yes! The way he looks at you. Di mo pa na notice?" Tinaas niya pa ang kilay niya.

"Ewan ko sayo. Wag mo akong idamay sa imahinasyon mong niyan. Ayokong umasa, masakit." Natatawang tugon ko.

"Yeah right, dahil lang yung crush mo sa room, nagkashota na at yung classmate pa natin. Tapos sa room pa naglalandian ang mga gago." Dinilaan pa ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One shot collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon