"Mika?!! MIIKKKAAAAAHHH!! Taooo pooooo!!"
Narinig ni Mika ang malakas na hampas ni Brad mula sa kanilang gate. Dali-dali siyang tumayo mula sa pagkahiga sa sofa sabay takbo papuntang tarangkahan.
Araw araw pagkatapos ng klase, dumadaan sa kanila si Brad para makipaglaro sa kanya. Wala naman siyang ibang kalaro kundi ang kababata. Palibhasa katapat lang ng bahay nila ang tirahan ni Brad.
Pagbukas ng gate, tumambad sa kanya ang isang batang lalaki na nakashorts at white t-shirt. Basa pa ang buhok nito na tila kakatapos lang maligo.
"Brad! Akala ko hindi ka na darating. Kanina pa kaya ako naghihintay sayo. Sasabihan ko na sana si Yaya Bibing na ihatid na lang ako sa bahay nyo tutal naiinip na rin ako."
Napakamot ito ng ulo, "Naku.. Sorry ha. Naligo at nagbihis ulit ako pagkagaling sa school. Ano? tara na? May ipapakita ako sayo na bago kong laruan. Alam kong matutuwa ka din!"
Galing sa may kayang pamilya si Brad. Piloto ng PAL ang Daddy niya, samantala ang Mommy niya ay isang business woman. Kaya halos linggo-linggo may bagong laruan ito at ang unang babalitaan niya ay walang iba kundi siya.
"Talaga?! Tara! gusto ko na rin yan makita! Teka--- Yaya! Yaya Bibing! andito na si Brad, sinusundo na ako! hatid mo po kami, please?"
Kahit nasa tapat lang bahay nila Brad, kailangan pa rin ihatid siya ng kanyang yaya, yun kasi ang pagkabilin bilinan ng mga magulang.
Pagdating sa bahay ng kalaro ay dali daling hinatak siya nito papasok sa loob at bumungad sa kanila ang parents ni Brad. Hindi na bago sa paningin ng magulang nito na lagi siyang nandoon sa kanila.
"Hello po, Tito, Tita"
"Hi Mika. Mukhang kinulit ka na naman ni Brad na pumunta dito sa bahay ah." napatigil ang daddy ni Brad sa panunuod ng TV.
"Hindi naman po Tito, sabi kasi ni Brad gusto po niya ipakita sa akin ang new toy niya. Excited na nga po ako."
"Ah ganun ba? Oh siya sige. Brad kaw na bahala kay Mika ha? dadalhan ko kayo ng merienda mamaya."
Maasikaso talaga ang mommy ni Brad, everytime maglalaro sila parati sila hinahatiran ng merienda sa kwarto. Work at home lang kasi ang mommy niya kaya andun lang sa bahay buong araw, which is kabaliktaran ng kanyang ina. Laging Out-of-town kaya ayun parati niyang kasama si Yaya Bibing.
Hinila siya ni Brad papunta sa kwarto, bago pa sila makaakyat ng hagdan nakasalubong nila ang nakakatandang kapatid nito na halos 12 na taong gulang.
"Ehem... Hindi talaga kayo mapaghiwalay ni Mika ano? Baka magkatuluyan kayo paglaki niyo. Oi Brad, pag may kalaro bang iba si Mika papayag ka ba?" Bungisngis ni Kuya Marlon na halatang nangaasar na naman. Mahilig lang talagang alaskahin nito si Brad, minsan naabutan niyang nagaaway ang dalawa dahil sa madaling mapikon ang kababata.
Biglang sumimangot si Brad, "Hindi kaya! saka friends lang kami ni Mika! may crush kaya akong iba. At isa pa ako lang naman kalaro niya wala ng iba!"
Pagdedepensa ni Brad habang tahimik lang niya pinapanood ang dalawa. Hindi niya ugaling sumabat sa usapan na hindi naman siya kinakausap. Yun ang turo sa kanya ni Yaya Bibing.
"Weh? di nga? so hindi mo love si Mika?"
Dahil dun napatingin siya kay Brad. Pamilyar si Mika sa word na 'Love' sa katunayan lagi niyang naririnig at sinasabi sa nanay at tatay niya ang mga salitang 'I Love You'. Parang normal lang na word yun di ba?
"Sige nga. Kung love mo si Mika. Patunayan mo nga!"
Hindi niya narinig ang tugon ni Brad matapos nun, basta ang alam niya ay hinarap siya nito at tinitigan siyang mabuti at matapos nun ay naramdaman niyang dumampi sa kanyang labi ang labi ni Brad.
Saglit lang yun. Nakita niyang nakatitig lang sa kanya si Brad matapos siyang halikan nito. Kiss. Hindi na bago yun sa kanya, kinikiss naman niya mama at papa nya sabay sabi ng 'I Love You', 'Bye' or 'Goodnight'. Pero sila lang ang nakasanayan niyang halikan o humahalik sa kanya.
Pero si Brad----Na kaibigan niya. Hinalikan siya.
Litong lito na tumitig si Mika sa kanyang kababata, at bago pa siya matanong si Brad ay biglang tumawa ng malakas ang kapatid nito.
"Uyyyyy! Kiniss niya si Mika! Sumbong kita kay Mommy at Daddy!"
Nakita niyang parang nagulat si Brad matapos marinig ang mga sinabi ni Kuya Marlon nya. Pagkatapos nun kasunod ang malakas na pagiyak nito sabay mabilis na pagpanhik sa hagdan.
Dinaanan pa nito ang nakangising kapatid at hindi nagtagal narinig ni Mika ang malakas na pagsara ng pinto.
Iniwan siya ni Brad, pero nandun pa rin ang nakakatandang kapatid nito.
Kiss.
Biglang may naalala si Mika. Habang nakikita niyang nanunuod ng TV si Yaya Bibing. Mahilig kasi yun sa ma teleserye kaya pati siya nakikinuod na rin. Tumitili pa nga pag nakikitang may nagkikiss na babae at lalaki. Naalala pa nga niya na isang beses may nangyari na ganun ulit, hindi na niya matiis na hindi magtanong.
"Huwag na huwag mong gagayahin yan ha? Kasi pag ikaw kiniss ka ng lalaki na hindi mo kaanu ano. Mabubuntis ka."
Nanlaki ang mga mata ni Mika. At madali siyang umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ni Brad.
"Brad! Braaaddd!! Lumabas ka dyan!!"
Maraming beses niyang kinatok ang pinto pero hindi siya nilalabasan ng kaibigan. Nilaksan pa ni Mika ang pagkabog sa pinto na halos maiyak iyak na siya.
"BRAADDD!! Please buksan mo ang pinto!"
Tuluyan na siyang umiyak dahil hindi sumasagot si Brad sa loob. Mukhang walang balak talagang pagbuksan siya. Pero hindi! sabi ng kanyang isipan kailangan lumabas si Brad at harapin niya ang kanyang mga magulang! Paano kung biglang mabuntis nga siya? Hindi pa siya handa. Bata pa siya.
"BRADDD!! LUMABAS KA DYAN!! PAKASALAN MO AKO! PANAGUTAN MO AKO!!!"
Makalipas ang labing apat na taon.......
"Brad! Braaaddd!"
Sinulyapan niya ang kanyang relo. Malalate na sila.
Napabuntong hininga siya sabay dahan dahan binuksan ang pinto. Nakita niyang nakatalukbong pa ng kumot si Brad na tila hindi pa gumagayak. Dali dali niyang niyugyog ito.
"Brad! Huy! Gising! Malalate na tayo sa first subject natin! May quiz pa naman tayo! Braad!"
Narining niyang umungol ito pero hindi pa rin ito bumabangon. Nakatalukbong pa rin. Napamewang siya tuloy sabay abot sa unan nito at sinimulan niyang hambalusin.
"Brad! Anu ba?! Gumising ka na nga dyan! Kanina pa kaya ako naghihintay sayo sa baba! Sabi ni Tita akyatan na raw kita dito! Gising!"
Inalis ni Brad ang kumot sabay punas ng laway sa gilid ng kanyang labi. At dahan dahan itong bumangon sabay stretch ng mga braso.
"Naman oh!.. Antok na antok pa ako. Ang ganda ganda pa naman ng panaginip ko. Nakakainis ka."
Matamlay na umalis ito sa kinahihigdan at binato nya ang towel sa mukha ni Brad.
"Bilisan mo dyan at hihintayin kita sa baba! Parehas tayong patatayuin sa labas ng classroom sa ginagawa mo eh. Ayoko madamay sa pagiging late mo. Bilisan mo ha?" Sabay labas ng kwarto.
Nasa 4th year highschool na sila ni Brad at parehas ng paaralan na pinapasukan. Parati naman ganun, hindi sila nagkakahiwalay ng school simula't sapul. Kunsabagay pabor nga yun sa kanya at least may nakakasabay siya sa paguwi at pinapayagan siya ng mga magulang niya basta alam nilang kasama niya si Brad.
Makalipas ang ilang sandali, nakita na niyang bumaba ng hagdan si Brad. Naka uniporme na at inaayos ang neck tie. Mabuti na lang may sariling sasakyan si Brad kaya mabilis lang sila makakarating sa school.
_________________________________________________
BINABASA MO ANG
My Bestfriend, Brad
RandomMika and Brad had been very best friends since kindergarten. During ups and downs, sila pa rin ang magkakampi when the whole world are against them. Since kampante na sila sa ganitong relasyon, they even made a promise na magbestfriends sila hangg...