Chapter Two
BRAD
Nasa music room kami ng mga katropa ko. Pagkatapos ng klase dumiretso na ako dito para sa band practice. Malapit na kasi ang Interschool Band Fest at kami ang magrerepresent ng school para sa competition. Ilang linggo na lang ang aming bibilangin at paghahandaan. Medyo kinakabahan pa ako kasi first time namin na magpaparticipate sa ganitong event.
"Brad, yung guitar solo mo kabisado mo na ba?"
"Oo naman 'pre. Araw araw ko kayang pinapractice to. Manalig ka lang para hindi ako mismo pumalpak sa araw ng laban! Haha!"
Palabiro talaga akong tao. Yun ata ang isa sa mga katangian na nagustuhan sa akin ng mga kaibigan ko. Matagal tagal na rin kami magkasama at hindi pa rin kami nagsasawa sa isa't isa. Biruin ba naman na almost everyday eh nagkikita kami sa school although yung dalawa sa amin is nasa ibang section. Lima kami sa grupo at ako ang lead guitarist. Pero ni minsan hindi ko pinangarap maglead singer kahit sa anong kanta na tinutugtog namin. Wag na lang at baka layasan pa kami ng audience.
"Sayo nakataya ang panalo natin, Brad. Astig kaya yung guitar solo mo. Ikaw ang mas lamang sa amin pagdating sa ganyang bagay kaya nananalig kami sayo. Umayos ka! Haha"
"Brad, maiba nga tayo ng usapan. Hinihintay ka ba ni Mika ngayon? Yang kababata mo minsan sumasabay sayo di ba?"
Napatigil ako sa pagtawa nang nabanggit si Mika. Hindi ako umimik ng ilang segundo at nang maalala ko na ang binilin ko kay Mika.
"Sinabihan ko yun na mauna na siya kasi hindi ko pa alam what time tayo matatapos sa practice. So I think umalis na yun sa school."
Nakita ko silang tumango. Alam kasi nila na sumasabay sa akin si Mika sa pag uwi. Una, may sasakyan ako. Pangalawa, magkatapat lang kami ng bahay ni Mika. Pangatlo, ayaw nun magcommute, takot daw siya sumakay ng bus or jeep magisa. Ewan ko ba dun paano siya mabubuhay na wala ako. Sa akin na lang nakaasa. Ultimo pag punta ng mall ako pa ang kukulitin na samahan ko daw siya. Hindi ko naman matanggihan kasi magtatampo yun. Dakilang tampororot kaya ang babaeng yun.
"'Pre, heto ha? Since namention na rin si Mika. Minsan ba hindi mo ba naisipan na tingnan siya as a woman?"
Napatigil ako sa tanong. Hindi ko magets. Ano ba ang ibig sabihin nila na 'as a woman'? babae naman talaga tingin ko kay Mika. Ano bang iniisip ng mga ito?
"Anong as a woman?? Mga 'pre, kung ano man yan, ni minsan hindi ko inisip na more than friends ang turingan naming sa isa't isa. Hindi kami talo nun! Parang kapatid ko na yun. At isa pa, alam nyo naman ano ang trip ko sa isang babae. At malabong si Mika yun!"
Inabot ko ang gitara ko at naguumpisa na akong isilid yun sa case. Mga loko loko. Bakit naman naisipan nila na bigyan ng kahulugan yung pagkakaibigan namin ni Mika. Hindi nga pumasok sa isip ko na maging kami. Parang--- incest yun!
"Maganda naman si Mika. Biruin mo nagtyatyaga siyang pagbaunan ka araw araw. Tapos sa kanya ka kumokopya minsan ng assignment pag nakakaligtaan mo gawin ang homework mo. In short, she got what it takes to be more than as your friend."
"Ulol. Pinapakopya ko din naman sa kanya assignment ko lalo na sa math. Hate na hate kaya nun ang math. Dinadalhan ko din naman siya ng pagkain. Kung ako sa inyo, tigil tigilan nyo na ako pagdating sa kanya. Isa pa bata pa yun si Mika, hindi nga makapagsuot ng two piece bathing suit at lagi na lang naka shirt and shorts sa swimming pool. Pag nakita ko na ang dream girl ko, ewan ko na lang kung hindi kayo mamatay sa inggit! Hahaha!"
Binato sa akin ni Rael ang nilamukos niyang papel sabay tawa.
"Sira! Hindi kami mamatay sa inggit no. Asa ka!. Kung ako sayo focus ka muna sa upcoming competition natin. Tandaan mo Brad, pag pumalya ka, pagpapaldahin ka namin at patatakbuhin sa buong school na suot yun. Sige ka."
Natawa na rin ako. Ano ba yun. As if naman kaya nila gawin yun sa akin. Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila na mauna. May mga gagawin pa kasi ako sa bahay. Palibhasa wala na naman tao sa amin, late na makakarating si mommy nito panigurado. Boring magisa sa bahay. Maglalaro nalang siguro ako ng PS4 or magpractice para sa guitar solo ko. Bahala na.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend, Brad
RandomMika and Brad had been very best friends since kindergarten. During ups and downs, sila pa rin ang magkakampi when the whole world are against them. Since kampante na sila sa ganitong relasyon, they even made a promise na magbestfriends sila hangg...