Chapter Three
MIKA
Nauna akong umuwi kay Brad. Ang sabi niya may band practice pa siya at hindi pa raw niya alam kung anong oras sila matatapos.
Hay naku!
Alam naman niyang ayoko magcommute, ang hassle kaya! Lalo na pag uwian ang daming mong kaagaw sa jeep or sa Bus. Pag sinuwerte ka at walang maupuan need mo pang tumayo. Walang gentleman na sa panahong ito, ang kakapal nga ng apog nung iba, minsan nagkukunwari pang tulog para hindi maobligang magpaupo.
Tsk.
Kasalukuyang nakadapa ako sa kama habang ginagawa ang aking assignment nang biglang nakarinig ako ng katok mula sa bintana.
Si Brad.
Mukhang nagover the bakod at umakyat na naman sa puno namin. Nasa 2nd floor kasi ang kwarto ko. Dati rati nung mga bata palang kami, kailangan pa niyang tumawag sa baba para pagbuksan ko siya ng gate sa tuwing dadalawin niya ako sa dis oras ng gabi. Pero nung namaster niya ang tamang pag akyat sa bakuran namin, dumidiretcho na siya sa bintana para makapasok sa kwarto ko.
Dali dali kong pinagbuksan ng bintana si Brad at pinatuloy ko siya. Mukhang may kailangan naman ito sakin at sinadya pa niya ako kung kailan gabing gabi na at mahimbing na ang tulog ng mga tao dito sa bahay.
"Oh. Anong sadya mo at naisipan mong dalawin ako ng ganitong oras? Alam ba nila tito na pupunta ka rito?"
Nakapamewang ako na nagtatanong skanya. Napansin ko na may inaabot pa siya sa labas ng bintana. May bagpack pala itong dala.
"Nope. May flight si daddy. Si mommy nag out-of-town."
"So? Ano bang kailangan mo? At bakit ka may dalang bag?"
Nilapag ni Brad ang kaniyang bag sa may sofa bed at doon naupo. Nagpalagay ako ng maliit na sofa bed malapit sa bintana since sa bahay minsan nagoovernight ang mga kabarkada ko.
"Gagawa din ng assignment sa Math. Gaya ng ginagawa mo ngayon"
Nakangisi ito na nakamasid sa notebook at libro na nakabukas sa aking kama.
"Talaga lang ha? Eh bakit may bitbit kang bag? At aber? Ano bang pinaplano mo?"
Nacucurious talaga ako. Nagdadala lang naman yun ng bag kapag may plano yun magsleep over sa kwarto ko.
"Alam ko na aabutin ka ng siyam siyam sa pagsagot dyan sa homework natin. Eh aba! Pasalamat ka at love kita kaya naisipan ko sabayan ka sa pag answer ng math problems."
Love kita....
Ang sarap pala sa pandinig. Pakiramdam ko unting unti umiinit ang mga pisngi ko. Hayssss....
"Hoy Mika. Naiintindihan mo ba ang tinuturo ko sayo?"
Hindi ko namalayan na kumakaway na pala sa aking mukha si Brad habang nakatitig ako sa kanya.
Shucks!!!
Kanina pa ba ako nakatingin sa kanya? Nakakahiya! Teka kelan pa siya nakaupo sa kama ko???
"Eh talagang wala kang matatapos kung panay titig lang gagawin mo."
Bigla na naman itong ngumisi.
"Bakit? Gwapo na ba ako sa paningin mo? Gumugwapo na ako noh?"
Kinindatan pa ako sabay hawi sa kanyang buhok.
"Hindi noh! Feelingero ka! Sus wala nga nagbago sa itchura mo. Mukha ka pa ring katchupoy. Akina nga yan!" Hinablot ko bigla ang ballpen mula sa kanyang kamay at nagsimula na ako magsolve sa pinagsulatan niyang papel.
"Grabe ang harsh mo naman. Parang sinasabi mo wala magkakagusto sakin. Kala ko pa naman love mo ko. Ikaw na nga lang ang pinakaleast sa mga kakilala ko na magsasabi nyan sakin. Katchupoy raw."
Nakita ko syang umirap at nahiga siya sa kama. Nagpapagpag si Brad ng higaan gamit ng unan.
"Oh. Ano na naman yang ginagawa mo?"
"Ano pa. Eh di naghahanda na matulog."
Nagmadali ako tumayo at hablot sa unang pinampapagpag nya. "At sino may sabi sayo na pwede ka tumabi skin sa pagtulog? For your information, malalaki na tayo. Hindi ka na pwede matulog dito."
Hindi nakawala sa paningin ko ang pagnguso nya. Para siyang bata na akala mo inagawan ng kendi. Kinuha nya mula sa aking kamay ang unan.
"Wow. Look who's talking? Pag nagtatampo ka nga sakin wagas kahit sa maliliit na bagay lang. Matuturing ko na dalaga ka na pag may boyfriend ka na."
Muli, ngumisi si Brad na halatang nang aalaska. Pinipigilan ko ang sarili na mapikon. Alam na alam talaga nya paano ako inisin. Matagal ako hindi nakasagot at humiga ito sa kama ko.
"See? I'll sleep here whenever I want. Kaya..."
Umusog si Brad para maglaan ng space in between para sakin. Tinapik tapik pa nya ang parteng yun na animoy nagaaya.
"Matulog ka na neng, para tumangkad ka at maging dalaga ka na."
"Ang meanie mo talaga!" Hinablot ko ang isang unan at sinimulang paghahampasin si Brad. Mahilig talaga nun sabihan ako ng ganyan palibhasa hindi naman kasi ako ganung katangkaran. Nasa 5'3" lang naman height ko pero hindi ko rin masasabi na I'm short.
"Ah ganun! So marunong ka na pala lumaban ngayon? Etong sayo! Hahaha!"
Naghampasan nalang kami ng unan sa isa't isa. Although malakas pagpalo ko sakanya ramdam ko na pinipigilan ni Brad na masaktan ako sa bawat paghampas ng unan sa akin.
Maya't maya nakarinig na kami ng katok sa pinto. Malamang si Yaya Bibing na naman yun, isang senyales na pinapatulog at naririnig ang ingay namin sa baba.
"It's time for you to go home, Brad. Hindi ka na pwede matulog dito. Magagalit si Mom pag nalaman niyang matutulog ka dito ulit." Dali dali akong tumayo at hinatak ang kanyang kamay.
"Fine... fine..." Nakita kong nagbuntong hininga ito at tumayo.
"Hindi ko na ipipilit sarili ko pag ayaw mo. Unless-----"
Nilabas nito ang kanyang kamay. "Manalo ka sakin sa bato-bato-pik!" Nakabungisngis na halatang nangaasar.
"Na naman? Ganyan ka na ba kadesperado na matulog sa kwarto ko? Para kang bata!"
"Why? Scared of losing?" Ang lapad ng pagkakangiti nito. Aba at talagang seryoso siyang hamunin ako. Knowing him he doesn't know how to stop as long as gusto niya.
"Fine. Bring it on."
BINABASA MO ANG
My Bestfriend, Brad
RandomMika and Brad had been very best friends since kindergarten. During ups and downs, sila pa rin ang magkakampi when the whole world are against them. Since kampante na sila sa ganitong relasyon, they even made a promise na magbestfriends sila hangg...