Chapter One
MIKA
Nagpunta kami ng mga kabarkada ko sa canteen para maglunch. Ang swerte namin at nakahanap agad kami ng pwesto! Lagi kasing punuan dito lalo na pag break time.
"Ano na naman yang dala mo Mika? Don't tell us na hanggang ngayon pati baon ikaw pa rin ang nagpreprepare para jan sa BF mo."
"Dinadalhan naman din ako minsan ni Brad ng food. At isa pa hindi ko siya boyfriend."
"Bakit? Porket BF, boyfriend agad? Hindi ba pwedeng pati Bestfriend?? At aber, anong minsan? Mas napapadalas na nga na ikaw ang nagdadala ng pagkain ni Brad. Ikaw friend ha? Mukhang namimihasa na yang si Bestfriend."
Naghagikgikan na naman silang tatlo. Ouch. Oo nga naman. Pwede ding abbreviation ng Bestfriend ang BF, mas nagiging trend na ginagamit yun sa boyfriend. Malay ko ba.
"Hay naku. Ewan ko ba sayo Mika. Ikaw din. Baka dumating sa point na iiyak ka ng dahil sa lalaking yun. Bahala ka. Anyway, nasan na ba si Brad? Sasabay ba siya kumain?"
Lagi na lang akong pinagkakaisahan ng mga ito. Bakit ba kasi binibigyan nila ng malisya ang friendship namin ni Brad? Ano ngayon kung ginagawa ko ang mga bagay na ito sa kanya? Normal lang naman sa magbestfriends ang ganito di ba? Napasulyap agad ako sa relo ko nang nabanggit nila si Brad. Nasan na ba yun? Ang sabi niya sasabay daw siya kumain sa amin pero wala pa rin siya. Hay naku, lagi na lang nalalate yun sa usapan.
"Sabi niya sasabay siya. Ewan ko ba dun bakit wala pa siya. Teka itext ko."
Hawak ko na ang celphone ko nang biglang may tumabi sa akin. Si Brad. Ginigitgit na naman niya ako sa tabi ng kaibigan ko! Napaaray ako sabay pinanlakihan ko siya ng mata. Narinig ko umubo si Tracy sabay ngisi. Alam ko na ang gusto niyang iparating.
"Sorry. May dinaanan kasi ako. Kanina pa ba kayo? Sorry talaga ha?"
"Hindi naman. Kakaupo lang namin. Heto nga pala yung lunch mo."
Inusog ko sa tapat niya yung black lunchbox.
"Wow! Ano kaya niluto ni Yaya na baon? Si Mika hindi pa rin kasi marunong magluto hanggang ngayon!"
Natatawang binubuksan ni Brad ang baunan at sinabayan pa ng tawanan ng mga barkada ko. Pinalo ko sa braso si Brad. Kailangan ba talagang ipalandakan na hindi ako marunong magluto? Ano magagawa ko? Nasanay ako na may taga luto sa amin at isa pa andyan si Yaya para gawin yun.
Hindi pa kami nagsisimula kumain nang napadaan sa kinauupuan namin ang mga bakarda ni Brad.
"Kaya pala ayaw sumabay sa amin si Jack. Yun pala kasabay niya kumain si Rose."
Tulad ng mga friends ko. Pati din mga katropa niya yan din banat nila sa amin. 'Jack and Rose' daw, yung love team sa Titanic. Kasama din sila ni Brad sa banda. Lead Guitarist si Brad kaya medyo isa yan sa mga crush ng bayan sa buong school. Kaya hindi na bago sa akin kung may mga nagbabanta sa akin sa paligid o hindi kaya nakikisuyo na mag-abot ng love letter para sa kanya. Messenger kumbaga.
Inakbayan ako bigla ni Brad.
"Kayo naman. Nangako ako kay Mika na sasabay ako kumain kasama ng friends niya. Next time na lang mga 'pre. Mahirap na magtampo ito. Alam nyo naman na nagiisang chicks ng buhay ko si Mika. Hindi ba--- Rose?"
Kinindatan niya ako sabay kabig palapit sa kanya. Siniko ko siya sabay simangot.
"Ayiiiieeee~~"
Sabay sabay na nagreact silang lahat. Mahilig talagang makiride on itong si Brad pagdating sa mga biro nila. Ayan tuloy, lalo kaming tinutukso ng mga yan. Hindi nagtagal umalis na rin yung mga friends niya at kumain na kami.
Pagkatapos ng lunch break, bumalik na rin kami sa classroom. Magkalayo kami ng pwesto ni Brad. Nasa second row siya, samantalang ako nasa third row sa tabi ng bintana. Gustong gusto ko ang pwesto ko, mahangin at isa pa nasa third floor ang classroom namin kaya kita ko ang front gate ng school mula sa kinalalagyan ko. At isa pa----
Malaya kong nasusulyapan si Brad nang hindi niya napapansin. Naalala ko yung pag akbay niya sa akin sa canteen. Naramdaman kong umiinit ang aking mga pisngi at napangiti ako. Bumibilis na naman ang kabog ng puso ko. Matagal na may ganito akong feelings kay Brad. Nagumpisa sa simpleng crush. Ngayon... Higit pa sa kaibigan ang nararamdaman ko sa sa kanya. Pero syempre hindi niya alam. Maigi na ang ganito na wala siyang alam.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend, Brad
RandomMika and Brad had been very best friends since kindergarten. During ups and downs, sila pa rin ang magkakampi when the whole world are against them. Since kampante na sila sa ganitong relasyon, they even made a promise na magbestfriends sila hangg...