Pagpapatuloy...
DANNICA LAZARDE POV:)
"Ano, Ma'am?! Pakiulit nga po ng sinabi nyo po Ma'am?!" Bulalas ko halos pinaulit ko pa yung sinabi ni Madam.
"Sabi ko, ikaw na ang tumulong kay Sir Don. Mukhang nahihirapan na siya sa pagko-compute at pag-asikaso sa darating na Camp nyo ngayong December." Ulit naman ni Ma'am Mizo."Ikaw lang kasi yung pagkakatiwalaan ko dito kaya ikaw nalang."
"Ma'am pe-pero---"
"Ayaw mo bang sundin ang inuutos ko, Miss Lazarde?"
"S-sige po, Ma'am." Walang magawa, pumayag nalang ako.
Minamalas nga naman. Naiilang pa naman aki kay Sir. Pag sa tuwing naaalala ko yung isang araw na balak niya akong halikan, napa-praning na ako. Halos pinupokpok ko na ulo ko sa sobrang kahihiyan at pagkabaliw.
Umalis na nga si Madam at naiwan akong problemado.
"Paano na 'to?" Naiiyak na sabi ko.
Nasa tapat na ako ng office ni Sir Don. Nagdadalawang isip pa rin ako kung papasok ako o hindi.
"Buksan ko na kaya? Paano kung gawin ulit yun ni Sir? Papahalik din ba ako sa kanya? O sasapakin o tutulakin nalang siya? " Tanong ko sa sarili."Hayst!" Sambit ko sa inis at naisabunot ko ang ulo ko. Sinapak-sapak ko na rin ang mukha ko para maka-isip ng plano."Isip ka ng plano, Dannica ah? Inhale...exhale...inhale...exhale..." Para na kong tanga dito habang nag-iinhale at nag-eexhale naman ako.
Di ko namalayan, nakita ako ni Sir Don. Natatawa siya sa nakikitang katangaang ginawa ko ngayon. Habang ako ay patuloy lang sa mga iba pang katangaang ginawa ko.
"Warm up ka muna Dannica. Pampabawas ng stress kahit kaunti lang." Sabi ko sa sarili ko at sumayaw ng baby shark.
"Baby shark walang dodo. Baby shade walang dodo. Baby shark walang dodo.
Baby Shark..." Kanta ko sa baby shark habang sumasayaw na din ako.Mas lalong natawa si Sir Don sa ginagawa ko ngayon. Halos napahawak na ito ng bibig para maitigil ang pagtawa ng malakas.
Patuloy lang ako sa pagkanta at pagsayaw ng Baby Shark ng napatingin ako sa gilid ko. Nakita kong nakatayo si Sir Don pero di ko pinansin nanatiling sumayaw ako. Alam kong nasa loob ng office si----
Napahinto nalang ako sa pagsayaw. Nanlalaking mata na nilingon ko ang lalaking nakatayo. Napag-alaman ko na si Sir Don nga ito. Nakita kong pinipilit nitong di matawa. Mukhang nakita niya ang lahat na katangahan na ginawa ko.
Namula na ako sa sobrang kahihiyan halos napayukong hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko.
"Kakahiya..." Mahinang sabi ko sabay pumikit."Sorry, Sir." Sabi ko habang nakayuko.
Di umimik si Sir bagkus narinig ko ang hakbang niya papunta sakun. Napadilat mata naman ako. Hala! Gagawin ba niya ulit iyon?
Nakita ko sa baba ang black shoes ni Sir. Nasa harapan ko na siya. Malapit siya sakin. Akala ko may gagawin siya pero mabilis binuksan ang pinto ng office nya at pumasok doon. Bago paman makapasok, may sinabi pa si Sir.
"Ikaw ba pinadala ni Ma'am Mizo dito?" Tanong nito.
Dali-daling napatingin ako dito. Nakita kong nakatingin ito sakin pero mabilis umiwas. Ang guwapo talaga ni Professor don. 😍
"O-opo, Sir." Nautal na sagot ko dito.
"Pumasok kana." Sabi nito at pinagbuksan ako ng pinto.
Wow? Ang sweet.
Tinignan ko yung kamay niyang nakahawak sa doorknob para papasukin ako at tumingin naman ako sa mukha ni Sir. Palit-palit ako ng tingin doon. Nakakapagtaka, mukhang naging gentleman si Sir. Minsan kasi gusto niya siya yung pinagbubuksan pinto. Lalong-lalo na lahat ng gusto niya nasusunod. Ngayon? Wow! Si Don Cervante, pinagbubuksan ng pinto ang kanyang estudyante?! Wow! Ano nakain nya? Mukhang bumait siya ah?
BINABASA MO ANG
Book 1:Professor Don (A Night With Him) [COMPLETED]
General FictionDanica and her sister are became an orphaned at their young age. They learned to work hard to live and to survive in life. Because of the bitter experience, Danica became brave, especially in matters of love. Although they were poor in life, she alr...