*pagdating sa bahay*
Nagugutom na ako kaya naglakad ako papuntang dining area ng bahay. Habang naglalakad napansin ko yung mga maid at isa pang maid na humahagulgol sa kakaiyak sa may kitchen.
Lumapit ako at nagtanong. "Ano pong nangyayari dito?" tss. oo na, magalang at mabait nga ako, yun nga kasi weakness ko hindi ako marunong magalit at magtaray sa ibang tao pwera sa parents ko.
Sumabat naman ang isa pang maid. "Eh kasi Miss Yanna, nag aagaw buhay daw po ang nanay niya ngayon sa ospital at hindi po siya makauwi dahil malayo po ang kanilang probinsya at matagal na nang umuwi siya doon kasi nga po---"
"Ok enough, so please stop crying and pack your things, and you Racel right? call Miss Jolie and tell her to book a flight at her province and prepare everything. "-Ako
tinatamad akong makinig sa litanya niya kaya dinedirediretso ko na lang ang paguutos.
"Yes Miss Yanna, teka lang po sasama po ba kayo?" tanong niya.
"Oo." tipid na sagot ko.
Nagsalita naman ulit yung umiiyak na maid na si Arlene at sinabing "Maraming salamat po. Napakabait niyo."
"Yeah. Youre Welcome." at tinalikuran ko na sila at nagsimulang maglakad papuntang 3rd floor ng bahay sa kwarto ko.
Una ginagawa ko to dahil naawa ako, dahil nung bata ako, anim na taong gulang ata ako noon nangyari na din noon sakin yung mag agaw buhay dahil sa malalang allergy or severe asthma at hindi man lang umuwi ang parents ko para bisitahin ako
at nakikita ko sa sitwasyon ng magulang ni Arlene yun kaya tinutulungan ko sila. I know the feeling. Tsh
Anyway, Hay hindi ko nga pala alam kung anong lugar ang pupuntahan ko. Psh. bahala na.
Gusto ko rin namang makalanghap ng hanging sinasabi nilang ibang iba sa Maynila.
Pero na try ko na rin namang magbakasyon sa mga probinsya pero yung mga sikat nga lang tulad ng Aklan o sa Bora, Batanggas,Tagaytay, Davao, Bohol, Palawan. Sigee ako na ang makabansa! ehh kahit may pera ako hindi pa naman ako interesadong lumabas ng bansa para magbakasyon lang.
Nakakatamad.
Anyway, Heto ako at kumukuha ng mga damit sa walk in closet ko. Ayokong magpaka sosyal sa probinsiya kaya kinuha ko yung mga simpleng damit . Dinala ko na rin ang Tablet, DSLR ko at kung ano ano pang gadgets.
ayoko din namang magdala nang sandamakmak na maleta. 4 nga lang to eh. Isang linggo lang naman kasi.
---------------------------
*fast forward*
Pagkatapos ng dalawang oras onflight dumating rin kami sa probinsiya actually nasa city na kami pero sa sobrang malapit na nga lang daw na paulit-ulit na sinasabi netong si Arlene, ehh limang oras pang biyahe yun sa van. Psh! malapit nga! grabee -__-
So wala naman akong magagawa dun kahit gawin ko pang roller coaster para mabilis ang roadtrip ehh baka abutin lang ng 12345 years bago ma construct yung imagination ko.
Kumain kami sa Shakeys sa isang mall, nag grocery din ako ng kung ano anong pagkain at mga bagay like flashlights,tent, comforters at kung ano ano pa.
At anim na malalaking plastic bags lang naman at dalawang boxes lahat ng yun.
Sabi kasi ni Arlene maliit lang daw ang bahay nila, at hindi naman sa minamaliit ko sila Haha in case lang, girl scout ata to.
Natulog na lang ako sa buong biyahe, Hayy, inantok ako kakapamili..
.................................
BINABASA MO ANG
My False Destiny ..
УжасыDestiny in love is having a chance to find and fall in to someone whom you considered as "he/she is the one". Maybe at first there are conflicts and you'll swear that it's quite impossible for the two of you. But what if destiny does come in unexpec...