Chapter 4

60 5 1
                                    

Nagising na lang ako at napatulala sa bintana,

Woah ang ganda ng view ha! Hacienda pala ito. parang barrio style.

Everything is kind of simple and basic compared to the city.

May mga bundok, mayayabong na puno, magsasakang nagtatanim ng palay at isang malaking mansion.

Hacienda Balbedina yun ang nabasa ko sa parang arko sa harap ng malaking mansion.

Ang ganda nglandscapes, Parang gusto ko ngang makapasok eh.

" Ang ganda naman ng lugar niyo." -ako

" Hehe, hindi po yun ang bahay namin ha. malapit na din po tayo"- Arlene

Haha, eh siguro nga, kung yun ang bahay nila malamang tumigil na kami di ba?. umiral naman ang pagkapilosopo ko

"Ahh, ok." yun na lang nasabi ko. at inayos ko na ang sarili ko at mga gamit ko.

pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil na kami.

Mula sa bintana ng sasakyan ay nakita ko ang isang 2 storey house na gawa lahat sa mga kahoy at mga ano bang tawag dito, eh basta mga brown materials. yung parang sa kubo. Infairness, na amaze nga din  ako eh maganda kasi ang pagkagawa ng bahay.

ang hirap magdescribe pagpasensiyahan niyo.

Pagbaba ko. nakita kong tumatakbo ang dalawang bata na lalaki at babae which is magkamukha ata? kambal siguro, at nasa likod nila yung dalawang lalaking halos kaedad ko lang siguro at papunta sila samin.

Agad na niyakap ni Arlene ang dalawang bata at yung dalawang lalaki naman ay binitbit yung mga dala namin.

"Wow, ang dami naman ata neto. Ate Ayin dito naba yan titira?" -yung isang lalaki

"Sira! matuto kayong gumalang kay Miss Yanna ha." -arlene

" Oh, about that,please treat me as if I’m friend of hers, no offence but please do not treat me like a VIP. Ok?"-ako

" Yun naman pala ehh." - yung isang lalaki.

"Siya nga pala po, Eto si Jarrie at si Aris mga kapatid ko kambal sila, at eto naman si Nixon at Nathan." -Arlene

"ahh, Hi there nice to meet you. By the way I am Sheiannah Harris." -ako na ngiting ngiti.pero teka parang iba hindi nila masyado kamukha itong si ano nga ba ang pangalan? LOL  ulyanin ang lola niyo!, at parang pamilyar siya, baka kahawig siguro ng kaklase ko. xD

"Marunong ka ba magtagalog?" - parang ang taray ata ng accent nitong si ano.. ha. x3

"Ah, yeah,oo naman, sorry" - ako

Ayun tinalikuran na lang ako. Abay suplado?  . Hmmpt!

Pumasok na kami sa loob ng bahay.  Gawa ang mga furnitures sa kahoy mukhang maganda naman ito. Ang galing nga ng pagka carve ehh. Umakyat naman kami sa may hagdan papunta sa taas.

Woah may malaking bintana at mula dito nakikita ang malawak na palayan at mga bundok. Nakaka Refresh ng mind. :)

Pinakita na sakin ni Arlene ang maliit na kwarto, as I said gawa lahat sa kahoy.

Linapag ko na ang mga gamit ko sa may kama..

"Miss. Yanna, Sigurado po ba talaga kayo na dito ho kayo titira samin? May resort naman po dito, isang oras ang layo pero malapit po yun sa may beach." - Arlene

"Ahh,talaga? pero nako hindi, ok na ako dito no. at wag mo nakong tawaging Miss, wala naman tayo sa bahay ko. Understood?" - ako

" Hmm, Sige po, sabihin niyo nalang po kung anong kailangan niyo. Dito muna po ako sa kabilang kwarto ha. Maiwan ko muna kayo." - Arlene

Inilagay ko sa cabinet yung mga damit ko.

*tok, tok, tok*

Binuksan ko ang pinto. And now naalala ko na.. Si Nathan at Nixon pala at si si Jarrie. dala nila ang ga pinamili ko, Hala nakakahiya.

napuno na nga ang floor ko ng mga plastic nato plus yung boxes pa, kaloka.

"Ahh salamat ha, teka lang kunin niyo na ito at dalhin niyo na lang po sa kitchen."

 tinuro ko yung limang plastic na puro pagkain like canned goods , bread, biscuits, at kung ano ano pa.

"Sige po, salamat po. bababa na muna po kami." - Nathan

"sigee."- ako :))

Aaminin ko na a-awkward ako dahil una hindi ko mga kilala ang nasa bahay na to, pangalawa hello babae ako at hindi ako sanay na may mga lalaki akong kasama sa isang bahay.

Inayos ko na ang sandamakmak na gamit ko. Yung dalawang plastic na punong puno ng chocolates and candies inilagay ko nalang sa maleta, wala na din kasing mga laman ang mga ito at baka agawan pa ako ng langgam dito! nako nako.. Binuksan ko narin ang boxes at kinuha ang mga gamit dun. Yung flashlights, pop up tent, mini rechargeable lamp, etc.

Since banig lang ang nasa kama, linagay ko yung comforter dun at binuksan o na yung plastic ng flat pillows, at ayun tumaba na din sila.

Nag palit na ako ng damit at Natulog na din  ako...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My False Destiny ..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon