Kinabukasan nagising ako dahil kanina pa ring ng ring yung phone ko. Dyahe! Inaantok pa ako eh! Walang pasok ngayon dahil weekend na. Kainis! Sino namang ponsiyopilatong tatawag sakin ng masapak ko! Nakakagigil!
Pagtingin ko sa caller napairap nalang ako. Its Kent again. Remember the guy who kneeled down for me. Isa pa yun eh! Nakakainis na kaya siya.
Kahit ayoko siyang kausapin I answered the call nalang para tumigil na kakaring. Truth is. Pinagsabay ko nga sila ni Cedric. Oh! Not just Cedric but also James. Remember the guy who want to see me while I'm with Cedric? Pero hindi lang sila. Marami pa akong boyfriends pero kahit anong gawin ko bored parin ako sa kanila at ang dali kong nagsawa.
Sinagot ko nalang ang tawag.
"Hello" walang emosyong sabi ko.
"Hello. Babe please, come back to me. I will do everything to have you back. Please wag ka namang makipaghiwalay sakin" sabi niya sa kabilang linya.
"Are you crazy? Hindi na ako makikipagbalikan sayo. Hindi ako pumupulot ng basurang tinapon ko na kaya stop contacting me couze its so annoying!" Sabi ko at binabaan siya ng tawag.
Bumangon na ako at nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako at nagsuot ng maong shorts at crop top.
Habang nagsusuklay ako biglang nag beep yung phone ko. Meaning may nag message.
I grab my phone as I see an unregistered number. Pagbukas ko sa message automatic na napangisi ako.
Hi, good morning gorgeous. I just want to ask if your available today Can we meet? Let's just call it a date. ^_^
By the way this is Seth.Natawa naman ako sa smiley face sa message niya. Agad akong nagreply at sinabing available naman ako. Sabi niya susunduin niya ako after five minutes kaya nag prepare na ako at nagpalit ulit ng damit. I only ware rip jeans and white crop top with matching High heeled converse.
After five minutes nakarinig ako ng door bell. And I'm pretty sure siya na yun. Pinagbuksan ko siya ng pinto.
"Hi" bati ko.
"You ready?" Tanong niya.
"Yeah" sabi ko at sinarado na ang unit ko. Pagdating namin sa basement agad kaming nagtungo sa Duccati niya.
"Diyan tayo sasakay?" Tanong ko.
And again. Its my first time to ride a motor. Why is it that every time I'm with him nakakagawa ako ng mga bagay na I really don't do."Don't worry, your safe with me. promise" sabi niya at inabutan ako ng helmet. Nagkibit balikat nalang ako at umangkas na sa motor.
"Hold tight" sabi niya kaya sinunod ko naman. And I'm telling you. Halos mamatay ako sa kaba dahil ang bilis niyang magpatakbo. Gosh! Is he going to kill me?
Medyo malayo ang binyahe namin pero masaya naman. First time ko to pero nawili agad ako. Ang saya pala sumakay ng motor. Makabili nga ng isa haha
"Were here" sabi niya.
Bumaba naman agad ako. Siya na ang nagtanggal ng helmet na suot ko kaya napangiti nalang ako. He's sweet.
"Wow!" Yan lang ang nasabi ko. Sobrang ganda ng view. Nasa taas kami ng bundok at kitang-kita ang napakagandang view. Ang again. Its my first time to come in this kind of place. Yung malayo sa maraming tao. Malayo sa lahat.
"This is my secret place. Dito ako pumupunta kapag gusto Kong takasan ang mga problema ko." narinig kong sabi ni Seth kaya nilingon ko siya. Shocks! Bakit feeling ko mas lalo siyang pumogi sa paningin ko.
"You know what. I really envy you for having this kind of secret place. Buti kapa may napupuntahan kapag gusto mong makapag-isip." Sabi ko.
I wish I also have one. Yung lugar na pwede kong puntahan kapag gusto kong tumakas sa lahat ng problema at sa mga taong ginugulo ako. Haays!
Ang hirap kasing maging maganda. Haha but seriously. Gusto ko talaga ng ganitong place."You can share with me. Pwede ka namang bumisita dito sa secret place ko kung gustuhin mo" biglang sabi ni Seth kaya napatingin ulit ako sa kaniya.
"Really? Baka may magalit kapag pina-share mo sakin to" sabi ko.
"Haha no one will get angry. Ikaw palang ang dinala ko dito"
I was a bit shock sa sinabi niya. He just smile at me kaya I do the same.
This time natahimik na kami.
Ewan ko ba. Hindi ko yata feel ngayong magsalita. I want to enjoy the view.After a minute of silence bigla nagsalita si Seth.
"You know what. My mom told me that we can all live our life to the fullest but before that we should choose the right path before we can find our true happiness" kwento niya.
Napangiti ako ng mapakla sa sinabi niya. It hits me. Yeah, I maybe living my life to the fullest that I think. but I admit that I didn't choose the right path. Haha sounds funny right?
"What your mom told you really suits you. But for me? Nah! I think I will live this kind of life forever" sabi ko.
"You still have chance to live your life and be happy." Sabi niya.
"Who told you I'm not happy? I'm really happy and I'm enjoying my game. I'm having fun with playing other peoples feelings. Masaya akong may nasasaktan dahil sakin. Masaya akong may nasisirang relasyon. Masaya akong naiiba, I dont want to be normal and that would be so typical at masaya akong kilala ako even in a bad bad way. I don't even give a damn kung ano man ang sabihin ng iba. Besides yung mga lalaki hindi naman talaga sila nasasaktan ng totoo ayaw lang nilang masaktan ang ego nila." Sabi ko.
"Really? But why I can see sadness in your eyes? And you look unhappy?" sabi niya habang nakatitig sa mata ko.
"Hanggang kailan ka magpapanggap na masaya pero ang totoo hindi naman talaga. And do you think that's the right thing to do? Making fun of other people just for your own sake kahit hindi ka naman talaga masaya." Umiwas ako ng tingin because I saw concern in his eyes.
Muntik nang tumulo ang luha ko sa sinabi niya. Yeah! Totoo lahat ng sinabi niya. Honestly speaking. I'm not really happy. That's the truth. Pero ano pang magagawa ko. Nasimulan ko na to at wala nang atrasan. 'I started this and there's no turning back.' Yan ang katagang lagi kong iniisip tuwing nagdadalawang isip na ako.
"Why are you doing this? Why are you so concern about me? Hindi mo pa ako lubos na kilala pero kung makapagsalita ka akala mo naman kilalang kilala mo na ako" sabi ko.
"Concern ako sayo because I know pwede ka pang maging masaya. Yung totoong masaya even without playing with other peoples feelings. Just let me help you. I like you Heather and I'm afraid my feelings for you would go deeper" sabi niya kaya napatulala ako.
BINABASA MO ANG
The Playgirl's Regret
General FictionHeather Donovan, a girl who loves to play with the boys feeling. She hates commitments and she easily got bored when it comes to relationships. She don't care with what the guy would feel after she break their hearts. But what if she will met a guy...