Chapter I (Meet Nancy Villarin. Ang Pinaka Wicked sa Lahat ng Bida....)

46 2 0
                                    

Meet Nancy Villarin, one of a kind woman, beautiful but very dangerous….

Now, I remember where I met this man!

Ewan ko ba pero talagang kumukulo ang dugo ko sa tuwing naalala ko ang pangdededma saakin ng lalaking ito.

At Isaac Miranda pala ang whole name niya..

Binasa ko pa ang ibang information niya..

He is Twenty two years old, Mechanical Engineering ang course kaya lang, first year lang ang natapos..

Nilamukos ko ang papel na hawak ko. Well, hindi siya ordinaryong papel, resume siya ng isang lalaking nandedma saakin nung isang araw.

Para makaganti, tatanggapin ko ang lalaking ito sa trabaho… Magiging personal driver ko siya.. hahaha!

“Iha, bakit mo naman yan nilamukos?”- Daddy ko

Napatingin ako sa forty-five years old kong daddy. His name is, Andrew Villarin.

Well, he’s one of the richest man now a days..

Kung hinahanap niyo ang mommy ko well, I have no mom. She left us when I was only two years old. Wag niyo na tanungin kung bakit, because it was a very long story..

“Dad, kelan ko ba maisasakatuparan ang masamang binabalak ko?”

“What?”-daddy ko

“Oh, I mean, kelan ko siya ma mi-meet?”

I’m very excited to meet him…

Well, he’s a very good looking guy…

Tiningnan ko ulit yung picture niya. Gwapo pa rin kahit na 1x1 picture lang ito.

Gulay, he have a gorgeous and expressive pair of eye..

Napigilan ko ang paghinga ko.

“Well, if you want to meet him now, he could come over here tonight.”-Dad

“Thanks Dad!”

Honestly, ayoko talaga ng personal driver, I can handle myself.. Hello? Mag na nineteen na kaya ako this coming October?

But I have no choice, my dad’s wish..

Mabuti nalang gwapo ang magiging driver ko..

Kaya lang iinisin ko rin siya para madali kong madispatsa…

Ayoko kaya ng maysusunod-sunod saakin lagi no?

Tinawagan ko ang isa kong kaibigan, si Rachelle, hindi pa naman masyadong wicked ang isang to, newbie pa sa pagiging wicked..

Wala akong bestfriend na itinuturing, my best friend is myself.. Para kasi saakin, wala ng mapagkakatiwalaan pa sa panahon ngayon.

Kinuwento ko lahat ng kapraningang naiisip ko kay Rachelle..

Well, wala naman siyang masyadong reaksiyon.. Wala naman kasi siyang palag sa kasamaan ng ugali ko..

Well, aminado naman ako…

Sa dami ng pinaiyak ko, mapababae man o lalaki.. hindi na ako nag e-expect pa na may taong magsasabing mabait ako, siyempre maliban sa daddy ko na hindi alam lahat ng kapraningan ko.

(WITNESS.. THE REVENGE OF MS. NANCY VILLARIN)

(PLEASE READ, VOTE AND COMMENT PO)

I'M INLOVE WITH MY OPPOSITE!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon