Nancy's revenge..

82 2 0
                                    

NAG FLASH BACK SA MEMORY NIYA ANG ISANG PANGYAYARING MASASABI NIYANG PINAKA MASAMANG NAGAWA NIYA SA ISANG TAO, WELL ACTUALLY, HINDI SA ISANG TAO… MAS TAMA KUNG SASABIHIN NIYANG… SA ISANG MAGANDANG RELASYON…

LAST YEAR sa Campus namin….

Ako ang nanalong Campus Queen…

Ano pa nga bang I-e-expect mo?  I am the most glamorous and smart lady in the whole University….

Sa loob ng dalawang taon na pag-a-aral ko roon ang lagi akong no. one sa dean’s list ng college namin.

At walang nagtatangkang mag yabang saakin, dahil ako….

AKO…..

Ang Reyna ng kagandahan, katalinuhan, kaplastikan, kayabangan, at kamalditahan….

At wala ng papantay pa saakin.. hahaha

Ehem,,, excuse me po…

Kinabukasan pagkatapos ng pageant, Naglalakad ako kasama ko sina Rachelle, Sarah, Virgie at si Angela.

Nang biglang may nagbuhos sa damit ko ng soft drinks. Well, dahil tapos na ang pageant.. pwedeng pwede na ulit ako mag maldita..

Pero nang makita ko kung sinong nagtapon saakin ng softdrink..

Ay nagbago ang isip ko..

Si Bianca, isa pa sa mga kinikilalang babae sa school, bukod kasi sa pagiging maganda nito ay napaka maldita rin nito tulad ko. Madalas nga ay pinagkukumpara kami kung sino ang mas maganda at kung sino ang mas maldita..

Ang akala ko ay natapos na ang tanong na iyon kagabi.. pero hindi pa pala..

Sumali rin kasi ito sa pageant pero dahil walang laman coconut shell nito ay hindi ito nanalo.. Ni Hindi nga ito nag runner up..

Tinaasan ko siya ng kilay.

“Why did you do that?”

Pasalamat ka maraming tao rito.. well palalabasin ko na mabait ako at pasensyosa… ikaw ang mas maldita ngayon.. hahaha!

“Because you’re so ugly.. I wonder kung bakit ka nanalo kagabi. Di hamak na mas maganda ako kesa sayo!”-Bianca

“Hey, don’t you remember, ni hindi nga bagay sayo ang mga gown mo eh. You’re so pathetic!”-Virgie

“That’s enough Virgie… Intindihin nalang natin siya, alam naman nating lahat, na masakit ang matalo eh. Diba?”

Nagkunwari akong mabait at pinunasan ko na lang ng panyo ang soft drinks na tinapon niya saakin.

Well siguro mas nainis siya sa sinabi kong talunan siya so, sinabunutan niya ang mahaba at maganda kong buhok.

Ouchie!

Hindi ako lumaban para nga palabasin na api ako at saakin kumampi ang lahat.

Nagtagumpay naman ang maiitim kong balak.

May dumating kasi na security guard at huling huli niya ang kamalditahan ng luka-lukang si Bianca kaya ayun.. nagkaroon  siya ng offence. At siyempre ako, dahil hindi ako lumaban.

Ako ang naging biktima ng malditang si Bianca.

Listen to me bitch.. hindi pa tayo tapos..  

Tiningnan ko pa siya ng masama bago lumabas sa dean’s office..

Pero siyempre siniguro kong siya lang ang nakakita..

Nagpadala na lang ako ng damit sa katulong namin..

Hassle naman kasi kung uuwi akong basa at malagkit.

I'M INLOVE WITH MY OPPOSITE!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon