MAAGA akong nagising, ewan ko kung excited ako oh ano, basta, kahit pilitin kong matulog pa, hindi na ko makatulog. So, I decide to take a shower. Then kumain narin ako ng break fast.
Katulad ng napag-usapan, dumating si Isaac ng maaga, 6:30 pa lang ay narito na siya. Pinapunta ko lang siya ng 7:00 pero talagang 10:00 pa ang pasok ko. Usually, umaalis ako sa bahay ng 8:30.
After kong mag ayos ng gamit at ng sarili ko ay bumaba na ko. Katulad ng inaasahan ko, na roon na si Isaac.
Tumayo na siya pagka kita niya saakin.
“Bakit mo ko pinapunta ng maaga, eh tanghali na palang pasok mo?”-Isaac
“Nagrereklamo ka?”
Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi naman siya sumagot.
Nauna na akong pumasok sa kotse.
“Pero sana naman, hindi mo ko pinapunta ng maaga. May kapatid ako, at ako ang nagaasikaso sakanya. Next time papuntahin mo ko kung anong oras ka aalis.”-Isaac
“ah, so talagang nagrereklamo ka? Kung mas gusto mong asikasuhin ang kapatid mo kesa sa trabaho mo, sige mag resign ka na habang maaga pa.”
Pagmamaldita ko sakanya.
“Sana naman maintindihan mo rin ang sitwasyon ko. Be reasonable naman.”-Isaac
“Just shut up, and drive.”
Mukhang naiinis na siya agad. So, isang araw ka lang?
“Stop the car.”
Utos ko sakanya.
Tingnan natin kung hindi ka pa mainis. Haha!
“Pero wala pa tayo sa school mo ah?”-Isaac
“Pwede ba? Sundin mo nalang ang sinasabi ko? Sino ba ang amo satin?”
Mataray kong sabi sakanya. Hininto naman niya ang kotse.
“Hintayin mo ako rito okay? Saglit lang ako.”
Hindi siya sumagot. Pagka baba ko sa kotse, hindi ko napigilang wag mapangiti.
Tingnan ko lang kung pumasok ka pa bukas.
ISAAC
Nagtataka man ako kung bakit bumaba si Nancy, ay naghintay pa rin ako.
Ang tagal naman nun?
Tumingin ako sa relo ko.
Thirty minutes na simula nung bumaba siya ah?
Naka park ang kotse sa isang supermarket.
Parang gusto ko na siyang sundan sa loob, kaya lang baka magsungit nanaman siya, so nag decide ako na mag stay nalang dito.
AFTER TWO HOURS..
Namumuti na ang mga mata ko pero wala pa rin siya. Pumasok na rin sa isip ko na baka pinag trip-an lang ako in Nancy, hindi naman kasi imposibleng pag-tripan niya ko kahit first day ko palang sa trabaho. Wala namang nakakagulat dun, pano ba naman, sikat naman kasi siya sa pagiging masama ang ugali.
Pero nag-aalangan parin akong umalis, dahil baka lumabas na rin si Nancy galing sa loob.
Pero talagang naiinip na ko.
Kung inaakala mo na mapag re-resign mo ko ng ganun-ganun na lang? Nagkakamali ka Nancy Villarin! Sobrang nangangailangan ako ng trabaho kaya hindi pwedeng mawala saakin ito.
BINABASA MO ANG
I'M INLOVE WITH MY OPPOSITE!!!
Teen FictionMaganda... Matangkad... Maganda ang katawan... Matalino at Ubod ng yaman… Ano pang hahanapin mo? Kaya lang..... Masama ang ugali... Pintasera... Mayabang... Maarte... Mapagmataas... at higit salahat… hindi marunong magmahal…. Paano kung ma-meet niya...