US Chapter One

40 1 1
                                    

Third Person's POV

Sa isang eskinita ay nagkumpulan ang grupo ng mga gangsters. Hindi ito yung mga gangsters niyo na napapanood sa tv na mga gwapo at magaganda at popular sa eskwelahan. Iba't-ibang itsura ang mayroon ang mga gangsters, may bungi, may mga parang wrestlers, mayroon din namang may itsura kaso kunti lang ang makikita mong ganoon.

Some gangsters don't want to be gangsters but they are stucked at their irrational decisions. Mga desisyong hindi pinag-isipang mabuti, at wala nang nagawa noong matauhan sila sa maling desisyon na ginawa nila.

But this story won't focus on that, magfo-focus tayo sa mga desisyon ng ating mga bida sa kanilang buhay. Wether it's irrational or logical, ating tunghayan ang mga epekto nito sa mangyayari sa buhay nila.

Gangsters on that dark street are fighting, nagtilamsikan ang mga dugo sa kalsada, sa poste, at sementong pader.

"Piste! Maayos ang deal natin na ititinda lang ng mga kagrupo ko yung droga!" sabi ng isa sabay punas ng dugo sa kanyang labi. Siya si Andres, isang leader ng maliit na gang na kung tawagin ay Pugna Brothers.

Tumawa naman ng mala-demonyo ang isa pang lalaki, malaki ang mata nito at mapupula, sa itsura pa lang, mahahalata mo nang nakatira ito. Ito si Alvin, isang gangster member ng Gluestick Gang.

"Nag-enjoy naman sila ah! Tingnan mo! Walang humpay na kasiyahan!"sabi nito at muling tumawa tinuro nito ang nagkukumpulang mga miyembro ni Andres na pawang naka-high.

"Gago ka rin eh! Estudyante pa lang ang mga iyan! Alam mo ba ang parusa kapag nalaman iyan ng nakakataas?" tanong ni Andres

"Andres, Andres! Hindi nila malalaman iyan kung hindi ka magsusumbong" malalaki ang mga mapupulang mata nito at malapad na ngumisi

"Kahit na hindi ako magsumbong, malalaman at malalaman rin nila! May mga mata sila Alvin! Alam nila lahat ng nangyayayari!" Bwesit!" Gigil na bulyaw ni Andresa sa kausap nito.

"N-Natatakot ako kay Empress at Emperor. Palagay ko'y papunta na rito ang mga Slayer" yumuko si Andres at kinagat ang labi, nang banggitin niya ang nakakataas at mga Slayer bahagyang nabalisa ang mga mata ni Alvin.

"A-Andito sila? Takbo! Takbo, Andres! Papatayin ka nila!"naghisterical ito at nang marinig ito ng mga miyembro ni Andres ay tumakbo sila kasama si Alvin.

Sa isang banda,

"Ito na nga iyong nagtitinda at nagtutulak ng droga, base sa impormasyon na nakasaad dito, mula sa Gluestick Gang na si Alvin ang supplier nila. Pinatira nito ang mga kamiyembro ni Andres na mula sa Pugna Brothers."ani ng isang lalaki na naka-itim habang binabasa ang papel.

Ngumisi naman ang babaeng kasama nito sa sasakyan, "Hindi ata takot mamatay ang isang iyan." humithit ito ng sigarilyo.

"Itigil mo nga yan Mez, nalalanghap ko ang usok." iritadong saad ng lalaki habang iwinawagayway ang kanang kamay upang mapaalis ang usok.

Inis na itinapon ni Mez ang sigarilyo sa labas ng bintana ng kotse "Tss kakaiba ka talaga Mino"

Nakita nila ang mga nagtatakbuhan at nakilala nila ang isa sa mga iyon, si Alvin. Halatang sabog ito pati na ang ibang tumatakbo. Lumiko sila sa main street kaya dali-daling bumaba sina Mez at Minotaur.

Dala-dala ang mga baseball bat ay tumakbo sina Mez at Minotaur para sundan ang mga sabog na gangsters. Nung lumiko na sila sa main street nakita nila ang mga sabog na gangsters na inaabangan sila. May hawak ang mga ito na mga bote.

'Tss hindi ko alam kung bakit kailangan pang mag hunt ng mga taong katulad nito. Gangsters are part of undergroud society, and Underground society do illegals. So why bother hunt them? If it's part of it?'
Yan ang tumatakbo sa utak ni Mez habang hinahabol ang target nila.

The Underground SocietyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon