~Nothing Serious~
[Daniel Jace Rivero's POV]
I'm serious and I'm desperate. Nakuha ko yung necklace nya nung nagaway kami sa bahay. I gave her mine at pag hindi nya sinuot yun within 48hours, I'd rather die than to see her rejecting my love once again.
"How do I get a girlfriend?
Well, uhm. Give her chocolates.
Or you can sing her a song.
Diego, you're too young.
Treat her like your mom. Just treat her with respect.
Thank you!"
That commercial, somehow caught my attention.
*tok* *tok*
"Anak.." Si mang Badong.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko.
"Ano itong sinabi saakin ng pinsan mo na pinilit mo daw maging girlfriend?"
"N-no. Hindi. Hindi naman ho sa pinilit mang Badong."
"Talaga nga naman oh. Sadyang tinamaan ka ano?. Alam mo, kung mahal mo ang isang tao,, matiyaga mo siyang susuyuin."
"Suyuin?" -Ako
"Suyuin. Ligawan mo anak, wag mong yayain magpakasal." Natatawang sabi ni Mang Badong.
"Ligawan? Pano ho yun? Pag niligawan ko ho ba si Julia, akin na siya habang buhay?"
"Oo, pag niligawan mo si Julia, ------- si Julia. TEKA! SI JULIA?!?!!!"
"Oho. Si Julia!" Tumango ako.
"Yung yaya mo?! Si Julia?!!"
"Oho. Pero hindi ko ho sya yaya."
"Pambihira nga naman oh!.....Ayan anak, gamitin mo."
"Ano ho 'to?" Inabot nya ang isang paperbag na may lamang----
'22 Easy Steps to Get a Girlfriend?'
"Osya, anak, ibalik mo na lang yan sakin pag ok ka na." At umalis na sya.
[Julia Yhen Schnittka's POV]
"San ba kasi tayo pupunta??" Tanong ko habang kinakaladkad ako ng mga kaibigan kong baliw. Si Jane at Chienna lang to be specific.
"Basta girl! Hihi excited na ko!" Ano bang meron? -_-
"Teka, teka, teka! Asan ba sila DJ??"
"Uyyyy~ hinahanap!" Anooo? T-T
"Don't worry girl! Makikita mo din yang manliligaw mo. Haha."
"Alam nyo, kayong dalawa puro kayo kalokohan e! Saan nyo ba kasi ako dadalhin?!" Hayy, sa wakas! Binitawan na rin ang kamay ko.
Napatigil ako sa pagmamaktol ko nang may narinig akong nagstrum ng gitara. May lumabas na parang banda na ewan. Sila Nexus pala. [A/N: Bisita ng Just For a Change. Haha sa First yet, worst na story po yan. Napadaan lang dito. :D]