~Neither Friends Nor Rivals~
[Julia Yhen Schnittka's POV]
"Alam mo DJ, pagusapan natin yang sinasabi mo.." Nalipat sa akin ang maigting na tingin nya kay Diego. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at inakbayan patungo sa kinatatayuan ni Diego.
"Pag usapan?" Tanong nya. There he goes again. Inosenteng gwapo..
E-este, KWAGO.
"Oo. Pagusapan... Alam mo, sa buhay, ang kaibigan dapat marami yan... Kasi mas masaya pag madami. Katulad nyo ni Diego... Pwede naman kayong parehas na maging kaibigan ko e. Edi tropa na tayo!" Paliwanag ko sa kanya. Aba e mahirap na, baka di na naman nya magets. Alam nyo naman 'tong gwa---go... kwagong toh.
"Tropa?" Ay shet HAHA si DJ nga pala tong kausap ko. Bawal ang salitang astig -_-
"Wala. Ang ibig kong sabihin, tayong tatlo, friends. Mas maganda naman yun e. Ano? Friends na kayo?? Dali na wag kang maarte." Pilit ko syang pinagkakamay kay Diego.
"Diego, si DJ. DJ, si Diego." Pagiintroduce ko sa kanilang dalawa.
"Nice being friends with you, pare." Manly na sbi ni Diego..
"Huy!" Kinaltokan ko si DJ sa ulo nang hindi nya abutin ang offer na kamay ni Diego. Tapos ang masaklap pa dun, ANG SAMA NG TINGIN NYA KAY DIEGO.
"Too." Tipid na sagot ni DJ habang nanlilisik parin ang mata. Ano bang problema nito? -_-
"Ayan! Edi maganda! Tropa na tayo ah!" Umakbay ako sa kanilang dalawa. Edi ang lagay e, ako ang nasa gitna syempre.
*KRRRRRRRRRRRNGGGGG!!!!*
Nagbell na. Indicating na malapit na magsimula ang klase.
Sabay kaming naglakad ni Diego papunta sa room since pareho ang subjects namin.
"Julia.." Tawag ni DJ dahilan para mapalingon ako.
"Pasok na kami! Ikaw din! Baka malate ka na!" Sigaw ko kasi medyo malayo na kami ni Diego sa kanya.
[Daniel Jace Rivero's POV]
Naglalakad sila.
Palayo sakin.
"Jace! Where have you been? Kanina pa kitang hinahanap!" And out of nowhere, biglang lumitaw si Chienna sa harap ko.
"Nag cr lang. Sige pasok na ko."
Meanwhile, when I was on my way to the classroom-
"Who is he?"
"Gwapooooo.."
"Ano ba kayo! May gf na yan kita mo naman!"
"Shemayyyy, ang angas!"
Napapatingin ako sa mga babaeng nagsasalita.
"Couz, they're saying you are handsome. Haha" Bulong ni Chienna sakin.
[Julia Yhen Schnittka's POV]
"Hulyen..." Napalingon ako. Si Diego. Siya nga pala si Batman DAW.
"Hahaha. Bakit?" Tinawanan ko muna siya bago ko tinanong.
"Does that DJ likes you?" Tama na nadinig ko??
PWE!
Si DJ? Ahahahahahahahaha
"Ok ka lang?? Yun? Imposible! Haha e dati na nga lang kung pahirapan nya ako sa bahay nila e parang may balak siyang patayin ako. No no no MALABO, batman." Dirediretsong sabi ko.
"Pahirapan? Sa bahay nila?" Ay shaattttt.
"Erase! Erase! Brrrrrr. wla akong sinabi Diego. Wala."
"Come on, para saan pa at naging friends tayo?" Lakas talaga mang uto ng englisherong gwapo na to e. Hayst. Sasabihin ko ba? T^T
"Oo na! E kasi ano. Isa yan si DJ sa mga pinagapplyan ko dati. Alam mo na. Hindi naman ksi kami ganun ka.... yaman diba?" Pag amin ko habang pasilip-silip sa magiging reaksyon nya.
....
....
....
Silence...
...
"Oo naman... Naiintindihan ko..." Sabi nya sabay ngiti at tingin ng pagkalagkit-lagkit saakin.
Teka, malagkit nga ba? E ganun naman talaga siya tumingin e. mapungay ang mataaaaa <3 ang gwapo talaga ni Diego.
"Naiintindihan ko. And yes." Pagpapatuloy nya.
"Yes?" Tanong ko.
"Yes, he do. He do like you." Whaaaat?
"Ha? Baliw ka ba? Marunong ka pa sa kanya e!"
"Juls, lalaki din ako. I know that kind of action." At isang ngiti na naman ang pinakawalan ni Diego mylabs<3 kaya lang parang nababaliw na toh. Kung ano ano sinasabi -_-
-----//-----//-----//-----//-----//-----//-----//-----//-----//-----
Uh-oh! Heartthrob ang lolo mo!
Oh ayan tropa na daw sila.Haha sorrrrry short ud lang :( bawi ako bukas. Inaayos ko po ksi ung PBB Extreme. JN din po sya and I highly recommend you to read it. Hahaha lakas maka promote e.
btw, comments are veryyyyy welcome :*
*Keep on supporting JulNiel~
Bby.Xha JNFinityyy~