First Shot.♥

1.7K 43 0
                                    

Unang Tagay

"Nice game everyone!"

Sabi ni coach sabay palakpak. Bakas ang pagkatuwa sa kanyang mukha. Kung ako rin kasi ang coach, paniguradong matutuwa ako dahil parehas ang puntos ng aking grupo. Hinati niya kasi ang grupo sa dalawa- ito ang naging practice game namin.

"Yow bro!" Si Chevin, ka team ko siya sa laro kanina. "Gumagaling ka lalo ah?"

Napailing ako. Hindi naman ako ganoon kagaling. Iba parin kapag si Joshua ang naglaro. For sure siya ang mananalo kapag nag one on one kami. Hindi 'yun nakakapagtaka dahil siya ang team captain.

"Pre, huwag kang pa humble! Para kang bakla!" Hinagis ni Cholo ang tshirt ko sa aking mukha. Mabuti na lang talaga at mabango ang pawis ko.

"Gago!" I shouted.

Sa totoo lang, napansin ko rin nag iimproved na ang laro ko. Mas madali na sa'kin ang makashoot ng three points. Walang wala pa ko kumpara sa lalaking kahit dati pa ay lamang na sa akin. Sa school, sa basketball team, at higit sa lahat... sa bahay.

Sibling rivalry. Si dad, palaging kampi sa kanya. Samantalang si mommy, sa akin kampi. Kung tutuosin, mas angat angat parin siya sa aspeto na 'yun. Dahil sa lahat ng pagkakataon, si dad ang nasusunod. Kaya kahit anong gawin ni mommy para suportahan ako, baliwala lang.

Naagaw ang pansin ko nang makita ang isang babae sa hindi kalayuan. Nakaupo siya tapos nakadukdok ang kanyang ulo. Tinatakpan ang kanyang mukha dahil umiiyak. Palapit na 'ko sa kanya kaya rinig ko na ang bawat paghikbi niya.

I sitted beside her then I tapped her back. It's the least thing that I can do to comfort her. Hindi ko naman kasi alam kung bakit siya umiiyak... Ni hindi ko nga siya kilala, e.

"Hmmm..." Humihikbi parin siya hanggang ngayon. Damn! Bakit kaya?

Sa kabila nang pagiyak niya, nakita ko parin ang mala anghel niyang mukha. She's really pretty!

"Si-sino ka? Bakit ka narito?"

"Hush now..." Inabot ko sa kanya ang aking panyo. "Here... Use this."

Tatanggi sana siya pero pinilit ko na kunin niya ito. Ang kulit naman niya! Ganoon ba kahirap na tanggapin ang panyo 'ko? Damn! The other girls want it so much... Pero bakit siya mukhang ayaw niya?

"U-uhmmm... Thanks!" Pilit siyang ngumiti sa'kin. Tss. Halata naman na fake ito. Bakit kailangan pa niyang magpanggap? Tsk.

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko sa kanya na may bakas ng pagaalala.

"No-nothing! I have to go... Bye!" Tumayo siya at dali daling tumakbo.

Ano kayang problema niya? Sayang! Hindi ko man lang natanong kung ano ang pangalan niya. Tss. Sana magkita ulit kami...

One Shots (A Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon