Second Shot.♥

1.4K 37 5
                                    

Pangalawang Tagay

Nakatulala lang ako ngayon一 nakatingin sa may kawalan. Daig pa ang nakasinghot ng rugby. Daig ko pa 'yung adik doon sa may kanto.

Ganito ba talaga 'yun? Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag naramdaman mo na yung sinasabi nilang... Pagibig?

"Hoy!" Winagayway pa niya ang kanyang dalawang kamay sa'kin. Ginawa ba naman akong bulag? Tss.

"Ano ba?!" Hinawi ko naman ang kamay niya.

Ilang araw na kasi 'kong ganito. Tulala. Tahimik. Parang may sariling mundo. Walangya kasi 'yung lalaking 'yun, e! Siya 'yung dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

"Siya na naman ba? Sabihin mo na kasi! Confront him.." aniya.

"Para saan pa? Wala narin namang kwenta." Napabuntong hininga ako sa aking sinabi. Totoo ngang reality really sucks! Damn!

Dumating ang aming professor makalipas ang tatlongpung minuto. Aalis na dapat ako dahil iyon naman ang nakasulat sa aming student handbook. Nakasaad dito na kapag hindi pa dumarating ang professor makalipas ng labinglimang minuto, maaari na kayong umalis.

Badtrip tuloy! Dumating pa kasi. Busangot ang mukha ko sa buong klase.

"In mathematics, an equation is a formula of the form A equals to B, where A and B are expressions that may contain one or several variables called unknowns, and "equals" denotes the equality binary relation..." ani ng aming guro habang nagsusulat sa blackboard.

Ano bang mapapala ko sa pesteng equation na 'yan? Pwede namang addition, subtraction, multiplication, at division lang ang alam mo para mabuhay. Hindi mo naman kailangan ng A is equals to 10, while B is equals to N. Find一 ano nga ba 'yun? Ah basta! Hindi mo kailangan ng ganyang math equation na 'yan kapag bibili ka lang ng candy sa tindahan. So what's the used? Hindi ko talaga maintindihan!

Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung ano ang gamit ng equation na 'yun. Dagdagan pa ng bagong dinidiscuss ni ma'am. Kaya ang nangyari, nakatulog ako sa kalagitnaan ng klase.

"Oh, shit! Totoo ba talaga 'yan? I love you too Pa-"

Ayun na. Mahal na niya ko sa panaginip, e!

Nabalik ako sa ulirat nang kinuyog ako ng aking kaklase. Pag angat ko ng aking ulo, nakita ko na lahat sila一nakatingin na sa'kin. Bakit? Ano bang ginawa ko?

"Ms. Scarlet, did you know that sleeping in my class is not allowed? At isa pa, hindi ka ba aware ba nagsasalita ka habang natutulog?" aniya.

Ay butiki! Hindi ko 'yun alam a! Nakakahiya naman. Tulo laway na siguro ko ngayon. Ang ganda naman kasi ng panaginip ko, makatulo laway talaga. Kung ganoon lang sana palagi ay hindi na ko gigising. Matutulog na lang ako habang buhay.

Tumayo ako saka unti-unting niyuko ang aking ulo, "Sorry ma'am! A-ano po bang sinabi ko? Sorry talaga ma'am, hindi po kasi ako aware."

One Shots (A Compilation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon