Darren & Lyndon 5

1.8K 22 0
                                    

Pagkatapos ng mga nangyari ay pumunta ako ng opisina. Wala naman sana sa plano kong pumasok pa, kaso hindi ko naman inaasahan ang agarang pagpirma ni Lyndon sa kontrata kaya kinailangan ko itong maireport kaagad. Nang makarating ako sa opisina ay agad akong sinalubong ni Niel at ibinigay ko kaagad sa kanya ang napirmahan nang kontrata.

"Wow! Napirmahan agad? Points na naman 'to sayo. Galing galing talaga ng bossing ko." sabi ni Niel. Pero parang hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi nya. Lumilipad ang isip ko. Iniwan ko na lang sya basta at pumasok ako sa loob ng pinto. Agad kong isinara ang pinto at inumpisahang balikan sa isip ko ang mga nangyari kanina.

Habang nasa kalagitnaan ako ng aking pag-iisip ay napasandal ako sa pinto. Natatakot ako sa mga nangyare. Pero sa tuwing maaalala ko kung paano nya ako napapayag sa gusto nya ay hindi ko maiwasang mapangiti. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganung klase ng atensyon mula sa isang lalake. Ang gwapo nya. Sexy at higit sa lahat magaling.

Patuloy ko lang inimagine lahat ng naganap kanina. Tumungo ako sa aking lamesa at doon ko ito ipinagpatuloy. Hindi mawala ang ngiti sa aking mukha. Parang napakasaya ko na ewan. May halong kaba ang kasiyahan ko. Exciting.

Gamit ang pinagsalubong na braso ko ay inilapat ko ang aking ulo sa lamesa. Nakangiti pa rin ako subalit bigla itong nawala nang makita ko ang larawan ng aking magi-ina.

"Ano 'tong ginagawa ko? Darren gising." sambit ko sa aking sarili.

"Boss! Boss!" nagising ang diwa ko nang bigla kong marinig ang boses ni Niel.

"Yes?!" tugon ko sa kanya.

"Kanina pa kita tinatawag." sabi nya.

"Ahy! Sorry, medyo masama kasi ang pakiramdam ko eh." palusot ko.

"You have a phone call, his name is George Greenwood from Red Milano. Call him back, this person is not used to be kept waiting ok?" sabi ni Niel.

"Take the message if he calls again, please." sabi ko.

"What?! Are you out of your mind?" sabi ni Niel.

"Why?!" tanong ko.

"You're just neglecting George Greenwood from Red Milano. Ano ka ba? He can change your life any moment. Call him back now! Babatuhin kita netong ballpen eh." sabi nya.

"Hey! I'm the boss here." sabi ko sa kanya.

"Then act like a boss. Don't miss the oppurtunity. Ikaw ang magdadala ng kumpanyang ito sa pedestal. And the next thing I know is that, you could be the next president of this company." sabi ni Niel.

"Please Niel, take care of it. Set up a meeting in an expensive restaurant or whatever. Ikaw na bahala, masama talaga ang pakiramdam ko." sabi ko tsaka ako tumayo upang umuwi na.

"Darren?! Where are you going?" tanong nya

"Don't you see? Uuwi nako, please ikaw na muna ang bahala. Hindi ko talaga kaya, ok?" pakiusap ko sa kanya.

"Naku! Naku! Kung hindi lang kita bestfriend, inuntog na kita sa pader eh. Anyway get well as soon as possible. I'll set up the meeting on Thursday, so get ready. Weather you like it or like it pupunta ka, ok?" sabi ni Niel.

"Yes! Boss! Handle it for me please." sabi ko. Tsaka ako lumabas ng pinto at tuluyan na ngang umuwi.

Nagtext ako kay Yzza bago ako tuluyang umuwi.

"Hon, I'm on my way home. Nasa bahay ka ba?" tanong ko.

"May pasyente ako hon eh. Urgent kaya pinuntahan ko kaagad. Sige uwi ka na, pero baka matagalan 'to ah. May pagkain naman dun. Ingat." sabi nya. Hindi na ako nagreply at tuluyan na nga akong umuwi.

Nang makarating ako sa bahay ay agad kong hinubad lahat ng saplot ko sa katawan. Nagtungo ako ng banyo at binuksan ang shower. Sinalubong ko ng aking mukha ang tubig na mula sa shower at pumikit. Kinuha ko ang sabon tsaka ko ito ikinuskos ng mabuti sa aking katawan. Pakiramdam ko ay napakarumi ko kaya halos tunawin ko ang buong sabon sa balat ko. Napaupo ako sa sahig ng banyo. Napatungo ako at nag-umpisa akong maluha.

"Tangina! Anong ginawa ko!" sabi ko sa isip ko. At muli akong nag-umpisa sa pagkuskos ng sabon. Mas madiin at may halong galit sa sarili. Halos iuntog ko ang ulo ko sa pader. Hindi ko lubos maisip na bumigay ako sa tukso. Bumigay ang pagkalalake ko. "Tangina!"

Nang matapos akong maligo ay agad akong nagbihis. Napatingin ako sa salamin. Tinitigan kong mabuti ang mukha ko. "Tangina! Ang dumi dumi mo!" sabi ko sa sarili ko. Pero maya maya pa ay muli na namang bumalik ang alaala ng mga nangyari kani kanina lang. Parang nakikita ko sa salamin si Lyndon at niyayakap ako. Muli akong napapikit at inimagine ang init ng hininga nya sa tenga ko. Ang init ng katawan nya. Ang braso nyang bumabalot sa katawan ko.

"Dad! Your home?" bigla akong bumalik sa aking ulirat nang marinig ko ang boses ni Dalton.

"Hey! Buddy" bati ko sa kanya.

"Akala ko nasa trabaho ka. Kaya hindi ka makakapunta sa school meeting. Wala tuloy nakipag meeting, even mom." sabi nya.

"I'm sorry buddy, maybe next time. I'm not feeling well." sabi ko.

"We got a family day this Friday. Punta kayo dad please, nakakahiya sa mga classmates ko." sabi nya.

"Ok baby, I promise pupunta ako." sabi ko

"Sure?!" tanong nya.

"You have my word."

"Okey. Aunt Elise, you can go home now. Nandito na po si daddy." sigaw ni Dalton sa kapatid ng asawa kong si Elise. Palagi syang pinakikiusapan ni Yzza na magpunta dito para magbantay sa mga bata kapag walang available samen ng asawa ko.

"Ok, finish your homework. Magpapahinga lang ako ah." sabi ko kay Dalton

Matapos ang pag-uusap namen ng anak ko ay agad syang lumabas ng kwarto. Pahiga na ako ng kama nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Hindi ko sana titignan dahil baka si Niel lang ang nagtext at maga-update. Pero tinignan ko na lang dahil bigla kong naalala si George Greenwood.

Totoong mababago nya ang buhay ko. At parang nanghihinayang ako dahil hindi ko sya tinawagan kanina. Kaso, wala talaga ako sa mood.

Nang tignan ko ang phone ko ay agad kong nakita na may nagsend ng MMS. Binuksan ko ang message at tumambad saken ang imahe ng isang artwork.

"What?! Si Lyndon?" tanong ko sa sarili. Hindi ko alam kung bakit alam nya ang number ko. Pero nasagot ang tanong ko sa sunod nyang itinext.





Itutuloy sa susunod na pahina.

ROMANTIC STORIES (Pinoy BoyXBoy Experience)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon