Darren & Lyndon 14

1.6K 27 7
                                    

"Oo mamahalin ka na ng mga magulang mo doon, sigurado ako. Doon, ikaw lang ang mamahalin ko. Doon hahanapin kita. Doon hindi ko na lolokohin ang sarili ko. Pero sa pagkakataong ito Lyndon, patawarin mo muna ako please." sabi ko at nakita ko na naman ang marahang pagguhit ng ngiti sa kanyang mukha.

"Thank you Darren." bulong nya saken bago sya tuluyang binawian ng buhay.

Tahimik.

Sobrang tahimik.

Nakabibinging katahimikan at tanging pigil kong hikbi lamang ang aking naririnig.

Yakap kong mahigpit ang katawang may mabuting kaluluwa. Na walang ginawa kundi ang mahalin ako.

Ang katawang nagapi ko sa isang napakatinding labanan.

Natalo sya.

Ngunit ang pagkatalo nya ay nangangahulugan din nang pagguho ng itinatagong kong mundo.

Niluwagan ko ang pagkakayakap sa katawang pinaslang ko. Tsaka ko tinitigan ang mala-anghel nyang mukha nang makita ko 'yun.

Nang makita ko 'yun tsaka ko lang naramdaman ang markang idinulot nya sa puso ko. Markang nasisiguro kong hindi na matatanggal kahit kelan.

Napatingin ako sa katawan ni Lyndon at nakita ko ang punyal na ginawa nya na sya ring pumatay sa kanya.

Itinarak ko sa kanya ang punyal nung sandaling yakapin ko sya ng mahigpit. Nung yakapin ko sya. Nung yakapin ko sya naramdaman ko ang matinding pagmamahal na ibinibigay nya saken.

Ang pagmamahal na hindi ko kayang masuklian.

Hanggang sa mga huling sandali ay hindi sya nagreklamo.

Ang taong ito na ipinagkaloob saken ng kapalaran upang parusahan ako. Sya ang perpektong parusa na natanggap ko para sa mga karumal dumal na kasalanan ko.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang alingaw ngaw na nanggagaling sa sasakyaan ng mga pulis sa labas. Pumasok muli si Yzza sa workshop at nilapitan kami ni Lyndon.

"Darren?!" patanong nyang tawag saken

"Patay na sya Yzza. Patay na sya. Pinatay ko sya Yzza!" sabi ko sa kanya

"No honey, it's a self defense right?! Ginawa mo 'yun para saken tama?!" tanong ulit nya.

"No Yzza, wag mo nang hanapan ng alibi ang krimeng nagawa ko. It's not for you. I didn't do it for you Yzza. I love him so much that I could kill him. Ayoko nang masaktan pa sya nang dahil saken. Yzza, pagbabayaran ko sa batas ang ginawa ko." sabi ko at marahan syang naglakad upang ako ay yakapin.

"Papano kami Darren?" tanong nya

"Kunin mo lahat ng pera ko sa bangko. Magsimula kayo ng bagong buhay Yzza. Bagong buhay at kung sakali mang mabigyan pa ako ng pagkakataon dito. Babalikan ko kayo, kaya sana. Kaya sana kung makakapaghintay ka.. . . . " sabi ko

"Of course honey. Hihintayin kita, hihintayin ka namen ng mga anak mo." paniniguro nya

"Salamat."

---

Kung pagmamasdan ng iba ay nakasisiguro akong iisipin nila na gumagawa ako ng lusot para hindi ko maramdaman ang konsensya. Pero ito na lang kasi ang paraan ko para hayaang makaganti man lang si Lyndon saken.

Napakarami kong kasalanan sa kanya.

Dahil sa pagiging makasarili ko ay halos nasira ko na ang buhay nya at ang buhay ng pamilya ko. Ayos lang sana kung ako lang. Matatanggap ko pa iyon. Pero ang katotohanang isa akong kriminal ay habang buhay ko nang magiging tatak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ROMANTIC STORIES (Pinoy BoyXBoy Experience)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon