Darren & Lyndon 9

1.3K 17 0
                                    

Papalabas na ako ng pinto ang bigla nyang isinigaw na "Our love is forever!" pero tumuloy lang ako palabas at hindi sumagot. Narinig ko na lang ulit ang pagsasalita nya na "Always has been. Always will be." sya na mismo ang nagtuloy ng mga dapat kong sabihin.

Nakalipas ang ilang araw matapos naming pag-usapan ng asawa ko ang tungkol sa couples counselling ay agad ko nang kinalimutan ang tungkol dito. Wala. Hindi nya ako maintindihan. Ewan. Hindi ko kayang ayusin mag-isa 'to. Kung patuloy lang akong mag-isa sa problemang 'to ay hindi ko alam kung papano ang gagawin. Unang beses ko magloko. At sa isang bagay pang matagal nang pinangarap ng pagkatao ko. Puta! Ang hirap! Nakakabaliw. Ni hindi ko alam kung papano ko man lang iiwasan ang tukso kahit isang araw man lang.

Talagang nabuburyo nako. Gusto kong huminga kahit sandali. Para akong nasasakal na ewan. Gusto ko munang kalimutan na meron akong problema. Gusto kong kalimutan muna, na mali ang ginagawa ko. Iisipin ko munang tama ito, kahit sandali lang. Makahinga man lang ako.

"Wow! That was great!" sabi ko kay Lyndon. Nasiyahan ako sa ginawa namen. Pero napansin kong parang hindi sya masaya. "Hey, babe may problema ba?" tanong ko sa kanya sabay lumapit ako sa kanya para halikan sya.

"Ah wala, I'm ok." sagot nya

"Okey? Bakit parang namatayan ka dyan sa itsura mo?" tanong ko ulit.

"Babe, I'm ok. I'm trying. Ahm. I mean I'm not ok. I'm not Darren." sabi nya na lalong sumambakol ang mukha

"Anong problema? Sabihin mo saken." tanong ko

"I think we need to talk." sagot nya

"Talk about what?" tanong ko ulit.

"About what's happening. About everything. About us." sabi nya

"What do you mean?"

"Leave her." halos pabulong nyang salita na dinig ko naman. "Leave your wife. Let's live together." paglilinaw nya

"Ah. I can't" sagot ko

"You can't? Tell me why the hell not?"

"I can't Lyndon." sabi ko

"Tell me why? I want to know."

"Because Yzza is my life." sagot ko sa kanya

"Yeah that's why you're always here with me every chance you get." sabi nya

"Lyndon. I'm married before we met and you know that. So what do you expect?" sagot ko ulit

"I'm not expecting anything. And I don't know what to expect. I didn't expect to fall in love with you in a day. What the hell you want me to do? I believe you've thought about it." sabi nya.

"I just can't Lyndon. I got two kids and I love my wife. I have a family that's why I can't" sabi ko sabay agad akong nagbihis at bumaba ng hagdan. Pero napahinto ako nang makita ko ang painting na ginawa nya. Ang painting na magkayakap kaming dalawa. Parehong masaya. Naramdaman ko na lang na nakasunod sya sa likuran ko.

"Ako rin Darren. Gusto ko rin ng matatawag na pamilya. I want to have a family.... with you." sabi nya. Halos madurog ang puso ko sa sinabi nya. Kung nakilala ko lang sana sya ng mas maaga. Kung dumating lang sya sa tamang panahon. Sana... sana... baka sakali... Sya ang mundo ko. Pero hindi. Hindi ganun ang nangyare kaya kailangan kong tiisin 'to. Ayokong sirain ang pamilya ko dahil dito.

Hindi ko inaasahan na bigla na lamang magbabago ang rules sa pagitan naming dalawa. Akala ko kasi ay pupwedeng ganun na lang kami. Pero bakit biglang nagbago ang isip nya. Sa ginagawa nya ay lalo lang akong nahihirapan. Mahal ko si Yzza at hindi ko rin maitanggi na may nararamdaman na rin ako kay Lyndon. Ang gulo, kung pupwede lang sana ako mamili. Pero ayokong may mawala sa kanila. Natatakot ako.

Nagkasala na ako ng tuluyan. Noong una, ang pagkakamali ko lang ay ang hanapin ng katawan ko si Lyndon. Pero ngayon, puta! Pati puso ko hinahanap na sya. Anong gagawin ko? Hindi pupwede 'to.

Pumunta ako sa gaybar at doon naghanap ng lalake para pampalipas oras. Sinisiguro kong katawan ko lang ang naghahanap at hindi ang puso ko. Gusto kong maging malinaw saken na mahal ko ang pamilya ko at walang ibang makakaagaw nito. Kung katawan ko lang, masusolusyunan ko ito. Sa pamamagitan nito. Sa ganitong paraan makakaiwas ako sa mas matindi pang pagkakamali.

Naghanap ako ng lalakeng mas gwapo at mas matipuno kesa kay Lyndon. At dito ko nakilala ang isang lalake. Naka-table ko sya at pinilit kong ibaling sa kanya ang isip ko. Pinilit kong kalimutan ang naging usapan namen ni Lyndon. Nakipagkwntuhan ako dun sa ka-table ko at nauwi ang lahat sa sex. Pero walang nangyare. Hindi nya nagawang burahin ang imahe ni Lyndon sa isip ko. Tangina! Nawawala nako.

Pumasok ako sa trabaho nung sumunod na araw. Medyo bangag dahil sa hang-over. Pero pinilit ko dahil ilang beses na akong tinatawagan ni Niel. Nasa loob ako ng aking opisina nang biglang maimagine ko si Lyndon. Napahiga ako sa lamesa ko at inisip ko ang mga nagdaan sa aming dalawa. Ewan. Nakakainis dahil hindi ko man lang magawa na alisin sya sa isip ko. Tuwing dadalawin nya ang diwa ko ay para akong nanghihina at hindi ko magawang paglabanan.

"Boss?! Boss?! Hoy! DARREN!" sigaw ni Niel "Ayos ka lang ba? San ka ba naglalage? Nagleave ka, wala ka man lang paramdam. Andami mong namiss na trabaho." sabi ni Niel

"Ayos lang ako." sagot ko.

"Ah, you need to call Ral Go. Hinahanap na nila yung artist na ie-endorse mo sa kanila. At paalala lang, be polite dahil medyo masama na ang mood nila." paalala ni Niel.

"Bakit? Superior tayo, hindi sila pwedeng umasta na parang boss! Wala silang karapatang ipressure ako." sabi ko kay Niel na medyo masama ang dating ng boses

"May point sila kaya sila ganun! Last month pa nila hinahanap yun dahil ang sabi ng boss ko na kaharap ko ngayon, ipapadala nya two weeks before yung artist sa launching ng bago nilang brand. Pero ilang beses na nilang naipostpone yung launching kasi, wala silang magamit sa advertisement. Kung ako man yung nasa kalagayan nila eh BAKA BINASAG KO NA LAHAT NG SALAMIN SA BUILDING NA TO. You know what?! May sarili silang buhay at may pamilya silang kailangan palamunin. Pero yung trabahong inaasahan nilang magpapakain sa kanila eh nakatengga dahil sa boss kong mukhang may HANGOVER NGAYON!!!" sigaw ni Niel saken at hindi ko man lang nagawang makasagot. Pagkatapos nyang sabihin ang gusto nyang sabihin ay agad itong tumungo sa pinto sabay taklab.

Natauhan ako sa mga sinabi ni Niel. Kaya naman agad akong gumawa ng paraan para matakpan ang kapalpakan ko. Wala na akong iba pang maisip na makakatulong saken kundi si Lyndon, kaya naman agad ko syang pinuntahan.

Nakarating ako sa bahay ni Lyndon. Agad akong umakyat para hanapin sya. Pero ilang beses na akong kumatok ay walang sumasagot. Hinanap ko sya sa buong bahay pero hindi ko sya makita.

Lumabas ako at tiningnan ko doon sa kabilang workshop at nang makarating ako doon ay may narinig akong hiyaw ng isang babae.

Agad akong napatakbo dahil sa narinig ko.

At nang makarating ako doon ay... Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita ko. Putcha! Si Lyndon, may kasex na babae. Buhat buhat nya ang babae at hawak hawak sa pwetan nito habang binabayo nya.

Tangina! Parang pinipiga ang loob ko sa nasaksihan ko. "Tangina talaga!!!" sigaw ko sa isip ko.






Itutuloy sa susunod na pahina.

ROMANTIC STORIES (Pinoy BoyXBoy Experience)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon