Darren & Lyndon 6

1.7K 29 0
                                    

"What?! Si Lyndon?" tanong ko sa sarili. Hindi ko alam kung bakit alam nya ang number ko. Pero nasagot ang tanong ko sa sunod nyang itinext.

"Pasensya ka na ah. Hindi ko kasi napigilan eh. Kinuha ko yung number mo dun sa assistant mo. Sabi ko urgent kaya ibinigay nya kaagad. Namiss kita kaagad Darren" sabi sa txt. Hindi ako nagreply. Inilock ko na lang yung screen ng phone ko tsaka ako tuluyang nahiga. Nakaramdam na naman ako ng kaba dahil sa text nya. Ayoko na pero parang may kung ano sa loob ko na nagsasabing ipagpatuloy ko ito. Nakakatuwa sya. Yung atensyong ibinibigay nya saken parang gustong gusto ko.

Pinilit kong matulog ng hapong iyon. Pinilit ko ring alisin sa isip ko si Lyndon dahil maling mali talaga. Pero tangina! Kahit sa panaginip ko nakikita ko sya. Yung mapang-akit nyang mga mata. Yung boses nya. Ewan!

Pumasok ako sa trabaho kinabukasan. Inayos kong mabuti ang takbo ng isip ko. Kailangan ko nang ihinto ang kalokohang ito habang maaga pa.

Pagdating ko sa opisina ay agad kong hinanap si Niel.

"Niel nasaan yung contract ni Mr. Lyndon Ramos?" tanong ko sa kanya.

"Heto na, ahm sya nga pala. Yung meeting kay Mr. George Greenwood is on Thursday at 7pm sharp ok? I made the reservation sa mamahaling restaurant. Hey! Are you listening?"

"Oo, yung kontrata akin na." sabi ko.

"Darren, importante 'to kaya puntahan mo ok?" paalala ni Niel sa meeting.

"Oo, don't worry." sabi ko. Lumabas na si Niel ng office pagkatapos maibigay saken ang kontratang pinirmahan ni Lyndon. Pagkatapos ay pinunit ko ito at isinulat ko sa likod ng papel ang linyang "I'm sorry I cant do this. I'm cancelling your contract. I'm really sorry." sabi ko sa sulat tsaka ko ito inilagay sa isang envelope. Pagkatapos ay tumawag ako ng isang messenger para ipadala ang document sa address ni Lyndon.

Hindi ko alam pero nung ibibigay ko na sa messenger yung document ay bigla akong nagdalawang isip.

"Ahm, no. Nevermind. I'll take care of this." sabi ko sa messenger at agad naman itong lumabas. Parang may kung anong pumipigil saken para gawin ito. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Gulong gulo na ako.

Thursday morning. Tinungo ko ang workshop ni Lyndon para dalhin sa kanya ng personal ang ikinansela kong kontrata. Gusto kong maipaliwanag sa kanya ng malinaw ang lahat. Gusto kong maintindihan nya ang nais kong mangyari nang hindi kami nagkakasamaan ng loob.

Pagdating ko sa workshop ay agad na akong pumasok. Kagaya ng dati ay nakabukas ang lahat, pinto man o gate.
Umakyat ako sa itaas ng workshop at pagdating ko sa pinto ay naka-lock ito.

"Hi" sabi ng isang boses sa likuran ko. Boses ito ng isang matandang babae.

"Ahm, hello po." Pagbati ko.

"Uhm, hinahanap mo si Lyndon?" tanong ng babae.

"Ah opo, may ibibigay lang po sana ako sa kanya." sabi ko

"Wala sya eh, umalis may isang oras na rin ang nakalipas. Saken mo na lang ibigay at iaabot ko na lang sa kanya." suhestyon ng matandang babae.

"Ah, medyo confidential po eh. Ako na lang po, ahm. Babalik na lang po ako." sabi ko

"Ok lang naman saken Darren, wala namang magiging problema." sabi ng babae

"Ahm, alam nyo po ang pangalan ko?" gulat ko sa itinuran ng matandang babae

"Oo, kilala kita. Sinasabi nya saken ang lahat ng tungkol sayo. Uhm, may gusto lang sana akong pakiusap. Medyo sensitive si Lyndon kaya sana wag mo syang sasaktan. Alaga ko na sya simula pa nung pagkabata kaya kilala ko na sya pati ang buong pagkatao nya. Ngayon lang sya ulit nagkaroon ng interes sa isang lalake. Kaya sana ingatan mo kung anomang relasyon meron kayo. Hindi naman sa nanghihimasok ako. Ayoko lang masaktan ulit si Lyndon." paliwanag nung babae.

"Ah hehehe. Uhm" hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya napangiti na lang ako. "Babalik na lang po ako sa ibang araw. May meeting pa po ako eh." paalam ko sa babae. Ngumiti naman ito at hinayaan na lamang akong makalabas ng pinto.

Papasok na ako ng sasakyan ko nang biglang may tumawag saken.

"Darren?!" sabi ng boses. At paglingon ko ay nakita ko si Lyndon na sobrang saya ng mukha.

"Mr. Ramos" tawag ko rin sa kanya. Nawala ang saya nya sa pagtawag ko sa kanya.

"I said, I don't like being formal. Lalo na pag ikaw ang kausap ko." sabi nya.

"Ahm, I'm sorry Lyndon. I, I, I can't do this anymore. I really love my wife and my kids. Hindi ko sila kayang lokohin." sabi ko. Bigla akong nalungkot sa itsura nya.

"Wala naman akong ibang hinihiling sayo ah. Alam ko naman yun. Hindi naman ako makasarili eh." sabi nya

"Thanks." sabi ko

"Thanks?" tanong nya

"Thanks for undestanding." patuloy ko.

"Ahm, give me a favor." pakiusap nya

"What favor?" tanong ko. At bigla syang lumapit saken at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Agad nya akong hinalikan. Hindi ko sya napigilan sa ginawa nya. Pero agad akong kumalas sa halikan namen.

"What the. . .." sabi ko.

"Darren, just give me one hour. I just wanna show you something." pakiusap nya

"Ahm." reaksyon ko.

"I wanna show you something special." sabi nya.

"I bet you do." sabi ko sabay ngiti.

"I'm not talking about that." sabi nya. "It's a work of art."

"What kind of art?" tanong ko

"Basta" sabi nya.

"One hour!" paalala ko sa kanya.

"Just one hour." paniniguro nya. "Ahm, turn around for me please." pakiusap na naman nya.

"What?! No." sabi ko

"Please, turn around and just relax." sabi nya at may kasamang pagpapacute. Tangina, ang hirap nya tanggihan. Tumalikod ako sabay bigla nya akong nilagyan ng blindfold. Dahan dahan nya akong isinakay sa sasakyan at tsaka nya ito pinaandar.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko

"Basta. Maghintay ka lang." sabi nya.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa aming pupuntahan. Nang huminto na ang sasakyan ay inakay nya ako pababa at agad na iniharap sa isang banda. Lumakad kami ng ilang hakbang at dahan dahan nyang inalis ang piring ko. Nasa loob kami ng isang sirang building. Walang ibang tao kundi kami lang. Tumambad saken ang isang painting na nasa isang pader. Imahe ito ng isang pamilya. Masayang pamilya.

"Wow! Angganda." sabi ko na may ngiti nang makita ko ang larawan. Napakagandang pagmasdan. Isang maliit na pamilya na sama samang kumakain. "Napakaganda ng pagkakagawa.Yan ba ang pamilya mo?" tanong ko

"Nope, that's the family I wanted. I painted it when I was eleven and I've never shown this to anyone before." sabi nya na talaga namang ikinamangha ko. Bata pa lang pala, magaling na syang magpinta.

"Uhm, nasan na ang pamilya mo?" tanong ko ulit.

"My mom ran away with another man. I was nine that time and I never saw her again." sabi nya.

"Aww." reaksyon ko.

"Nadepress ang daddy ko. Hindi nya nakalimutan ang nangyari. High school ako nun. Umuwi ako sa bahay galing ng school. Naabutan ko ang daddy ko na may hawak na baril. Iyak sya ng iyak nun habang nakatutok ang baril sa lalamunan nya. I wanted to stop him, but. . . .. It's too late, papatakbo ako sa kanya nang bigla nyang kalabitin ang gatilyo. Pumutok yung baril. Nang makalapit ako sa kanya, patay na sya. Kung. . .. Kung dumating lang sana ako ng mas maaga. Sana hindi nangyari yun.. .. Kung naging mas mabuti sana akong anak, sana.. . sana.. Minahal nya ako at kinalimutan nya na lang si mommy.. Galit saken ang daddy ko nun. Madalas nya akong saktan dahil nakikita nya raw ang mukha ni mommy saken. Kapag nalalasing sya, pinagsasamantalahan nya ako. Pupumapayag ako para.. para.. hindi na sya malungkot.. Para makalimutan nya na si mommy. Pero tuwing mawawala na ang kalasingan nya.. Nagagalit sya ulit saken at sinasaktan nya na naman ako.. Simula pagkabata, naghahanap na ako ng atensyon. Sabi ko sa sarili ko, balang araw may magmamahal din saken.. Mamahalin ako ng buo.. Yung ako lang.. Matitikman ko yung pagmamahal na hindi nagawang ibigay ng mga magulang ko.. Kaya. Kaya nung makita kita. .. Kasi akala ko, kaya mo rin akong mahalin.. Darren, kahit.. kahit may kahati ok lang saken.. Kahit konti lang. Mahalin mo ako, kahit katiting." kwento nya habang nakatulala at umaagos ang luha sa kanyang magandang mga mata. Lumingon sya sa kinalalagyan ko at tumitig saken ng diretso.

"Lyndon." tawag ko sa pangalan nya. Naawa ako sa kanya ng sobra.

"Darren, hindi ko alam kung papano hihinto. Alam kong mali itong ginagawa ko, pero pppero Darren, gusto talaga kita. Nung unang araw pa lang na makita kita, gusto na kita. Hindi ka na maalis sa isip ko. Darren, please." pakiusap nya.




Itutuloy sa susunod na pahina.

ROMANTIC STORIES (Pinoy BoyXBoy Experience)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon