Chapter 6

94 5 0
                                    

VOTE. COMMENT. BE A FOLLOWER!

----------

Chapter 6

Kagaya nang mga araw na sinasama kong lumabas si Loki nakapako nanaman ang tingin ng mga babae sa kanya. Kung pinagsuot ko kaya siya ng basahan pagtitinginan pa din siya ng ganyan? Malamang oo, kasi ang gwapo niya talaga. Halatang hindi siya galing sa mundong ito.

Possessive na kung possessive pero kumapit ako sa kanya at inihilig ko yung ulo ko sa balikat niya habang tinutulak niya yung cart namin. Hindi naman na siya nagreklamo. Sana lang wala kaming makasalubong katulad nalang ni Dylan. May nararamdaman ako para kay Loki pero alam kong hindi pa ito ganun kalalim. Siguro nga ay masyado pang mabilis dahil ilang linggo palang naman siyang nasa puder ko kahit na may nangyari na sa amin.

“Kumpleto na ba ito?” Chineck ko yung laman ng cart namin. Punong-puno na ito. Good for two weeks na yung pinamili namin pero syemre yung mga siguradong hindi magtatagal ay hindi muna namin binili dahil baka masayang lang ito. Yung mga ready-to-eat foods ang marami kaming binili para naman may magagawa siya sa tuwing wala ako.

----------

“Bakit mo ginawa iyon, Odin!!!” Bulyaw ng isang babae. Tiningnan lang siya ni Odin. Sinenyasan niya ang mga alagad niya na iwan muna sila ni Spyca. “Hindi mo ako kailangang sigawa, Spyca.” Iniayos niya ang kanyang pagkakaupo sa kanyang trono. Galit na galit si Spyca nang nalaman niyang ipinadala ni Odin sa lupa si Loki. “Bakit mo ginawa iyon sa mahal ka?” Lumuluha na siya ngayon pero hindi naman iyon ikinabahala ni Odin.

“Para sa ikabubuti ni Loki iyon, Spyca. Kung tunay mo nga siyang mahal ay alam mo na mas makakabuti sa kanya ang manatili pansamantala sa lupa.” Umiling-iling si Spyca. “Hindi mo naman kailangang gawin iyon!! Bakit mo hinayaang malayo siya sa akin?” Napangisi si Odin. “Lumabas din ang totoo Spyca. Kaya ka nababahala ay dahil baka may makita siyang mortal na mamahalin niya ng tunay.”

“Mahal ako ni Loki.” Matigas na sabi ni Spyca. Napailing nalang si Odin. Pinili niyang huwag pakinggan si Spyca. Nais niyang matuto si Loki na maghirap upang makuha ang gusto niya at upang hindi gamitin ang kapangyarihan niya sa pananakit sa kanyang kapwa. Iyon ang dahilan kung bakit pinadala siya sa lupa. Naging masama si Loki sa Midgard at karamihan ay humahanga dito dahil kanyang angking kakisigan ngunit kalakip nito ay takot. Takot para sa kanilang buhay dahil kayang-kaya sila nitong paslangin sa isang angat lang ng kanyang daliri.

Tiningnan ni Odin ang kristal na nakapatong sa gilid ng kanyang trono. Doon niya nakikita ang mga ginagawa ni Loki sa lupa. Mukhang nagbabago ka na, Loki. Pero nababahala siya. Ang kondisyon kasi upang makabalik siya sa Midgard ay ang kanyang pagbabago at ang tunay na pag-ibig ng isang mortal. Sa tuwing lumilipas ang araw na hindi niya nagagawa ang dalawang kondisyon ay nanghihina ito.

Tinitigan niyang mabuti si Loki. Alam niyang unti-unti nang nanghihina si Loki kahit na hindi pa ito ramdam. Nag-aalala siya dahil ang kasamang mortal ni Loki ay hindi pa buo ang pag-ibig nito. Gagawa nalang ako ng hakbang kapag kinakailangan na. “Susundan ko si Loki.” Saad ni Spyca. Naituon ni Odin ang kanyang atensyon sa babaeng kaharap niya. Alam niyang desidido ito sa gagawin at kahit anong pigil niya ay hindi siya magtatagumpay na pagbawalan ito sa pakikielam.

“Bahala kang gawin kung ano ang gusto mo pero binabalaan kita na hindi makakatulong kay Loki ang pagsunod mo sa kanya. Hindi kita tutulungan sa pagpunta mo sa lupa.”

Gagawa ako ng hakbang kapag wala na sa ayos ang lahat.

----------

“You seem so distracted.” Hinawakan ko ang pisngi ni Loki pero hindi pa din siya tumitingin sa akin. Sa iba nakatuon ang atensyon niya. Napa-pout nalang ako. “Ang gwapo naman ng boyfriend mo, Gabrielle.” Sinerve sa amin ni Helga yung mga in-order naming frappe at pastries. Helga is my upperclassman at school before. Ngayon ay graduate na siya ng accountancy pero hindi pa siya nagte-take ng board exam. She decided to focus on her family’s business at eto nga iyon, yung coffee shop nila. Madalas ako dito mag-stay. They have the best products in town. “I know. Wag ka lang maingay kay Dylan. Sasabihin ko din naman sa kanya eh pero sa ngayon ay hahayaan ko munang ma-develop yung feelings ko para sa kanya.”

Helga knows everything. Nagulat ako nung hindi siya nagulat sa kwento ko. Doon ko nalaman na fascinated pala siya sa mythology at hindi daw siya makapaniwala na nasa harapan niya ang god of chaos na si Loki.

Kanina ko pa napapansin si Loki na titig na titig siya sa mga ginagawa nung mga waiter at barista na nasa lugar. Para bang aliw na aliw siya sa mga iyon. Tiningnan ko naman kung ano ang ginagawa nung mga staff ng shop pero wala namang espesyal sa mga ginagawa ng mga iyon. I checked his face again. Mukha ngang ligalig na ligalig siya sa mga nakikita niya.

“Bakit parang interesadong-interesado ka sa mga ginagawa nila?” Nacu-curious ako sa pinaggagawa nitong god na ito. “Nasisiyahan kaya sila sa ginagawa nila?” Tanong ang ibinalik niya sa akin. I woul assume that he is interested in what those people are doing. “Why don’t you try?” I raised my brows as I drink my frappe. “Pwede?” Para siyang batang nanghihingi ng permiso mula sa kanyang magulang kung pwede ba siyang maglaro sa playground. That so-called playground of his would be this coffee shop. “Nasa iyon na iyon. Gusto mo ba?” Tumango-tango siya na parang bata. Gosh. Gusto niyang maging waiter?

----------

Bored na bored ako dito sa unit ko. Wala na si Loki. Pinalayas ko na. Aish. Desidido talaga siyang maging waiter. Psh. Kaya lang naman siya siguro tinanggap kaagad ni Loki ay para dumami pa lalo ang mga customers na pumupunta doon palagi. Sa gwapo ba naman ni Loki, sino ang hindi mama-magnet doon?

I was busy scanning my notes for any assignments that I missed doing when my phone rang. I checked the caller ID. Dylan.

“Hello?” Bungad ko. “Hey Gabe…” I heard his voice from the other line. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayong tumawag siya sa akin. Alam ko kasi sa sarili ko na may kasalanan ako sa kanya kahit na hindi naman talaga kami magka-relasyon. He is just my suitor pero we’ve done things beyond that. “Napatawag ka, Dylan.” I made my voice as normal as I can. I don’t want him sensing something. Hindi pa ako handa. “Pinauwi tayo ng maaga. Hindi mo man lang ako nahintay na lumabas ng room. Sasabay sana ako sa iyo umuwi.” I sighed. Nagmadali ako kanina kasi sigurado akong aayain niya ako na pumunta sa kung saan.

“Sorry. Nagmamadali kasi ako kanina. May kailangan kasi akong gawin.” Excuses ko. I heard him chuckle at the other line. “Alright Gabe… then I’ll just see you tomorrow. I just called to check if you’re okay.” There was a pause before he spoke again. “I love you Gabe…” Then the line went down. I dropped my phone beside me and I lied down.

Feeling ko napakasama kong tao. I’m torn between a person whom I knew for a long time already and a god whom I only knew for a very short time but already had a big impact on me. Jeesh. What a life! Nakakapagod. Tiningnan ko yung oras. Aish. Ang aga pa!

I got my phone and dialed Helga’s number. “Hello there.” Bungad niya. I rolled my eyes. Bakit parang medyo nakakaasar yung boses niya ngayon? Hindi ako sumagot. Bakit nga ba ako tatawag? “Alam ko na ang reason mo. Gusto mong kamustahin ang boyfriend mo? Well. Pinagkakaguluhan lang naman siya ng mga customers dito. Thanks to him tumaas ang sales namin ngayon. Don’t worry. He’s doing fine. Mabilis siyang matuto.” Alam ko naman na magiging okay lang siya dahil sa bilis niyang matuto ng kahit na anong bagay. Napatunayan ko na iyon. What caught my attention is that… girls are drooling for him.

“Pinagpepyestahan siya ng mga pugita? Ghad. Helga! Do something. Sa kitchen mo siya dalhin.” The fact na kung sinu-sinong pugita ang tumitingin sa kanya… ghad. Naiimbyerna ako. “No. Di ko pwedeng gawin iyon. Lucky charm namin siya. Lalo pa na marunong pala siya mag-piano.” Napataas naman ang kilay ko. Hindi ko alam na marunong pala mag-piano si Loki. Mas nauna pa siyang napanood ng mga pugita kaysa sa akin.

“Mayaman naman kayo Helga. No need for high sales. Malakas naman kita niyo ah?” Tinawanan lang niya ako. Dinig na dinig ko sa kabilang linya. “You’re just jealous.” I rolled my eyes. Bakit ako magseselos sa mga pugita? “Bahala ka.” Tawa pa din siya nang tawa sa kabilang linya.

“Ibababa ko na ito.” Anunsyo ko. “Wait…” Pinigilan niya ako. “Oh? May kailangan ka pang sabihin?” Pagtataray ko.

“Why don’t you visit him here?”

To be continued.

My Chaotic PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon