Chapter 7

138 6 2
                                    

A/N:

Medyo depress ako sa nangyari kahit na rumours palang ang lahat at wala pang confirmation pero kahit ano pa ang mangyayari, susuportahan ko sila. Hindi lang naman isang tao ang mahal ko kundi lahat sila. Kahit na magkahiwalay man sila, fan pa din nila ako.

Si Kris pa din ang imaginary character ni Odin. Walang magbabago.

EXO Fighting!

----------

Chapter 7

This week has been stressful to me. Unang-una sa dahilan ng stressful week na ito ay si Dylan. I talked to him already about Loki. Well, hindi ko sinabi ang pangalan pero sinabi ko na I’m seeing someone else. Hindi ko din sinabi sa kanya yung tungkol sa totoong identity ni Loki dahil una, hindi siya naniniwala at isa pa… it’s too amazing to be true. Ako nga hindi pa din ako makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito sa akin pero ganun talaga. Ako ang binisita ng god of chaos.

Pero nakaka-stress talaga siya dahil sinabi niya sa akin na wala daw kaso sa kanya iyon kasi hindi siya titigil. Hindi ko din naman siya masisisi kasi matagal na niya akong nililigawan. Dapat nga magalit siya sa akin kasi sa isang iglap ay pinapatigil ko na siya sa kabila ng lahat ng mga nagawa na niya para sa akin.

“I’ll make you crawl back to me, Gabrielle and that new guy of yours will go down.”

Iyan ang mismong sinabi niya sa akin nung kinausap ko siya nung minsan. Nakaka-stress. Kaya napagdesisyunan ko na alisin ang stress ko sa pagsama ko kay Loki dito sa coffee shop. Well. I know na nakaka-stress tingnan yung mga hipon na babaeng nagkakandarapa sa kanya pero kapag siya naman ang nakikita ko ay gumagaan ang pakiramdam ko.

Pinatigil ko na nga sa panliligaw sa akin si Dylan pero sunod pa din siya ng sunod sa akin. This is the side of him that I had never known. Kaya nga masasabi ko na hindi pa pala sapat ang mahabang panahon ng panliligaw para makilatis mo ng maigi ang isang tao. Bigla kasi siyang nagbago. Yung pagiging sweet niya at caring ay napalitan ng isang ugali na mapilit. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin ko. There’s still a part of me na may gusto sa kanya. Hindi ko naman maiaalis sa akin iyon agad-agad lalo na’t minahal ko din naman siya. Malapit ko na nga siya dapat sagutin pero may ipinadala sa aking bagong tao.

“Ano pa gusto mong kainin?” I smiled at him. Sumenyas ako na okay lang ako. Marami-raming pagkain din ang in-order ko. Balak ko kasing mag-stay dito. Good thing may wifi dito kaya dinala ko nalang yung laptop ko para magawa ko yung isang paper work ko na malapit nang mag-due. Ka-stress maging college student. Sa gitna ng paggawa ko ng trabaho ay napatitig ako kay Loki na nakasuot ng uniform ng coffee shop. Kahit ano talagang ipasuot sa kanya ay bumabagay sa kanya. Napangiti nalang ako. Susubukan kong buuin ang pagmamahal ko sa kanya. Unti-unti na akong nahuhulog sa kanya pero nasa sistema ko pa din si Dylan kaya gagawin ko ang lahat para mapunta ang puso ko nang buong-buo kay Loki.

Mukhang nage-enjoy siya sa pagtatrabaho dito. Mas okay na din siguro na nakakalabas-labas siya at hindi yung nakakulong lang siya sa condo unit ko. Naubusan na din naman kasi siya ng gagawin doon. Nabasa na niya lahat ng mga libro ko doon. Wala na siyang pwedeng pag-aralan.

“Buti naman at naisipan mong bumisita dito at hindi yung tawag ka ng tawag sa akin maya’t maya.” I looked up and saw Helga. “Go away Helga. Busy ko.” I tried to focus on my work pero wala talaga doon ang atensyon ko. Naaaliw ako masyado manood kay Loki na magtrabaho. “Mukha nga. Busy ka sa pagtingin sa kanya.” Nginuso pa niya si Loki. I rolled my eyes. Nandito lang ito para tuksuhin ako. “Kung wala ka nang ibang matinong sasabihin, go away.”

“Sungit mo naman Gabrielle. So ano masasabi mo?” I sighed. “Saan ba ako dapat magkomento, Helga?” I asked. “Kunwari ka pa eh.” Inirapan ko siya. Ginugulo lang ako nitong babaeng ito. “Dun ka na nga Helga. Leave me alone.” Tumatawa-tawa pa siya habang tumatayo. Kainis.

----------

“Hindi ka ba nabagot? Sorry. Matagal ako.” Malungkot ang mukha niya habang sinasabi niya iyan. Ang cute niya talaga. “Don’t worry. Masasarap naman yung mga kinain ko tsaka dito ako gumawa ng assignments ko.” Sa awa naman eh natapos ko lahat kahit na sobrang distracted ako nung gumagawa ako. Hindi ko kasi maiwasan na hindi mapatingin kay Loki.

Tapos na yung shift niya at naglalakad na kami pauwi. Trip naming maglakad lang. Hindi naman kasi masyadong mainit ngayong hapon. Mahangin naman. Siya ang may bitbit ng gamit ko. Sa mga nababasa kong literature tungkol sa Norse mythology, hind basta-basta si Loki pero ngayon akalain niyong napagdadala ko pa siya ng mga gamit ko. Nakakatuwa naman.

Nasa tapat na kami ng building kung saan kami nakatira nang may tumawag sa akin. Paglingon ko, nandun si Dylan na nakasandal sa sasakyan niya. Ano ginagawa niya dito? Pero may na-realize ako. Shiz. Kasama ko nga pala si Loki. Hangga’t maaari ay ayaw kong magkita sila pero mukhang hindi ko na maiiwasan iyon ngayon.

“Gabe, let’s talk. Please.” He said in a pleading tone. I looked at Loki pero iniwas lang niya yung tingin niya sa akin. He let go of my hand. “Sa taas nalang kita iintayin.” He whispered at saka naglakad palayo sa amin. Nakatulala lang ako sa kanya. “Gabe…” Dylan held my hand and dragged me inside his car.

“What do you need?” I heard him heave a big sigh. “Iyon ba ang ipinalit mo sa akin, Gabe?” I raised my eyebrows. Hindi ako nagsalita. “Yung pinalit mo sa akin, isang waiter lang sa coffee shop ni Helga?” o Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Ano bang gusto mong iparating ha?” Naiinis ako. Iniinsulto ba niya si Loki? Kung alam lang niya.

“I know you well Gabrielle. Hindi ka basta-basta pumapatol sa mga hindi natin kapareho. Ano bang ipinakain niya sa iyo at mukhang gustong-gusto mo siya? Ginayuma ka ba niya, ha? Sabihin mo!” Medyo tumataas na yung boses niya. “Wala ka nang pakielam dun Dylan. I made you stop para hindi ka na masaktan.”

“Ano? Dahil nahuhulog ka na sa kanya? Gabe, mahabang panahon ang ginugol ko sa iyo. Mahal na mahal kita alam mo iyan.” Parang desperado na ang tono niya. “Tell me Gabe, minahal mo ba ako?” He asked. I know in myself na mahal ko siya pero… na-infatuate siguro ako kay Loki. “Mahal na mahal kita Gabrielle. Hindi ako susuko. Akin ka.” He kissed me. Ghad he was kissing me already.

And I found myself responding to his kiss.

After that kiss that almost made me out of breath, he smiled at me. “Ako ang mahal mo Gabrielle.” He stated. “W-what made you say that?” I stammered. “Nag-respond ka sa halik ko. Kung hindi na talaga ako ang gusto mo, itutulak mo ako palayo sa iyo pero you did the opposite.” Hindi na ako nakapagsalita. Binuksan ko yung pintuan ng sasakyan niya pero bago ako makalabas ay nagsalita muna siya. “I’ll see you tomorrow. I love you…” Sa hindi ko malamang dahilan ay napatango nalang ako.

Mali ba ang naging pag-iisip ko? Si Dylan nga ang mahal ko pero ano yung nararamdaman ko kay Loki? Infatuation? Lust? Naguguluhan ako.

Pag-akyat ko ay nakita kong tulog na tulog na si Loki doon sa may sofa. Mukhang hinintay niya ako pero natagalan ako sa pag-akyat. I sighed. Halatang pagod siya kaya hindi ko na siya ginising para lumipat sa kwarto o kaya naman ay kumain ng dinner. Kumuha nalang ako ng blanket at ikinumot iyon sa kanya.

“Sorry Loki pero mukhang mali pala ang pagtrato ko sa iyo. Si Dylan ang mahal ko. Siguro nga panahon ang naging batayan ko. Mas matagal ko siyang kasama at doon nabuo ang pagmamahal ko sa kanya. Pinaghirapan niya ang mga panahon na iyon. He deserved it. Alam kong makakahanap ka ng babae na para sa iyo talaga.”

Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga na. Ito ang unang gabi na hindi ko siya katabi matulog. Siguro mas okay na ito. Tutulungan ko siya na maghanap ng babae na para sa kanya. Hindi ako ang babaeng iyon.

Pagkagising ko kinabukasan ay wala na siya pero may iniwan siyang pagkain para sa akin. Iniisip niya talaga ako. I sighed.

Sorry Loki.

To be continued ~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Chaotic PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon