CHAPTER SIX

3.9K 124 8
                                    

"MALAPIT NA ang JS prom nila. Dapat magbantay tayo!"

Agad namang tumango si Wenggay sa naisip ni Jenny. Kailangan nilang bakuran ang mga crush nila dahil magmula ng makulong kasama ang mga ito'y bigla silang nagkaroon ng mga kakumpetentsya. Mga. Ibig sabihin ay hindi lang iisa. Ilang beses na nila iyong nahuhuli dahil ginaya sila sa paghuhulog ng love lettes sa mga locker nila Zeke at Zander.

Noong nasa elementary sina Jenny at Wenggay ay hindi nila nagawang magbantay noong JS prom ng mga ito dahil bawal ang mga elementary. Ngayong high school ay puwede na silang manood. Nasisiguro din ni Wenggay na papayagan siya ng mga magulang dahil nandoon naman ang tatay niya na puwede niyang makasabay sa pag-uwi.

Naiinis sina Wenggay at Jenny sa mga babaeng nagkakagusto kina Zander at Zeke dahil wala silang mga originality. Lahat sila ay ginagaya ang mga moves nila. Gayunpaman, alam nilang wala pa ring tatalo sa kanila kapag diskarte ang paguusapan. Binigyan niya ng regalo si Zeke at kahit wala itong sinasabing nagustuhan nito ang picture niya na nakalagay sa frame ay okay lang. Alam niyang magugustuhan nito iyon dahil maganda ang kuha niya roon. Baka nahihiya lang itong umamin.

Noong foundation day ay hindi lang iisang beses sila nakulong. Parang itinadhana ang lahat dahil sa buong limang araw ng foundation day ay nakulong sila kasama ang mga ito. Tuwang-tuwa talaga silang magkaibigan. Malaking bagay sa kanila ang makasama ng tatlong oras ang mga crush nila.

"Oo, ah! Dapat makaisip tayo ng move para hindi makaporma ang mga karibal."

Agad naman itong sumangayon at tahimik lang silang nag-isip. Pero dumating na ang recess ay wala pa rin silang naisip! Gusto na niyang sabunutan ang sarili!

Nagpunta sila sa canteen at pinagigi pa ni Wenggay ang pag-iisip. Hanggang sa magawi ang tingin niya sa dalawang babae na lumapit kina Zeke at saglit na nakipagusap.

Nang umalis na ang mga ito ay halatang kilig na kilig! Nakagat niya ang plastic na tinidor hanggang sa maputol iyon sa labis niyang inis! Alam niya ang ganoong itsura ng mga babae. Gayunpaman, kailangan niyang magimbestiga para siguraduhin ang hinala. Nang makitang papuntang CR ang dalawa ay agad naman siyang nagpaalam kay Jenny. Palibhasa ay abala ito sa pagiisip kaya tumango na lang ng hindi man lang siya inuusisa.

Hindi bale, sasabihin ni Wenggay ang lahat nang nalalaman kapag nakumpirma ang hinala. Pagpasok niya sa CR ay nakita niyang nasa cubicle ang mga ito. Agad siyang pumasok sa isang bakanteng cubicle at matiyagang naghintay. Ilang sandali pa ay bumukas na ang mga pinto. Abut-abot ang kaba niya sa dibdib dahil sa sobrang na pagngingitngit, inis at antisipasyon!

"Hay, sa wakas! Masosolo ko rin si Zeke! Wala ng asungot na anak ng teacher!"

Naginit ang ulo ni Wenggay lalo na nang marinig ang dalawang palad ng babae na tila nag-high five pa sa tuwa. Asungot pala, ha! Naku, talagang nanggigigil siya.

"Ang galing mo talaga Trina! At least, nasabi mong wala kang sundo at malapit lang ang bahay niyo kaya pumayag siya. Ang bait din ni Zander, ano? Ako raw ang date niya!"

Naghagikgikan ang mga ito at tila gusto na niyang magwala ng mga sandaling iyon. Nakakainis ang kalandian ng dalawa! Swear!

"Trina, paano kung dumating si Wenggay kasama 'yung side kick niya? Mapupurnada ang gabi natin."

Narinig niya ang isang matunog na ismid. "Malamang na pupunta 'yon. Spoiled 'yun sa tatay niya. Siguradong gagawin noon ang lahat para kay Zeke. Narinig kong napepeste na siya sa batang 'yon, eh."

ZEKE, ANG LALAKI SA MAY BINTANA (UNEDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon