SA PUSOD MO AKING INA

263 5 0
                                    

Unang tibok
Unang pintig
Nagmula sa iyong
Walang bahid

Hindi alintana
Kung gaano kasakit
Mailabas lang ako
Malakas man ang iyong impit

Inalagaan mo
Bawat saglit
Hanggang sa marining
Itong munting tinig

Sa pagtulog ko
Ika'y nakatitig
Sa mga pisngi kong
Pagkaliit-liit

Gatas 
Na sa iyo nagmula
Sa akin
Ay lubusang nagpasigla

Hanggang sa ako
Ay magsalita
Panay ang halik mo
Sa pisngi kong mapula

Ulo ko
Ay inalagaan mo sa hilot
Upang sa paglaki ko
Ay tunay na mamilog

Sa aking pagligo
Hindi mo iniwanan
Isusuot
Ang baru-baruan

Ibabandila
Ang iyong pinagtiyagaang
Binurda
Ang aking pangalan

Nang ako
Ay unang humakbang
Larawan ko
Ay ipinangalandakan

Binanggit
Sa aking mga pinsan
Kaya naman ako'y
Kanilang kinagiliwan

Sa tuwing ulan
Ay papatak
Naisip ko
Nuong ako'y umiiyak

Hindi ka mapakali
Sa aking pag-iyak
Kakargahin ako
Buong magdamag

Taun-taon
Ginugunita
Kung gaano ka
Kadakila

Maubos man
Ang lahat ng salita
Pati na
Ang aking mga luha

Hindi ko pa rin
Maikakaila
Sa pusod mo ako
Unang huminga

Salamat sa iyo
Aking ina
Sapagkat ako'y pinalaki mo
Na may disiplina

Kahit saang lupalop
Ako magpunta
Nasa puso't isip ko
Ang iyong pagkalinga

Ngayong malabo na
Ang iyong mga mata
Mga letra ng tula ko'y
Hindi mo na makita

Inay
Huwag kang mag-alala
Nandyan ang apo ninyo
At siya ang babasa

Inay mahal na mahal kita.

**********
Again don't forget votes and comments😊

SPOKEN WORD POETRY [COMPLETED]Where stories live. Discover now