Dati rati hindi kita napapansin
Kungbaga sa hangin, hinahayaan lang palampasin
Dati rati normal lang na nakikita ka, ngunit ngayon biglang nag-iba
Nag-iba ang pintig ng puso ko na para bang natulala.Hindi ako sigurado kung kailan, kung saan
At kung paano nangyari ang lahat ng to
Pagkat ang tanging sigurado ko lang
Ay ang paghanga sayo na ni minsa'y hindi ko inaasahanIyong mga tingin na nakakatunaw
Iyong mga ngiting nakakasilaw
Iyong mga biro na kahit hindi benta, ako'y iyong napupukawPinagmamasdan ko sa malayo, na para bang tayo'y nasa magkabilang mundo
Ngumingiti nang hindi malaman ang dahilan, na para bang nakakita ng anghel mula sa kalangitanAtensyon ko'y nakatuon lamang sayo
Hindi ko alam kung ito'y napapansin mo
Nakatitig lamang sa iyong mga mata
Hinihiling na sana'y kahit minsan ako naman ang makitaSa isip ko'y di ka mawala, sa puso ko'y pangalan nalang ang kilala
Ramdam ko ang pagkahulog ko sayo
Pero ang tanong "handa ka bang saluhin ako?"Hindi na mahalaga ang sagot sa tanong na ito
Ang akin lang ay naipahayag ko na sayo
Ang nararamdamang medyo matagal ko na ring itinatago
Na ayaw ko na sanang palalain, ngunit mapipigilan ko ba ito?Puso ko ang nagdikta,
Kaya pasenya na hindi ko kontrolado
Isip ko'y gulong-gulo na
Kung alam mo lang paano ko pinipigilan ang nararamdaman koAlam ko hindi dapat
Hindi dapat kasi hindi tama
Hindi tama kasi nagugustuhan na kita
Nagugustuhan na kita... Kaya pasensya ka na...Pasenya ka na,
Puso ko ang nagdikta..********************
Thank you sa pagbabasa ng tula
Don't forget to votes and comments...
😊😊😊