LETTING GO

158 4 0
                                    

Sabi mo may tamang panahon para sa ating dalawa.
Ngunit natatakot pa rin akong mag-let go.
Paano kung hindi na dumating ang tamang panahon para sa ating dalawa?

Mas pipiliin kong ako na lang ang masaktan
Kaysa magkasama nga tayo pero sya naman ang
hinahanap ng puso mo.

Hayaan nating panahon ang magpasya kung tayo ba talaga.
Dahil gusto ko sa huli magiging tayo dahil
napatunayan natin na ang pag-ibig natin ay di
kayang pigilan ng tadhana.

Akala ko ako ang nararapat para sa’yo
pero hindi pala.
Kasi kahit anong gawin ko,
balewala lang sa’yo.
Nakakapagod din pala lalo na
kung sya lang talaga ang gusto mo.

Huwag kang mangakong babalikan mo rin ako at
ayokong umasa na tayo pa rin sa huli.
Kasi ayokong magpatuloy ang relasyon natin ng dahil na lang
isang PANGAKO.

Alam ko na sa ilang saglit na lang ay iiwan mo na ako.
Pwede ba kitang yakapin kahit isang minuto lang?
Kasi sapat na yun para maramdaman ko na kahit sa maikling panahon lang
minahal mo rin ako.

Gusto kong ako ang tanging dahilan kung bakit ka masaya.
Pero mas nanaisin ko na lang na makita kang masaya sa piling ng iba
dahil ayokong maging ako rin ang dahilan ng kalungkutan mo.

Akala ko kaya ko pang magtiis.
Pero hindi na pala.
Napagtanto ko na lang na kailangan na kitang bitawan
kasi ang bawat pagtitiis ko
ay siya namang kalungkutan mo.

Darating ang panahong kailangan na nating palayain ang taong mahalaga sa atin.
Sabi nga nila, kapag mahal mo ang isang tao, dapat handa kang magparaya.

Sa fairytales lang daw may HAPPY ENDING.
Hindi rin. Kasi para sakin ang happy ending
ay yung kahit di man tayo ang nagkatuluyan sa huli,
alam kong naging masaya ka sa bawat kabanata ng LOVE STORY natin.

**********
Wag kalimutan mag votes😊

SPOKEN WORD POETRY [COMPLETED]Where stories live. Discover now