Hi crush, naaalala mo pa ba?
Ako to, yung babaeng pinaasa mo
Pinaasa mo sa mga pangako mo,
At sa mga mabubulaklak na salita na lumalabas sa bibig mo.Pinaasa mo ko sa mga kilos mo,
Na naging dahilan ng pagkahulog ko sayo
Pagkahulog ko sayo na kahit minsan ay hindi ko pinagsisihan.Sabi mo noon handa kang maghintay,
Pero bakit ngayon, wala ka pa sa kalahati
Bumitaw ka naSabi mo hanggang huli kasama kita,
Pero ang tanga ko kasi hindi ko nahalata, na una pa lang nang-iwan ka na.Pero sa lahat ginawa mo,
Hindi ko magawang magalit sayo
Bakit hanggang ngayon sa isip ko'y di ka mawala,At sa puso ko'y pangalan mo pa rin ang nakatala
Alam kong ramdam mo na may nararamdaman ako para sayo,
Pero bakit pinaasa mo pa rin ako.
At ako naman si tanga, umasaUmasa na ang mga kilos mo, ay nangangahulugan ng mahal mo rin ako
Pero hindi, dahil ang lahat ng iyon ay naging ilusyon lang
Noong binitiwan mo ang katagang "Tama na hindi ko na kaya."Matapos ang araw na iyon, umalis ka
At hindi na muling nagpakita pa
Noong araw na pag-alis mo, ay yung araw na napagtanto kong hindi ako ang mahal moSana nung una palang ay hindi na ako umasa sa mga pangako mo
Dahil ang sakit makita ng sarili ko na nahulog ito sa taong hindi naman kayang sumalo...Pero alam mo ba kung ano ang mas masakit?
Ito ay nung itapon mo nalang basta basta ang pagkakaibigang matagal nating binuo.**************
Voments guyss😊