Y

40 2 0
                                    

                    Serene

"Girl, you're gorgeous! Crap, pano ka nya nagawang ipagpalit sa isang ahas!" reklamo ni Cristine, hindi ba 'to nauubusan ng laway? kanina pa sya salita ng salita simula ng dumating kame dito sa mall.

"Hindi natin sya masisisi, Jayden loves Animal. Nag-date nga kame sa Zoo noon e. At ateng, move on na rin! 7 months ng nakalipas o!" Ani ko kay Cristine. At pagkatapos ay tumawa ito ng napakalakas. At yung tawa pa nya parang yung kay Steffi Cheon. Nang-aasar!

Hala! hindi ko po 'to kilala!

Nauna na 'kong mag-lakad kay Cristine dahil kanina pa ko nahihiya sa susunod di ko na 'to isasama, buset!

"Uy! Wait lang, 'to naman." Habol ni Cristine saken, hinihingal-hingal pa sya  nyan ah.

Nasa loob kame ng forever 21 ngayon, at kanina pa ko iritang-irita dito sa kasama ko, kanina nya pa ko tinitignan pero hindi nagsasalita. Weirdo!

"Bakit? May kailangan ka ba Cristine?"  Sa wakas na tanong ko din ang bruha.
Pero hindi sumagot! Kaya tumalikod na 'ko para pumili ng damit.

"Naka move-on ka na ba talaga?" Seriously? kaya ba ang tahimik nya kanina pa dahil yan yung iniisip nya? for move on's sake!

"Oo, at ilang beses ko pa bang sasabihin sayo Cristina Monique Herrera ha?" inis na sabi ko sakanya.

Bigla sya'ng napaayos ng pagka-upo at tinaasan ako ng kilay ng bruha! Aba!

"Pero hindi mo manalang sinampal yung ex mo, gaga! Ganun ka ba talaga kabait noon?" hays, kelan kaya matututo 'tong umintindi.

"Tine, isa pa talaga. Ikaw masasampal ko. Isa pang tanong, mabubura 'yang make-up mo." banta ko sakanya.

"I hate you! Concern lang naman ako sayo e! bahala ka nga dyan!" at nag walk out ang bruhilda. Whatever, babalik din yun.

At pinagpatuloy ko na ang pag pili ng mga damit, at nakahanap na 'ko at nakabayad pero wala parin si Cristine. Ok, I'm wrong hindi bumalik ang bruha.

Lumabas na 'ko sa store para hanapin si Cristine. And andali ko sya'ng nakita, nakatulala ang babayi! Ano naman kayang tinitignan neto? kaya lumapit ako and boom, hindi ano kundi sino, jusme.

"Hoy, nakakahiya ka laway mo tumutulo." Ani ko. At ang lola nyo pinunasan nga ang bibig. Natawa ko sa reaksyon nya. Sinamaan nya ko ng tingin ng mapagtanto na wala naman talaga. Umupo ako sa tabi nya at tinignan na rin yung tinitignan nya, lalake na may kausap sa phone at parang badtrip dun sa kausap, hays.

"Ang gwapo nya 'no? Ano kayang pangalan nya? May abs kaya sya? San kaya sya nakatira? San kaya sya nag-aaral? Malaki kaya yung—" hindi na nya natapos yung sasabihin kase binatukan ko na ang loka. Ang bastos mag-isip ng bruha!

"Aray! Gaga ka! Masakit yun ah, ikaw kaya batukan ko. At hoy! kung ano man yang iniisip mo, mali ka! green-minded neto!" Aba't ako pa yung bastos.

"Yun naman talaga iniisip mo, loka-loka! Bastos!" Ani ko.

"Ikaw yung tunay na bastos, oy! Hindi mo kase ako pinatapos, ang sasabihin ko, kung malaki kaya yung bahay nila! Bahay bakla, Bahay!" Naiiling na sabi ni Cristine. Weh? Bahay ba talaga? Ay ewan.

"Girl, aalis na si kuya pogi!" Natatarantang sabi ni Cristine. And so?

"Ano naman kung aalis na?" Walang pakealam kong sagot, at nag-laro nalang sa phone.

"Hindi ko pa nakukuha yung number nya, bakla!" Niyuyug-yog nya yung balikat ko kaya na game-over ako sa temple run! Naknang!

"Kutong inire, Herrera! Tumayo ka tas puntahan mo! Ganon ba yun kahirap ha? ha? Game-over tuloy ako! Badtrip!" Yamot na yamot na ko ha, mahahigh score ko na e! konti na lang!

"Uulit pa tuloy ak—" nilingon ko yung katabi ko, pero wala na ang gaga.
Tinignan ko yung lalake sa labas naka-kunot na yung noo, hala! Kausap nya si Cristine. Cristine?! Agad agad akong tumayo at pumunta sa pwesto nila.

"Fuck! stop pestering me, damn woman!" inis na inis na sabi ng lalake kay Cristine. Lagot!

"Tine, tara na!" aya ko kay Cristine, at hinihila ko na rin. Aba ang bruha, palaban!

"Hoy! Wag mo 'kong mamura-mura dyan ah! Di mo ba 'ko kilala? Ako si Cristina Monique Herrera, anak ni Miguel Herrera na may-ari ng Herrera Hotel dito sa Pilipinas at ibang bansa!" Ani ni Cristine. Ang tanga naman neto! Halatang mayaman yung lalake, pano kung pakealaman neto yung business nila. Edi lagot na.

"Well, you gave me an idea, woman." naka ngising sabi ng lalake. At ang bruha natulala na naman. Sinasabe ko na nga ba.

"See you again, Ms. Herrera." Ani ng lalake bago paandarin ang Lamborghini neto. Pisteng yawa! Ang usok! Hinila ko na si Cristine sa isang tabi. Ubo parin ng ubo ang gaga!

"Hoy! Gaga ka talaga! Tignan mo yung ginawa mo, pano kung may gawin yun sayo ha?" sermon ko sakanya. Nang-gigigil ako dito e.

"Ano naman pake ko? Edi gawin nya kung anong gusto nya!" Uubo-ubo pang sabi nya.

"Palibhasa gwapo, kaya wala kang pake! Usukan kita dyan e!" Gigil na sabe ko.

"Ewan ko sayo, Florezca." At iniwan ako ng bruha. Di pa rin sya nakaka-move on kay Jayden. Parang sya yung niloko ah. Napailing na lang ako.

Di nagtagal ay dumating na agad sasakyan ni Cristine.

"Sakay na, dali!" Ani nya.

"May lakad ka ba? Ha?" Pagtataray ko sakanya bago sumakay.

"Lakas ng loob mo mag taray ah, pababain kita e." Ani ni Cristine.
May pamasahe ko, gaga! Inirapan ko na lang sya.

At pinaandar na nya ang kotse nya, na parang may humahabol samin sa sobrang bilis, pero mas mabilis pa din ako magpatakbo.

"Biàtch, may lakad ka ba!" pasigaw na tanong ko sakanya.

Hindi ako sinagot ng gaga, at lalo pang binilisan. Buti nag seat belt agad ako.
After 20 mins. of flying— charot, Driving. Nakarating na kame sa Villa namin. I'm tired. Miss ko na agad bed ko.

"Baba na, gaga ka! Sarap ng upo mo dyan ah! Shupe na! Layas!" Pagtaboy ni Cristina bruha saken.

"Oo, eto na! di ka sana siputin ng ka-date mo! che!" Padabog 'kong sinara ang pintuan ng kotse nya, at gusto kong matawa dahil sa reaksyon nya, kunot ang noo na naka-tingin saken. Binelatan ko lang sya bago kinawayan.

Inirapan lang ako ng bruha at pinaandar na yung sasakyan, bago pa sya makalayo nakita ko pang inilabas nya yung kamay nya at iwinagayway yung middle finger nya saken. Natawa na lang ako. At pumasok na sa loob ng bahay.

After I ate, tumaas na 'ko at pumasok na sa kwarto. Wala sila Mom & Dad nasa business trip sa England. I did my rituals before sleeping. But first let me tell you how I met Cristine.

I met Cristina 6 months ago, sa isang Salon. She's the only daughter of Mr. Herrera, wala syang kapatid. Oh, meron pala. Me, not sisters by blood but sisters by heart. I love that biàtch.

Krisha and Jayden? wala na 'kong pakelam sakanila, alam pala nilang andun ako, plano nila 'yon na ipakita saken na masaya silang naglalampungan. Pano ko nalaman? Sinabe lang naman saken ng malandi'ng si Krisha, and after that nasampal ko sya, I'm so proud of myself. Once in a lifetime lang maka-sampal ng 'ahas' no. Pero si Jayden, never sya nagpakita saken simula nun. Well, I don't give a damn about him. I just need a bestfriend, sister to be exact and that's my best biàtch ever, Cristina Monique Herrera.












Hello po! Thank you po ulit! Sorry ulit kung may grammatical error's. God Bless, Pips! Sending hearts to all of you ❤️

Serenity || »»Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon