Serene
"Kuya, paabot nga ng bacon."
Tiningnan ko si kuya Gelo na tutok na tutok pa rin sa cellphone nya.
"Kuya, paabot sabi ng bacon!"
"Oh ayan. Ang aga-aga high blood ka agad, Andrea." Inabot sa'ken ni Kuya ang bacon, at agad naman na bumalik ang atensyon nito sa cellphone ng tumunog ito.
Napailing na lang ako bago sumubo.
Kaming dalawa lang ni kuya Gelo ang nasa bahay, Mom and Dad go to work early in the morning, while si Kuya Dandreb naman ay hinahatid si Shaun sa eskwelahan nito.
7:30. Fifteen minutes drive simula bahay hanggang MSU, kaya pa 'to.
"Kuya, alis na 'ko." Paalam ko bago tumayo para kunin ang gamit ko.
"Ha? Sige, ingat ka. Manong Fred." Binalingan n'ya ng tingin si Mang Fred at tinanguan ito, bago n'ya ako hinalikan sa noo.
"Behave, okay?" Tiningnan n'ya 'ko na tila binabalaan ako. I only gave him a sly smile bago 'ko sya tinalikuran.
"Sinasabe ko sa'yo— Andrea Serene!" Sigaw ni kuya.
Hinarap ko s'ya kahit malayo na 'ko sakanya.
"What? You're being paranoid again, kuya. Bye~." I smiled sweetly and wave at him while walking backwards.
Nakita ko pa itong bumuntong hininga bago umiling, napangiti naman ako bago ko s'ya tinalikuran.
"Tara na, Manong." Aya ko kay Manong Fred at nauna ng sumakay ng kotse.
—
Kasalukuyan na nag-didiscuss si Mrs. Florencia sa harapan. Sampung minuto palang ang itinatagal ko dito pero buryong-buryo na 'ko.
Tamad akong sumandal sa upuan ko at humalukipkip habang ngumunguya ng chewing gum. Sinulyapan ko naman si Cristina na nakapangalumbaba at nakatulala sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Nagulat ako ng bigla s'yang umayos ng upo at idinikit nya yung upuan nya sa upuan ko.
"Lalake," tiningnan ko s'ya ng nagtataka, "yung uupo dyan, lalake." Nginuso n'ya yung bakanteng upuan. Tinaasan ko s'ya ng kilay.
"How sure are you?" Pinaningkitan ko s'ya ng mata. Nginisian n'ya ko bago tumingin sa harapan.
"Wanna bet?" Sabi n'ya habang nakatuon pa rin ang tingin sa harapan.
"Game." Sabi ko habang nakatingin na rin sa upuan na bakante. Ramdam ko na nakatingin sa'kin si Cristina kaya tumingin ako sa kanan kung saan s'ya nakaupo. Nakangisi s'ya sa'kin.
Baliw talaga.
Nabaling ang atensyon ko sa may bintana at agad naman na kumunot ang noo ko ng makita ko na may nakatingin dito sa gawi namin. Nanliksik ang mga mata ko upang suriin kung sino yung lalake. Pero hindi ko 'to masuri ng maagi dahil sa bawat patak ng ulan sa bintana, palabo ng palabo ang imahe ng lalake hanggang sa umalis na 'to.
Sino kaya yun?
Kibit balikat akong umiling. Yumuko ako sa may desk ko at inumpog ng mahina ang ulo ko, hanggang sa paulit ulitin ko na ito. Hindi ko na alam kung anong nangyayari saken.
"Girl, di kaya mabobo ka na nyan. Ano ba ka—"
"Social science is a major category of academic disciplines—"
Narinig ko na may nagbukas ng pintuan kaya ata natigil si Mrs. Florencia sa pag-didiscuss.
Pero bakit pati si Cristina tumahimik?