Serene
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko, nakalimutan kong isara yung kurtina kagabi.
"Good morning, World! Serene's coming at ya'" Masiglang bati ko sa labas ng kwarto ko, nasa balcony ako ngayon at kitang-kita dito ang kabuoan ng Villa namin. Sobrang ganda. Kita mo yung sunrise na kamangha-mangha. Pumasok na ulit ako sa loob ng kwarto ko at ginawa naman ang morning rituals ko bago bumaba.
"Manang, good morning po!" Bati ko kay Manang Flora ang mayordoma dito sa bahay.
"Good morning din, hija. Kumain ka na at mag-eenroll ka daw ngayon sabi ng Mommy mo." Naka-ngiting saad ni Manang saken.
"Ok po." Ani ko.
—
Nakabihis na 'ko ngayon ng red crop top and a high waisted legging pants na pinartneran ko ng converse na black.
Minessy bun ko lang yung hair ko, then pulbo and apply ng liptint. I'm done!Bumaba na 'ko, at kinuha yung susi ng sasakyan ko. Nagpaalam muna ko kay Manang bago umalis.
—
M.S.U
Yan ang mga letra na naka-ukit sa isang marmol na bato, sa gilid ng parking ng school.Pumasok na 'ko sa loob ng office ng school upang mag-enroll.
"Girl, dito!" agad kong nilingon yung boses na yun. Ngiti na kumaway si Cristine saken. Nginitian ko din sya bago lumapit.
"Sana classmate tayo, bakla." Ani ni Cristine.
"Sana nga." Maikli'ng tugon ko kay Cristine.
"Girl, alam mo ba yung anak ng may-ari netong school ay dito rin mag-aaral! Omg! Sana makita ko na sya, ang hot nya siguro 'no? tas pogi pa. Excited na 'kong makita sya." Kinikilig na sabi ni Cristine.
Tinignan ko lang sya ng nakakunot na noo at tinaasan ng kilay. Ngumuso naman ang gaga, di naman cute. Pwe!
"Ang sungit mo naman! Meron ka ba ha?" Natatampong saad ni Cristine.
Umiling lang ako at tinuon na lang ang pansin sa cellphone.At ng tawagin na ang pangalan namin ay agad kameng tumayo para pumunta sa office.
—
"Yey! Classmate tayo! Classmate tayo!" parang bata na kanta ni Cristine, pumapalakpak pa. Jusko nakakahiya ka, Herrera. Papunta kame ngayon sa Cefeteria.
"Shut up! Tignan mo oh! Andami ng naka-tingin satin, ang ingay mo kase." Tumingin nga sya at agad din lumingon saken.
"Oh, diba?" Ani ko sakanya. Tumango sya at yumuko, siguro nahiya na. Buti naman. Pero di nag tagal nag-angat na uli sya ng tingin. Nasa may pintuan na kame ng Cafeteria ng bigla syang tumigil, taka ko naman tinignan si Cristine.
"Ok ka lang? Namumutla ka e." Tanong ko kay Tine pero di sya sumagot. Titignan ko na sana yung tinitignan nya pero bago ko pa magawa naunahan na nya ko.
"Bakla, tara na! Sa McDo na lang tayo. Meron naman dito malapit lang." Hindi pa ko nakaka-angal nang hilahin na nya ko.
"Uy, ok ka lang? Pwede naman dun nalang tayo kumain sa Cafeteria." Ani ko. Pero agad syang umiling ng mabilis.