A

28 1 0
                                    

          Serene

Maaga 'kong nagising dahil ngayon na ang unang araw ng pasukan, pagkatayo ko ay uminat muna ko bago dumiretso sa banyo para maligo. Habang naliligo ako ay narinig 'kong bumukas yung pintuan ng kwarto ko.

"Hija, andito na yung uniform mo ha." Ani ni manang at narinig kong sumara yung pintuan. Lumabas na ko ng banyo at dumiretso sa vanity table para i-blower yung buhok ko. After nun, dumiretso ko sa closet para mag uniform.

Yung uniform nila parang sa mga kdrama, above the knee black skirt na may dalawang white line sa baba, white blouse at black na necktie, may uniform blazers din sila na may white line sa mga gilid at may badges ng MSU sa left side, naks feeling ko kapag sinuot ko 'to nasa isang kdrama ko eh.
Nag uniform na 'ko pero hindi ko muna sinuot yung blazer nasa Pilipinas tayo mga bes, mainit. Nag pulbo na 'ko at konting liptint, viola! I'm ready to go!

Bumaba na 'ko at pumunta sa kusina para mag paalam.

"Ma, Dad alis na 'ko." Paalam ko bago kumuha ng tinapay at kinagat ko na ito at kumuha ng bearbrand sa ref. Tinawag ko na si manong at humalik na 'ko sa pisnge nila Mom and Dad sila palang nandito tulog pa ata sila kuya at Shaun.

"Why are you in a hurry, young girl?" Tanong ni Dad.

"Ayaw ko pong malate ngayon first day eh." Ani ko.

"Sobrang aga mo naman, nak. Masyado kang early birdie." Ani naman ni Mommy bago uminom ng kape.

"Hija, ok na daw yung sasakyan sabi ni Mang Fred." Agad akong tumayo at nag paalam ulit, hinalikan ko din sa pisnge si manang Flor bago umalis.

"Let's go, manong." aya ko pagkasakay ng kotse. Habang nasa byahe ay kinuha ko muna yung cellphone at isinaksak ko sa tenga ko yung headset para mag patugtog. 'Spring Day' ng BTS ang nag play kaya hinayaan ko na lang.

I'm humming along with the song while sipping my milk, this time 'Mic Drop' naman yung nag pplay one of my favorites. Nasa may entrance na kami ng school at ang daming studyante.

"Manong dito na lang po ako." Sabi ko kay manong Fred. Ginilid na ni manong yung sasakyan at bumaba na 'ko. Ang ingay.

Nag lakad-lakad muna 'ko dahil maaga pa naman, lakad lang ako ng lakad hanggang sa makarating ako dito sa likod ng school, umupo muna ko sa ilalim ng puno at pinikit ko muna yung mata ko bago sumandal sa puno.


                         Stanley

"Kaige, bilisan mo!" sigaw ko bago ako sumakay sa kotse ko. Siya na lang kasi ang hinihintay namin at handa na kaming umalis, papunta sa School, tch. Pa-vip pa kasi ang ugok eh.

Sumakay na s'ya sa black matte ferrari nya, tangna neto eh, madaya! Ayaw magpahiram ng kotse. Pinaandar na ni Kaige yung kotse nya at humarurot palabas ng Mansion nila. Madaya talaga ang mga ugok! Sumunod yung kotse ni Tristan, Stanley, Vernon, Xelo, Kit at pucha ako ang panghuli. Kaya binilisan ko yung pagpatakbo ng kotse at nalagpasan ko na yung kotse ni Xelo, sumunod yung kay Vernon, pero umovertake ang gago kaya nasa unahan ko na ulit sya inilabas nya pa yung middle finger nya at winagayway.

Si Kaige yung pinakauna dahil isa syang dakilang madugas, ang bilis ng ng patakbo eh. Kahit stop light dirediretso lang ang gago. Mabait kaming lima kaya tumigil kame. Pagdating namin sa parking lot ang dami ng mga babae na nakapalibot sa kotse ni Kaige, nakangiti akong lumabas ng kotse at hindi na 'ko nagulat ng dito naman dumagsa ang mga girls. Lumabas na si Kaige at pupunta na naman sana ulit dun yung mga babae pero pinigilan ko na sila.

"Girls, girls mainit ang ulo ngayon ni Kaige, kung ayaw nyong mapadali ang buhay nyo wag nyo munang lapitan, ok? ok." Nakasimangot na tumango yung mga babae. Naglakad na 'ko paloob ng building ata agad naman sumunod yung mga kababihan saken, ang hirap talaga maging gwapo.

Serenity || »»Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon