Chapter 2

115 2 0
                                    

AN: Here's my next update.

Enjoy Reading! ^_^

Cassiopeia's POV

Yehey! ^_^ Nilibre ako ni bhestie ng burger. Sayang at di ako gutom, kasi kung gutom ako hindi lang to ipapalibre ko. Kasi pag-libre nilulubos lubos yan noh. Di ba? Sayang talaga, minsan lang to eh. Sa susunod nga maggagalit-galitan ako para malibre ulit ako ni bhestie. Ssshh... wag kayong maingay ha, secret lang natin yan.^_^

Babalik na kami ng classroom kaso may nakabangga sa kanya.

"OMG. What have you done!" -Shimmer

Tinulungan ko si bhestie na punasan yung uniform niya. Natapunan kasi nung lalaking nakabangga sa kanya.

"Oops. Ikaw kasi eh, di ka tumitingin sa dinadaanan mo."

Sabi nung lalaki. Grabe naman makapagsalita to. Siya na nga nakabangga eh, di na lang humingi ng sorry. Tss.Tss. Tiningnan ko yung lalaki....

OH MY GULAY!! Kilala ko siya lalo na yung lalaking katabi nya.

"Hoy Mr. Yabang, ikaw nga tong di tumitingan sa daan no. Mayabang!" - Shimmer

Yung kaaway ngayon ni bhestie, siya si Cloud Chant Anderson. Ang Ultimate Crush ng bayan at yung katabi niya, siya si Jarred Johnson, ang Ultimate Crush ko. ^_^ Di alam ni bhestie yun, nahihiya kasi akong sabihin sa kanya eh.

"Alam mo miss tubig lang yan. Matutuyo din yan noh. Tsaka anong tawag mo sa kin Mr. Yabang? Huh! Kung ako mayabang, ikaw naman si Ms. Sungit. Masungit!" -Cloud

Nabato ako sa kinatatayuan ko. Kasi naman nakita ko si Jarred eh. Binatukan ko sarili ko para matigil na ko sa pagdedaydream.

Kailangan ko ng alisin dito si bhestie. Ramdam ko na ang mga black aura sa paligid. Parami na rin ang mga tao dito sa canteen. Yung iba naman parang nanonood lang g sine, kulang na lang popcorn eh.

"Abat-"

Di ko na siya pinatapos magasalita kasi bigla ko na siyang hinila. Baka magkaroon pa kasi ng World War III.

Dinala ko siya sa garden dito sa school at pinaupo sa isang bench.

"Bhestie, kalma ka lang ha. Okay ka lang ba?" -Me

Tumingin siya sa kin na parang papatay ng tao.

"Sa tingin mo ba okay lang ako? Nakakainis yung mayabang na yun. Akala mo kung sino. Mahirap kayang maglaba magpatuyo at magplantsa ng uniform tapos babasain lang niya. Hindi man lang marunong humingi ng sorry." -Shimmer

"Hold it. Inhale. Exhale." -Me

Ginawa naman niya yung sinabi ko. Tuloy tuloy kasing magsalita eh. Walang preno.

"Bhestie may lakad ka ba? May naghihintay bang taxi sayo sa labas? Ang bilis mong magsalita eh. Dahan dahan lang okay." -Me

"Eh kasi naman eh, kainis talaga eh!" -Shimmer

"Eh ka ng eh. Natata-eh ka ba?" -Me

"Alam mo kung di lang kita bestfriend matagal na kitang binugbog." -Shimmer

"Hehe. Ito naman di ka mabiro. Peace na tayo." -Me

Highblood naman masyado si bhestie. Wag ko ng biruin baka nga mabugbog ako ng wala sa oras.

"Hmm.. bhestie, speaking of yung lalaki kanina, di mo ba siya kilala?" -Me

"Ha? Bakit artista ba siya? Sorry di ako updated sa mga bagong artista ngayon eh." -Shimmer

"Hindi siya artista, mukhang artista lang." -Me

Tama naman eh. Mukhang artista si Cloud lalo na si Jarred ko.

WHAT!? I NEED TO BE MARRIED!? [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon