Chapter 7

71 3 0
                                    

Shimmer's POV

Busy silang lahat lalo na sa pag-aayos nila sa kin. Alam niyo ba kung bakit? Because this is my happiest and memorable day, it's my Wedding day! I'm so excited at the same time nervous. Ganto daw talaga kapag ikakasal eh.

Ayan, tapos na nila akong ayusan.

"Bhestie, halika na punta na tayo sa simbahan." -Cass

Sumunod na ako sa kanya, pupunta na kaming simbahan.

~Sa Simbahan~

Nandito na kami sa simbahan. Bumaba na kami ng kotse, kasama ko sila Mommy at Daddy.

Kinakabahan ako, nasa tapat na ako ng pintuan ng simbahan hinihintay ko na lang ang signal para pumasok, kaso wala pa ang signal bumukas na ang pinto.

"Bhestie, bakit ka nandito at bakit nagkakagulo ang mga tao?" -Me

"Kasi yung groom mo eh." -Cass

"Bakit anong nangyari?" -Me

"Nag-runaway siya!" -Cass

"Ha?" -Me

"Ayun siya, may kasama!" -Cass

Sino naman kayang babae ang kasama niya! Niloloko niya lang ako!

Tumingin ako sa tinurong direksyon ni Cass. At ang kasama niya O_O

OMG! Hindi babae ang kasama niya kundi......

"Bestman niya yan diba? Uso pa ba ang My Husband's Lover?" -Me

At hinimatay na ako. Pero bakit ganun kahit hinimatay na ako naririnig ko pa rin ang mga boses nila lalo na ang OA kong bestfriend.

"Bhestie! Gumising ka! Wag mo kong iiwan!" -Cass

"Uy bhestie Shimmer, bhestie gising na!" -Cass

Nararamdaman ko na inaalog niya ako.

"BHESTIE! GUMISING KA NA! TANGHALI NA PO!!" -Cass

*Poink* "Aray!"

Napabangon ako ng wala sa oras. "Bakit mo ko binato ng unan. *sabay himas sa noo na tinamaan ng unan* Talagang magigising ako sayo, pati na yung mga patay magigixing sa lakas ng boses mo." -Me

"Pasensya naman. Tuog mantika ka kasi, kanina pa kita ginigising." -Cass

Tulog? *tingin tingin sa paligid* Nasa loob ako ng kwarto ko. Ibig sabihin panaginip lang yun. Yes! Akala ko totoo na.

"Oh bakit ganyn ang itsura mo di ko maipinta." -Cass

"Eh kasi naman ang panget ng panaginip ko." -Me

"Ano ba napanaginipan mo?" -Cass

"Nanaginip ako na ikakasal ako ang kaso tinakbuhan ako ng groom ko." -Me

"Talaga? Runaway groom ang peg." -Cass

"Ang matindi pa dun nagrunaway siya kasama ang bestman niya, magkaholding hands pa." -Me

"Aba matindi nga! Parang My Husband's Lover lang ha.

Sino ba yung groom mo sa panaginip mo?" -Cass

"Hindi ko nakita eh pati yung bestman, nakatalikod kasi sila habang tumatakbo." -Me

"Ayy sayang naman, sana nakita mo para maiwasan mo kung sino yun." -Cass

Sa panaginip ko kasi sila Cass at ang parents ko lang ang nakita ko pero ang groom tsaka yung iba di ko masyadong nakita.

"Sana hindi magkatotoo yun." -Me

"Sana nga. Wag mo na ngang intindihin yan, panaginip lang yan okay.

Wait a minute kapeng mainit, maiba nga tayo. Kaya ako nandito para malaman ko kung sino ang fiance mo kaya ichika mo na yan!" -Cass

"Pwede bang sa school na lang tinatamad kasi ako eh." -Me

"Anubayan sige na bhestie ngayon na. Nandito na ako eh, time is gold so don't waste time." -Cass

"Sige na nga kung ano pa pinagsasasabi mo. Di ka naman kasi makakatulog kapag di mo nalaman at di mo rin ako papatulugin kapag di ko kinuwento." -Me

"Buti alam mo bhestie, di mo rin ako matitiis kaya love kita eh." -Cass

Syempre ano pa bang magagawa ko eh di kinuwento ko sa kanya kung anong nangyari kahapon sa pagkikita namin at kung sino ang fiance ko.

"Ang swerte mo naman si Cloud pa ang fiance mo. I'm so kilig kilig sa inyo." -Cass

"Bakit pa kasi siya ang dami naman dyan, pwede naman si Jarred gwapo na mabait pa." -Me

Inubo siya pagkatapos kong sabihin yun.

"Oh anong nangyari sayo?" -Me

"W-wala nasamid lang." -Cass

"Bhestie, umamin ka nga sa akin may gusto ka ba kay Jarred?" -Me

"H-ha, w-wala no a-ano bang sinasabi mo dyan." -Cass

Kapag nagsisinungaling ang isang tao ang mga signs niyan ay umiiwas ng tingin pag sumasagot at nauutal.

Kaya halatang nagsisinungaling si bhestie kasi umiiws siya ng tingin at nauutal pa.

"Cassiopeia pinaglilihiman mo ba ako?" -Me

Either Cass or bhestie lang kasi ang tawag ko sa kanya kaya kapag binuo ko na ang pangalan niya matakot na siya kasi seryoso na ako.

"O-oo na. Oo na. Oo na. May gusto nga ako sa kanya." -Cass

"Eeeeeeehhhhh talaga may gusto ka sa kanya? Nakakakilig naman!" -Me

"Hindi ka galit?" -Cass

"Hindi naman, basta no secrets bestfriend tayo diba." -Me

"Sorry bhestie ha, promise no secrets." -Cass

"Okay lang. Kelan mo pala nagustuhan si Jarred?" -Me

"Nung 1st year college pa, ang cute kasi ng smile niya nung unang kita ko sa kanya." -Cass

"Ahh, 2 years ka nang may gusto sa kanya." -Me

"Okay maiba naman tayo, ikaw naman iintrigahin ko para quits tayo.

Bakit ayaw mo kay Cloud gwapo naman siya." -Cass

"Hindi naman sa looks pinagbabasehan kung gusto mo ang isang tao, ang kailangan ay ang ganda ng kalooban." -Me

Tama naman ako mga readers diba?

"Korek ka naman dyan ang kaso no hoice ka na siya na ang makakasama mo sa buhay." -Cass

"Makikisama na nga lang ako sa ugali niya, bahala na." -Me

"Mukhang mabait naman si Cloud di lang halata. Di mo pa kasi nakikilala ng lubusan kaya ganyan ang nasasabi mo pero kapag nakilala mo na siya dun mo lang malalaman ang tunay na ugali niya." -Cass

Seryoso si bhestie ha.

Mukhang tama nga siya kaso di ko mapigilang mainis kay Cloud eh.

"Sige na tama ka na at tama na rin tong pag-uusap natin, nagugutom na kasi ako." -Me

Inayos ko na ang kama ko at bumaba na kami.

"Bhestie, eto lang ba ang pinunta mo sa amin ang magchikahan tayo?" -Me

"Hindi no, makikikain din ako di pa nga ako nag-aalmusal tsaka ang aga ko kayang pumunta dito." -Cass

Sabi ko na nga ba may ibang agenda pa to eh.

"Bakit di ka pa nag-aalmusal? Psh. Halika na nga." -Me

At hinila ko na siya papuntang dining.

Pagdating talaga sa tsismis si Cass ang maaasahan mo.

WHAT!? I NEED TO BE MARRIED!? [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon