Chapter 14

51 4 0
                                    

AN: Please vote if nagustuhan niyo and comment if may gusto kayong sabihin about sa story na ito, open naman ako sa lahat. Thanks pala sa mga nagvovote at nagcocomment!

Shimmer's POV

"Seryoso po ba kayo?" seryosong tanong ko sa kanila.

"Mukha ba kaming nagbibiro?" sagot naman sa akin ni mommy.

Mukha ngang di sila nagbibiro. Mga seryoso yung mga mukha eh.

"Anak, ginagawa namin to para sa inyo, para sa ikabubuti niyo." sabi ni daddy sa amin.

"At para na rin makilala niyo pa ang isa't-isa." dugtong ni tito Claudio.

Talo ako sa kanila, kailangan ko ng kakampi.

"Hoy Cloud, kailangan ko nga kakampi dito. Tulungan mo nga ako, diba aagainst ka rin sa sinasabi nila?"

Aba't ayaw sumagot.

"Pwede namang magreact at sumagot, di ka naman pinagbabawalan.

Uulitin ko yung tanong ko, diba disagree ka sa decision ng parents natin?"

"Tama...." wala sa sariling sagot niya.

Okay lang ba to. Shock pa rin ba siya sa revelation na sinabi ng parents namin? Di bale na nga atleast sabi niya tama daw ang ibig sabihin lang nun agree siya sa akin.

"Narinig niyo po ba yun, sang-ayon po siya sa--"

"TAMA!" bigla niyang sabi.

Nakakagulat naman, bigla bigla ba naman kasing nagsalita. Di pa ako pinatapos sa speech ko.

"Tama. I think it was a cool idea. Agree po ako sa sinabi niyo." sabi ni Cloud.

What?! Muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ko. Akala ko ba kakampi ko siya.

"Di ba dapat magkakampi tayo dito. Bakit ka pumayag, akala ko ba against ka rin sa kanila."

"May sinabi ba ako? Di kasi kita narinig na nagsasalita ka, nagiisip kasi ako and then yun nga napagisip-isip ko na okay lang sa akin ang naging decision ng parents natin."

"Okay fine." no choice talo na ako.

"Don't worry sa iisang bahay nga tayo titira pero magkahiwalay naman ng kwarto."

"Wala naman akong sinabi na sa iisang kwarto tayo ha."

WHAT!? I NEED TO BE MARRIED!? [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon