15

597 40 1
                                    

Jennie's POV

"Jennie!"

Rinig kong tawag ni Jin at Jungkook sa'kin, galing sa isang bench na katabi ng isang malaking puno.

"Jin!" Sigaw ko naman pabalik at tumakbo papalapit sa kanya kasama si Taehyung.

"Hoy ikaw ha, hindi mo talaga ako tinatawag na oppa." Reklamo niya, "Wala kang respeto!"

Tinawanan ko lang 'yun, "Hindi naman ako sanay na tawagin ka nun eh~ Pati ang awkward kasi nagiging endearment na yun in a romantic way!" Pagpapaliwanag ko.

Nag-pout lang si Jin, "Bumibili pa pala si Hoseok, Jimin, Jungkook, at Namjoon ng Ice cream para sa'ting lahat." Sabi niya bago bumalik sa pagkakaupo.

Naupo na din kami sa bench at hinintay ang tatlo. Nag-cellphone nalang ako habang ang dalawa naman nagk-kwentuhan.

"Jennie~!"

Tawag naman ni Jimin ng makita niya ako, habang may hawak na dalawang Ice cream gaya nila Namjoon at Jungkook.

"Eto sayo oh!" Sabi niya't inabot sa'kin yung isang Ice cream na agad ko namang kinuha.

Binigay ni Jungkook yung isang Ice cream kay Taehyung at yung isang Ice cream naman ni Namjoon ay binigay niya kay Jin.

"Tagal na nating 'di nagkita Jennie noona!" Sabi ni Jungkook.

Tumawa nalang ako, "Oo nga, yung last meeting na'tin lagpas na ng four months ago eh!"

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain ng Ice cream nang nabulunan ako dahil sa joke ni Jin: "Anong tawag sa tornadong namamasyal? Edi Tour-nado!"

Pucha yawq n Jin pls stob.

"Jin hyung nabubulunan si Noona!" Sabi ni Jungkook nang mapansin niya ang sitwasyon ko.

"T-Tubig!" Sabi ko at agad namang umalis si Namjoon para kumuha ng tubig.

"Nakakamatay talaga yung mga jokes mo hyung!" Sabi nalang ni Hoseok habang hinahagod ang likod ko.

"Andito na yung tubig!" Sabi ni Namjoon at inabot yung water bottle sa'kin at agad akong uminom.

Pero nabulunan nanaman ako nang may makita ako sa malayo—

"NABULUNAN DIN SI NOONA SA TUBIG PAPAINUMIN PARIN BA NATIN SIYA?" Rinig kong tanong ni Jungkook pero nakabaling sa iba ang atensyon ko even though I feel like I'm choking to death.

"Y-YOONGI?"

--

stranger || m.yg ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon