Jennie's POV
"Byun Baekhyun, right?" Tanong ko sa isang lalaki.
Nasa *** café kami ngayon at alam kong siya na yung magiging date ko.
"Yes! Kim Jennie?" Sagot naman niya at tumango lang ako bilang sagot.
Umupo na ako sa harap niya at saktong may dumating na waitress, "Ano pong o-orderin niyo?"
"Strawberry frappe will do." Sagot ko nalang.
"Ah coffee nalang sa'kin, thank you." Sabi naman nung Baekhyun.
He leaned towards the table and placed his arms on it, "So...tell me something about yourself."
"I'm Kim Jennie, 21, Single, and a Model." Simpleng sagot ko at ngumiti.
"I already know those, tell me more." Sabi niya at nag-kwentuhan kami.
-An hour later-
"Uuwi na ako, thanks for today Jennie." Sabi niya at nilapag sa lamesa ang papel na hawak niya, "Call me some time."
Umalis na siya ng café habang ako naman ay nanatiling nakaupo lang.
Kinuha ko na yung papel na nilapag lang ni Baekhyun sa table ng bigla itong hablutin ng isang lalaki.
"Ho—Yoongi?"
"You're not calling him some time." Sabi niya bago niya nilukot yung papel at itinapon.
"Yoongi ano bang problema mo?" Iritang tanong ko.
Tumayo ako at pinulot yung papel bago ito ibinulsa.
"Anong problema ko?" Sagot lang niya, "Sino muna yung kasama mo kanina?"
"Wala kang pakialam."
"Sa tingin mo magtatanong ako kung wala akong pakialam?"
"Ano ba kasing problema mo ha Min Yoongi?!"
Napalingon na yung mga tao sa café sa'kin.
I felt tears form in my eyes, and I knew Yoongi also saw that.
"Hindi ba sabi mo nakalimutan mo na yung feelings mo sa'kin? Then why are you acting like this?!" Then, tears finally fell.
"You call me sweet nicknames, make me believe that you have feelings for me, p-pero wala nang tayo diba?" Pumiyok na ako sa pagsabi nun, nage-eskandalo na ako dito.
"Please lang Yoongi, wag mo naman ako paasahin oh!" Sabi ko, "Eto?"
Tinuro ko yung puso ko, ang bilis ng tibok. "Masakit na 'to. At mas lalo mo yun pinapalala!"
"Sa tingin mo ba ikaw lang yung nasasaktan?"
"Sa tingin mo ba...okay lang ako after all this?"Humakbang si Yoongi papalapit sa'kin, at ang tanging nagawa ko lang ay yumuko.
"Nung nalaman kong naging kayo ni Taehyung..." I heard him sigh, "Naisip ko na baka...baka wala ka ng nararamdaman para sa'kin."
"Ayoko naman saktan yung sarili ko diba? So I just acted as if...wala lang yun sa'kin, na wala ka lang sa'kin." Sabi niya at tumigil sa paghakbang.
"Pero alam mo Jennie?" He lifted up my chin with his hands and wiped my tears away, "Hindi ka wala lang sa'kin, you mean everything to me."
Tinawanan niya lang ang sarili niya, "Ang corny ko naman."
"Yoongi..." Yun lang ang kaya kong sabihin.
"Seeing you with that guy, masakit." Umiwas siya ng tingin, "Akala ko nga wala na talagang pagasa."
Inilapit niya yung mukha niya sa'kin at naramdaman kong namula naman yung mukha ko dahil dun.
"At na-realize ko nun," Mas lalo niyang inilapit ang mukha niya, "baliw na baliw ako sayo, Kim Jennie."
"Y-Yoongi masyado k-kang malapit—"
"Ah, akala mo magp-PDA tayo dito?" Tumawa siya't inilayo ang mukha niya, "To be honest ako, oo."
Hinampas ko nalang ang dibdib niya at tumawa bago tinakpan ang mukha ko gamit ang mga kamay ko, "Baliw!"
"Gaya nga ng sabi ko, baliw na baliw sayo."
"Yah ano ba! Para na akong kamatis dito eh!" Sagot ko bago ko ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya at niyakap siya.
"Ikaw asawa ko ah, dumadamoves na sa'kin!" Biro niya, "Di naman kita masisisi na damoves-worthy ako."
Inilayo ko na ang mukha ko sa dibdib niya, "Damoves-worthy? Salita ba yun?"
"Salita na yun dahil nandito na ang epitome of damoves-worthy."
I let go of the hug at nginitian siya, "Yung kanina Yoongi...nagselos ka ba?"
"S-Selos? Ako?"
Tumango ako.
"Aish, sige na nga. Oo nagselos ako." Sagot niya.
I tiptoed and pinched his cheeks, "Ang cute mo talaga!"
"Seryoso ka? Anong cute doon?"
"Ikaw?"
"I'm not cute, I'm swag!"
Tinawanan ko nalang yun, "Yoongi pala..."
"Hmm?"
"Baliw na baliw din ako sayo, asawa ko."
--
A/N: hnnggg
don't worry that's not the end yet~ lab lab ko kayo eh <3
BINABASA MO ANG
stranger || m.yg ✓
Short Story"Sino ka?" [TAGALOG] -- Stalker Book Two: Stranger epistolary